PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda admits he used to feel hurt by "mukha kang kabayo" comment

Vice Ganda speaks about how he deals with hurtful criticisms.
by Rachelle Siazon
Published Sep 22, 2020
Vice Ganda on getting over hurtful criticisms during his pre-showbiz days: "Mukha talaga akong kabayo. So, nung una, nahe-hurt ako. 'Tapos, 'Ah, teka lang...' Ginawa ko siyang material. Pinagkakitaan ko.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @abscbnggv Instagram

Inamin ni Vice Ganda na isa sa mga pambabatikos na masakit tanggapin para kanya noon ay kapag tinatawag siyang "mukha kang kabayo."

Balik-tanaw ng Kapamilya comedian-TV host: "Yung mga pinakauna pa, ang sinasabing komento, 'Mukha kang kabayo.'

"Yun, pinaka-minor na kritisismong natatanggap ko.

"Nasasaktan ako kasi hindi ko natatanggap. Hanggang eventually, 'Oo nga, ano? Mukha pala akong kabayo.'"

Wala pa raw siya noon sa showbiz, at nagsisimula pa lang bilang isang stand-up comedian sa comedy bars.

Paglalarawan pa ni Vice sa sarili, "Dati talaga, mukha akong kabayo! Hahaha!

"Ang haba kasi ng buhok ko nung nagsisimula ako sa comedy bar. Ta's super payat ako.

"Siyempre yung mga baklang kanal days ko."

Ikinuwento ito ni Vice noong Linggo, September 20, sa CSTV Presents Straight Talk, ang online show ni Jaya na mapapanood sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

"Taggutom days" ba iyon ni Vice kaya siya mapayat at humpak ang mga pisngi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Vice, "Somehow... Hindi naman talaga taggutom, pero hindi tagsarap.

"Hindi naman gutom na gutom, pero hindi ganun kasasarap yung kinakain.

"Yung kung ano lang ang available."

Pero dumating daw sa puntong napagtanto ni Vice na kailangan niyang yakapin ang kanyang flaws.

Lahad pa niya: "Mukha talaga akong kabayo. So nung una, nahe-hurt ako.

"'Tapos, 'Ah, teka lang...' Ginawa ko siyang material. Pinagkakitaan ko. Dun ako nagsimula na nagkaroon ng material.

"Nakilala ako na si Vice Kabayo. Kinailangan ko pala gamitin yun to my advantage.

"Kaya maraming-maraming salamat sa mga umokray sa akin dati na mukha akong kabayo."

Sa isang episode noong 2016, inilabas ng It's Showtime co-hosts ni Vice Ganda ang ilan sa mga pinakatatago raw niyang old photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MATERIAL FOR HIS LAUNCHING FILM

Nakatulong daw nang husto kay Vice ang gawing playtime ang madalas na kritisismo sa kanya ng ibang tao.

"Kaya ang launching ko, Petrang Kabayo.

"Kasi kahit anong gawin kong pagmamaganda, kung ang tingin nila sa akin kabayo, hindi ako gaganda.

"So, 'Sige na nga, karerin ko itong kabayong ito.' 'Tapos lahat ng materials ko dati sa comedy bar, puro tungkol sa kabayo."

Taong 1999 pa lang ay lumabas na si Vice sa Judy Ann Drama Special ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN.

Pero sumikat siya bilang Vice Ganda sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, na nagsimulang umere noong October 2009.

Ang unang pinagbidahang pelikula ni Vice ay ang Petrang Kabayo (2010), na ang direktor ay si Wenn Deramas at iprinodyus ng Viva Films.

Sa Petrang Kabayo, gumanap si Vice bilang isang matapobreng boss na nagta-transform sa isang kabayo sa tuwing siya ay nagagalit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula noon ay sunud-sunod na ang nagawang blockbuster films ni Vice—tulad ng The Unkabogabol Praybeyt Benjamin (2011), Sisterakas (2012), Girl Boy Bakla Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), Beauty and The Bestie (2015), Super Parental Guardians (2016), Gandarrapiddo: The Revenger Squad (2017), at Fantastica (2018).

Nakilala si Vice sa titulong Unkabogable Star, at ilang beses naparangalang Phenomenal Box Office Star dahil sa record-breaking sales ng kanyang mga pelikula.

TOO BUSY TO MIND BASHERS

Hanggang ngayon ay umaani pa rin daw si Vice ng kung anu-anong batikos mula sa bashers.

Tingin niya ay parte na raw iyon ng pagiging artista.

Sabi niya kay Jaya, "Sino bang walang natanggap sa ating lahat? Dyusko! Parang lahat tayo.

"Kasama iyan sa binabayaran sa atin—ang tumanggap araw-araw ng kritisimo at komentong napakapapanget.

"Hindi lahat maganda naririnig natin."

Hangga't maaari ay iniintindi na lang daw ni Vice kung mayroon mang mga kumukutya sa kanya.

"Super dami. And I think I'm fine receiving those comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko sinasabi na happy ako. Nakakalungkot, nakakaiyak yung iba, ang sakit din ng iba...

"But it's just fine. Hindi naman talaga ako gusto ng lahat. And it's okay dahil ako din naman, hindi ko rin naman gusto lahat.

"So, patas-patas lang tayo. 'Keri lang, 'Day! Dahil di ko naman gusto lahat.'

"So, ganun talaga ang mundo. Hindi pwede gusto natin lahat."

Paisa-isa na lang daw kung may patulan man daw siyang basher.

"Dati super patol talaga ako. At pine-playtime ko yung pagpatol.

"Pero ngayon, hindi na, masyado kasi busy ako. Dami kong work, e. Ang dami ko ginagawa.

"So, kung nabasa ko yung comment mo, iilan lang yun sa mga panahong wala akong ginagawa.

"Sasagot sana ako, 'Ay, sorry! Busy na ako ulit. 'Tapos bukas mas madami akong pera ulit kasi ang busy ko.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on getting over hurtful criticisms during his pre-showbiz days: "Mukha talaga akong kabayo. So, nung una, nahe-hurt ako. 'Tapos, 'Ah, teka lang...' Ginawa ko siyang material. Pinagkakitaan ko.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @abscbnggv Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results