PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista posts message for Thai actor Mario Maurer: "Salamat sa pagdaan sa buhay ko."

Kakai Bautista: “MARIO was really kind and authentic."
by Bernie V. Franco
Published Sep 29, 2020
Kakai Bautista to Mario Maurer: “Ang sarap ng feeling na kapag naalala kita, Puro masaya lang nagpaflash sa utak ko. Salamat sa pagdaan sa buhay ko."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram / Internet

Isang mensahe ang ibinahagi ni Kakai Bautista para sa Thai actor na si Mario Maurer, na minsang ini-link sa kanya.

Naging malaking artista sa Thailand si Mario dahil sa mga pelikulang The Love of Siam (2007) at First Love (2010). Nananatili siyang aktibo sa showbiz hanggang ngayon.

Nagkasama at naging malapit na magkaibigan sina Kakai, 42, at Mario, 31, dahil sa pelikulang Suddently It’s Magic noong 2012. Naging kapareha ni Mario sa pelikulang ito ng Star Cinema ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

Pero naging agaw-atensiyon ang pagiging malapit nina Kakai at Mario.

Kahit sa mga guest appearances noon sa TV shows, madalas ang panunukso sa kanila.

Gaya na lamang ng ipinost na video clip ni Kakai sa Instagram noong nakaraang linggo.

Mula ito sa dating late-night talk show ni Vice Ganda, ang Gandang Gabi Vice. Guest noon sina Mario, Kakai, Erich, at Joross Gamboa.

Sa video clip, tinutukso at nakikipagkulitan si Vice sa cast, partikular kay Mario. Tinatanong ni Vice ang Thai actor kung ano ang nagustuhan niya kay Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga kilos at salita ni Mario, kitang-kita ang pagiging fond niya sa komedyana.

Sa caption ni Kakai sa video clip, hinaluan niya ito ng biro. Pero sinabi rin niyang “beautiful memory” ito.

“ANEZ?!!!

“Huy. Kelan tayo move-on guysh? EME!” bungad ng singer-comedienne.

Bakas sa kanyang caption na sinusubukan ni Kakai maging positibo sa kabila ng pinagdadaanan ngayong may pandemya.

Aniya (published as is), “Gusto ko sanang kiligin, pero mas GUSTO ko ng Trabaho.

“Such a beautiful memory

"Sana kung yung mga likes and share nitong video na ito na napost sa fb ay may katapat na 100p ayyyyyy. Ang saya."

Hindi itinago ni Kakai na marami siyang trabahong nakansela dulot ng kasalukuyang health crisis.

“The past week wasn’t really that good. lost too many bookings because of certain unavoidable reasons, but here I am starting another week with a Hopeful mindset.

“Tapos na akong umiyak sa kakaisip sa bayarin. And i prayed really hard. Alam mo naman po yan, Lord."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Kakai, nagdulot ng ngiti sa kanya ang video clip.

POSITIVE IMPACT

Binanggit din niya sa caption na may positive impact si Mario sa kanyang buhay.

Sabi ni Kakai, “Lord Thank you, This made me smile today. You know how to ease my pain by simply reminding me that THERE is still So much good in this world.

“MARIO was really kind and authentic. He was Good to me until the end. I’ve seen so much of him that other people have never seen. (Siguro) I am forever grateful.

“Ang sarap ng feeling na kapag naalala kita, Puro masaya lang nagpaflash sa utak ko.

“Salamat sa pagdaan sa buhay ko.

“kahit anong mangyare, marami pading kabutihan sa mundo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KAKAI ALMOST QUIT SHOWBIZ BECAUSE OF ISSUE WITH MARIO

Napabalita ang pag-ban umano kay Kakai na lumapit kay Mario nang muling bumalik sa Pilipinas si Mario noong 2016 para sa isang endorsement.

Kinumpirma naman ng isang local publicist noon na nag-asikaso kay Mario na mismong Thai agents ng aktor ang nagpaalala “to keep a friendly distance to avoid rumors of a romantic affair with the comedian.”

Sa isang interview noong August 2019, muling natanong si Kakai hinggil sa isyung pinagbawalan siya noong makalapit kay Mario.

Binanggit din niyang inakusahan siya noong ginagamit si Mario para sa kanyang career, kaya raw lapit siya nang lapit sa aktor.

Pabirong bungad ni Kakai: “Actually, ewan, baka hindi na lang niya [Mario] gustong makipag-communicate sa akin!

“Pero yung character naman ni Mario, hindi naman siya ganoon. Napakabait nun.

"Pero wala na tayong magagawa, ganoon na talaga yun."

Inamin ni Kakai na labis siyang naapektuhan sa isyung pag-ban sa kanyang makalapit kay Mario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo naman, muntik na akong mag-quit ng show business noon. Kasi, first time kong maganoon.

"Sinasabi ng mga tao, sabi ko nga, 'Bakit ko naman gagamitin?'

"Baka hindi lang kayo sanay sa mga sweet na tao at saka mababait talaga."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista to Mario Maurer: “Ang sarap ng feeling na kapag naalala kita, Puro masaya lang nagpaflash sa utak ko. Salamat sa pagdaan sa buhay ko."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram / Internet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results