"FAKE NEWS."
Ito ang maikli ngunit direktang sagot ni Julia Barretto, 23, ukol sa tsismis na ipinalutang ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa Facebook ngayong araw, September 21.
Ayon sa post ni Sonza, napatunayang "hindi baog" sina Julia at Gerald Anderson, 31, dahil "may nabuo sa sinapupunan" ng aktres.
Bahagi pa ng post ni Jay sa Facebook ang mga salitang Bisaya: “Nahinayak ang batang Dadiangas, nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros-uros tawon.”
("Napuruhan ng batang Dadiangas, na-shoot talaga. Mapipigilan pa ang tren, pero hindi ang pag-ibig na umaapaw.")
Galing daw ang impormasyong ito sa kapitbahay ni Jay.
Ayon kay Julia, wala itong katotohanan.
Hindi na nagbigay ng anumang paliwanag o detalye si Julia.
Hindi rin niya binanggit ang pangalan ni Sonza na siyang nagpakalat ng "fake news." At tila hindi siniseryoso, wala rin siyang banggit ng anumang hakbang laban sa dating sikat na broadcaster.
Nagpakita naman ng suporta kay Julia ang marami niyang kaibigang celebrities, kabilang sina Gabbi Garcia, Liza Soberano, Alex Gonzaga, at Darren Espanto.
Narito ang mga komento nila:


ARE THEY TOGETHER?
Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Julia at Gerald tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Ito ay sa kabila ng ilang buwan nang usap-usapang may relasyon sila, at ngayon nga ay may kumalat pang balitang magkakaanak na raw sila.
Sa presscon ni Gerald para sa Love Unlock noong August 11, direktang tinanong ang aktor kung may relasyon nga ba sila ni Julia.
Pero umiwas itong sagutin ang tanong.
Sabi ni Gerald, "Siguro, unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.
"Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon.
"Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan..."
Ayon pa sa kanya, nais lang niyang manahimik tungkol sa kanyang personal na buhay.
Sabi ng Kapamilya actor, "Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin 'yan sa ibang tao."
Matagal nang pinabulaanan ni Julia na karelasyon niya si Gerald.
Mariin din niyang pinabulaanan na siya ang third party sa hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo noong July 2019.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
