Medyo nakahinga na nang maluwag si Angeline Quinto ngayong medyo okay na ang kalagayan ng kanyang ina-inahang si Sylvia “Mama Bob” Quiros.
Nakaratay ngayon sa intensive care unit (ICU) ng hindi pinangalanang ospital ang kinikilalang ina ng singer dahil sa karamdaman.
Kagabi, September 27, nagbahagi ng update si Angeline sa Instagram Stories sa lagay ng kanyang Mama Bob.
Nagpasalamat siya sa dami ng nagdasal para sa ina.
Sabi ni Angeline, “I AM SO BLESSED SA LAHAT PO NG NAGDASAL PARA KAY MAMA BOB.
“GUSTO KO PONG MAG PASALAMAT SAINYO.
“BUONG PUSO KO. MARAMING SALAMAT PO.”
Nasa stable condition na raw si Mama Bob at maayos na ang vital signs nito.
Saad ng 30-year-old Kapamilya singer, “UNTIL NOW NASA ICU PA PO ANG MAMA BOB, PERO DAHIL SA PAGDADASAL NATIN MAAYOS PO AT STABLE ANG VITAL SIGNS NIYA.
“HINDI PA LANG PO SIYA GANUN KATULAD NOON NA GISING.
“PERO MADALAS DUMIDILAT SIYA AT MAS GUMAGALAW PO NGAYON.”
Sa huli, nanawagan pa rin si Angeline ng mas maraming dasal para sa kanyang ina-inahan.
Saad pa niya, “SAMAHAN NIYO PA RIN PO SANA AKO SA PAGDADASAL PARA SA MAMA BOB.
“SALAMAT PO SAINYO. SALAMAT PO PANGINOON.”

CONSTANT DATE
Sa isang post ng aktres-singer noong September 19, sinabi ni Angeline na miss na miss na niya ang kanyang laging "ka-date," na ang tinutukoy ay si Mama Bob.
Umaasa siyang gumaling agad ito dahil “SOBRA” na niyang na-miss ang ina-inahan.
Buong caption ni Angeline sa ibinahagi niyang larawan nilang dalawa: “Miss na miss ko na ang laging ka-date ko.
“Ang pinaka mahal ko. I love you, Ma.
“Magpagaling at magpalakas ka please.
“Mama Bob miss na kita SOBRAAA."
Si Mama Bob ay asawa ng ama ni Angeline na si Pop Quiros.
Ang totoong ina ni Angeline ay ang dating kapartner ng ama na si Rosemarie Susan Mabao.
Sa defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz noong September 16, 2012 unang nagtagpo si Angeline at ang lumantad na tunay niyang ina na si Susan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
