PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie actor Ardel Presentacion on "sibasib" scene with Chad Kinis: “Medyo nanghina po siguro ako!”

Beki Problems is the only second acting project of Ardel Presentacion.
by Jerry Olea
Published Sep 29, 2020
Newbie Ardel Presentacion on torrid kissing scene with comedian Chad Kinis: “Nung ginawa ko yun, habang hinahalikan ko siya, iniisip ko na miss na miss ko na siya, sabik na sabik ako sa kanya. Parang inisip ko rin, dahil sa pandemic, matagal nang walang halik kaya ganun na lang katodo yung pagsibasib ko kay Chad! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Courtesy of Ardel Presentacion

Medyo nanghina ang baguhang aktor na si Ardel Presentacion matapos niyang laplapin ang komedyanteng si Chad Kinis sa seryeng Beki Problems.

“Si Chad po yung unang gay na nakahalikan ko,” pagtatapat ni Ardel nitong Setyembre 28, Lunes, via Messenger.

“Noong una, kinakabahan ako sa shooting. Kasi, first time ko pa lang.

"Pero nang start na kami, happy si Direk Jill Urdaneta. Kasi, maganda yung kinalabasan.

“After ng kissing scene namin ni Chad, pagsabi ni Direk ng CUT, sigawan lahat ng tao. Napangiti ako, kasi, tuwang-tuwa ang lahat.”

Dalawang take ang mahiwagang kissing scene—isang close-up at isang wide shot.

“After ng take, pinanood namin sa monitor. Hindi ako makapaniwala na nakaya ko yung ganoong eksena.”

Paano nila pinaghandaan ang laplapan? Prinaktis ba nila?

“Yung mga bitawan lang ng line ang ni-rehearse. Pero yung sa halik, doon na sa mismong set namin ginawa,” paglilinaw ng baguhang aktor.

“Nag-mouthwash muna kami ni Chad bago yun.”

Ano ang lasa ng pagsibasib niya kay Chad?

“Lasang mouthwash po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” saad ni Ardel.

“Sumakit nga yung dila namin sa sobrang anghang, kasi puro yung mouthwash na minumog namin. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Inisip ba ni Ardel na girlfriend niya ang nilalaplap niya sa Beki Problems at hindi si Chad? O si Ivana Alawi, Catriona Gray, o sino man?

“Nung una, inisip ko talaga, ang crush ko na si Liza Soberano,” pag-amin ni Ardel.

“Pero doon kasi sa scene, ako yung may gustong makipagbalikan sa ex ko na si Chad.

“Nung ginawa ko yun, habang hinahalikan ko siya, iniisip ko na miss na miss ko na siya, sabik na sabik ako sa kanya.

“Parang inisip ko rin, dahil sa pandemic, matagal nang walang halik kaya ganun na lang katodo yung pagsibasib ko kay Chad! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kumusta siya matapos lapastangin ang matimtimang labi ni Chad? Nanghina ba siya?

Tugon ni Ardel, “Medyo nanghina siguro ako, kasi palaban yung laplap ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Nagpupumiglas kasi si Chad.

“Naghanap agad ako ng tubig matapos ko siyang sibasibin, kasi parang hiningal ako. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Si Chad naman, natulala. Sabi niya, nanghihinayang siya, kasi hindi siya lumaban ng halik. Ha! Ha! Ha! Ha!

“'Tapos, sa next scene niya, nalilimutan na niya yung lines niya. Sumigaw pa siya, ‘Ardel! Kasalanan mo ito!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”


Ipapalabas ang Beki Love (BL) series na Beki Problems umpisa Oktubre sa YouTube channel ng heyPogi.

Kasama rin sa cast nito sina Gold Azeron, Ruby Ruiz, Calvin Crew, Francine Garcia, at Ace Toledo.

Ang istorya nito ay ibinase sa aklat ni Joni Fontanos.

FAMILY AND FRIENDS' REACTION

Ano ang reaction ng mga kapamilya at kaibigan niya nang kumalat ang second teaser ng Beki Problems kung saan inararo niya ang nguso ni Chad Kinis?

“Hindi ko nasabi sa mga kaibigan ko at pamilya ko na may ganun akong eksena,” pasakalye ni Ardel.

“Nagulat ang pamilya ko. Sa susunod daw, magsabi ako para hindi sila atakihin sa puso. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sa mga friends ko, madaming lalong nagulat. Kasi, hindi nila nakikita sa akin na magagawa ko yun.

“Kasi, super-tahimik ko talaga. Sobrang totoy yung tingin nila sa akin.

“Pero lahat sila, happy sa nagawa kong iyon.”

At this writing, naka-3.7M views na ang second teaser ng Beki Problems na in-upload sa Facebook page ni Chad Kinis noong Setyembre 24, Huwebes.

SECOND SHOWBIZ PROJECT

Laking-Binangonan, Rizal si Ardel. Panganay siya sa apat na magkakapatid.

Noong bata pa si Ardel, ginusto niyang mag-artista. Sumali siya sa Artista Academy (2012) ng TV5.

Paggunita ni Ardel, “Umabot ako sa Top 200. May nag-offer sa akin na nagpakilalang direktor na bibigyan niya ako ng free workshop, tinanggap ko yun.

“Pero unang araw pa lang, parang may mga pahaging na siya na ang pakiramdam ko, gusto niya ako. Parang gusto niya ako maging kasintahan.

“Hindi ako sanay sa ganun at natakot ako kaya hindi na ako nagpatuloy. Simula nun, tumigil na ako sa mga audition.”

Nag-focus siya sa pag-aral. Pagka-graduate sa kursong Computer System and Network Technology (IT), naging abala siya sa kanilang negosyo.

Pero nang kumaway ang showbiz, sumubok siya.

May maikling papel siya sa Episode 1 (“Andrew & Brix”) ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr., na streaming sa Gagaoolala. Gumanap siya roon bilang Lance, ang ex-boyfriend ni Andrew (Markki Stroem).

Ikalawang showbiz project niya itong Beki Problems, kung saan ang karakter niya ay ex-boyfriend ni Diony (Chad Kinis), na ang pangalan din ay Lance.


WHO IS ARDEL BEHIND THE CAMERA?

Sa totoong buhay ay tahimik lang si Ardel.

“Ang tingin sa akin ng mga tao, suplado. Ako yung tipo na sa una, hindi mo makakausap, pero pag matagal mo na akong kakilala, nagiging madaldal na ako,” paglalarawan ni Ardel sa sarili.

“Badminton ang sport ko. Hilig ko ang mag-drawing pero hindi ako yung level na sobrang galing sa drawing.

“Mahilig din ako sa panonood ng movie—comedy, horror, and drama. Madalas akong manood ng anime, lalo na ang Naruto.

“Mahilig akong mag-TikTok. Kumakanta ako pero hindi pang-singer ang boses. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sobrang love ko ang coffee. Paborito ko ang sinigang na baboy, adobong baboy, at matamis na dinuguan from Binangonan, Rizal.

“Simpleng maloko lang ako.”

ARDEL'S SOB STORY

Mukhang totoy lalo na kung nakangiti si Ardel, pero may mga pagsubok siyang pinagdaanan na nagpatibay sa kanya.

“Noong first year college ako, humina ang kita ng negosyo ng aking magulang,” lahad ni Ardel.

“At nung mga panahon na iyon, nagkasakit ako ng hepatitis. Halos wala na kaming pera noon, nagkandautang-utang sina Mama at Papa.

“Doon ko nakita si Papa na hindi niya pinahahalata na nahihirapan siya sa sitwasyon ko. Nairaos namin yun dahil may tumulong at gumaling ako sa sakit ko.

“Hindi ko rin malilimutan na pangyayari sa buhay ko nang ma-stroke si Papa noong 2018.

“Wala ako nun sa bahay. Dinala si Papa sa hospital. Humabol ako sa hospital kung saan dinala si Papa, sa may Taytay, Rizal.

“Nadatnan ko si Papa dun na nakahiga, hindi masyadong gumagalaw. Sobrang hina na niya, parang lantang gulay.

“Si Mama, halata sa mga mata niya yung sobrang pag-aalala.

“Nalaman ko na ilang oras na sina Papa at Mama na nasa emergency room pero walang nag-aasikaso sa kanila.

“Kaya naghanap ako ng doctor o nurse para alamin kung bakit hindi pa inaasikaso si papa. Sobrang duda na ako sa hospital na yun at sobrang takot na ako.

“Kaya pinilit kong ipalipat si Papa ng ibang hospital. Sa Cubao na namin siya pina-confine.

“Mas okey ang serbisyo roon. Naasikaso at natutukan si Papa. Gumaan ang pakiramdam namin at nakahinga kaming lahat nang umokey na si Papa.

“Ngayon, maayos na ang kalagayan ni Papa. Balik na siya sa dati. Marami lang bawal sa kanya.

“Salamat sa Diyos, hindi Niya pinabayaan ang papa ko.”

Nag-aalala si Ardel sa kalagayan ng kapatid niyang babae.

“Lagi siyang nanghihina at laging high blood,” hinaing ng baguhang aktor.

“Pina-check up namin siya. Nalaman namin na may maliit na butas sa kanyang puso.

“Sobrang naawa ako sa kapatid ko. Kaya pinaaayos namin lahat ng kailangan para masimulan yung operation niya.

“May mga gamot na siyang iniinom ngayon. Kaso, nagka-pandemic kaya medyo natakot din kami na ipa-go yung operation.

“Patuloy pa rin ang pag-consult namin sa doctor. Sabi naman ng doctor, hindi raw delikado ang magiging operation.

“Dasal ko na sana, gumaling nang tuluyan ang papa at kapatid ko. Sana, wala nang magkasakit sa amin...”

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie Ardel Presentacion on torrid kissing scene with comedian Chad Kinis: “Nung ginawa ko yun, habang hinahalikan ko siya, iniisip ko na miss na miss ko na siya, sabik na sabik ako sa kanya. Parang inisip ko rin, dahil sa pandemic, matagal nang walang halik kaya ganun na lang katodo yung pagsibasib ko kay Chad! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Courtesy of Ardel Presentacion
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results