PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN shutdown leaves Oscar Lopez losing half of fortune; GMA-7's Felipe Gozon net worth soars

Oscar Lopez’s net worth fell to $240 million from last year’s $460 million.
by Jet Hitosis
Published Sep 17, 2020
Oscar Lopez, Felipe Gozon
From being the 27th richest Filipino last year, Lopez Holdings Chairman Emeritus Oscar M. Lopez (left) is now in the 32nd spot of Forbes's 50 Richest Filipinos list of 2020 following the ABS-CBN shutdown. Meanwhile, GMA-7 Chairman-CEO Felipe L. Gozon (right) goes up four notches at 42nd place in this year's list, from 46th spot in 2019.
PHOTO/S: abs-cbn.com, PEP file

Nangalahati ang yaman ng may-ari ng ABS-CBN Corporation, habang umalagwa ang net worth ng chairman ng GMA Network matapos ipasara ang lahat ng TV at radio stations ng Kapamilya network apat na buwan na ang nakalipas.

Nakumpirma ito sa Philippines’ 50 Richest 2020 List ng Forbes magazine, na isinapubliko ngayong Huwebes, September 17.

Bumaba ng 48 percent, at nasa $240 million (PHP11.6 billion) na ngayon, ang yaman ni Oscar M. Lopez, ang 90-year-old chairman emeritus ng Lopez Holdings.

Dumausdos si Lopez sa ika-32 puwesto sa listahan mula sa 27th spot—at ang dating $460 million (PHP22.3 billion) net worth—noong 2019.

Bagamat may iba pang negosyo ang pamilya Lopez sa sektor ng kuryente, telecommunications, infrastructure, at property development, ang ABS-CBN ang pangunahing pinagkukuhanan ng kita ng Lopez Holdings, ayon sa Forbes.

Si Oscar Lopez ay tiyuhin ni ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III.

THE ABS-CBN SHUTDOWN

May 5, 2020 nang ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcasting unit ng ABS-CBN, isang araw makaraang mapaso ang 25-year legislative franchise ng network noong May 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nakalipas na mga taon, bigo ang Kamara na matalakay ang mahigit sampung franchise renewal bills para sa ABS-CBN hanggang sa tuluyang nag-expire ang prangkisa ng pinakamalaking media conglomerate sa bansa.

Pagsapit ng July 10, opisyal na ibinasura ng Kamara ang application ng network para sa panibagong prangkisa.

Pitumpung kongresista ang bumoto para pagkaitan ng franchise ang ABS-CBN dahil umano sa sari-saring paglabag sa batas.

Tuluyang itinigil ng ABS-CBN ang TV at radio programs nito at isinara ang kanyang regional networks sa iba’t ibang panig ng bansa.

Napilitan din ang kumpanyang mag-retrench ng libu-libong empleyado.

Nitong August 20, iniulat ng ABS-CBN sa Philippine Stock Exchange na nalugi ang kumpanya ng P3.93 billion noong January-June 2020.

Ang pagkalugi ay epekto ng COVID-19 pandemic at ng pagkakapaso ng prangkisa ng network.

GOVERNMENT BEHIND NETWORK CLOSURE

Kahit paulit-ulit na itinatanggi ng Malacañang, marami ang kumbinsidong ipinasara ng gobyerno ang ABS-CBN.

Aminado kasi si Pangulong Rodrigo Duterte na galit siya sa network dahil sa hindi pag-eere ng kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit bayad na ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses nagbanta si Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kamara mula nang umupo ito sa puwesto.

Isinapubliko ni ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak ang pagpapaliwanag at paghingi ng paumanhin sa Pangulo.

Tinanggap naman ni Duterte ang sorry ni Katigbak.

Pero nagkatotoo pa rin ang banta ng Pangulo na hindi palulusutin sa Kamara ang franchise application ng network.

Sa ngayon, napapanood pa rin ang ilang news at entertainment programs ng ABS-CBN sa cable at YouTube channels at sa mga social media accounts ng network.

GMA GAINS FROM RIVAL’S SHUTDOWN

Hindi man sinasadya, walang dudang nakinabang sa kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network ang karibal nitong istasyon na GMA-7.

Ngayong 2020, tumaas ng 17% ang yaman ni Atty. Felipe L. Gozon, 80, ang Chairman-CEO ng Kapuso network.

Nasa $170 million (PHP8.2 billion) na ngayon ang net worth ni Gozon, kumpara sa $145 million (PHP7 billion) na yaman niya noong 2019.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil dito, mula sa 46th spot noong nakaraang taon ay umakyat sa 42nd place ang ranking ni Gozon sa Philippines’ 50 Richest 2020 List ng Forbes.

Kapansin-pansin ang achievement ni Gozon dahil halos lahat ng bilyonaryo sa listahan ay nabawasan ng yaman ngayong may pandemic.

Pinangangasiwaan ni Gozon ang GMA Network katuwang ang bayaw niyang si Menardo Jimenez, 87.

Si Jimenez ang dating presidente ng GMA Network, at kasalukuyang top shareholder ng network.

Bagamat umangat sa listahan si Jimenez sa 47th spot ngayong taon, mula sa 50th place noong 2019, nabawasan ng 4% ang kanyang yaman.

Mula sa $130 million (PHP6.3 billion) noong 2019, nasa $125 million (PHP6.06 billion) na ngayon ang yaman ni Jimenez “due to some share sales,” ayon sa Forbes.

TOP 10 RICHEST PINOYS

Ang Philippines’ 50 Richest 2020 List ng Forbes ay muling pinangunahan ng anim na anak ng pumanaw na richest Pinoy na si Henry Sy Sr. (1924-2019).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa $13.9 billion (PHP674 billion) ang kabuuang yaman ng magkakapatid na Sy, na may pinagsama-samang stakes sa SM Investments, SM Prime, at iba pang mga negosyo.

Pumangalawa sa mga Sy ang politician-turned-business tycoon na si Manny Villar, na may yamang $5 billion (PHP243 billion).

Si Villar, 70, ang chairman ng Vista Land & Landscapes at Vista Mall. Misis niya si Senator Cynthia Villar.

Kasunod ni Villar sa third spot si Enrique Razon Jr., 60, ang chairman ng International Container Terminal Services, Inc., na $4.3 billion (PHP209 billion) ang net worth.

Pang-apat ang magkakapatid na Gokongwei, na may pinagsama-samang $4.1 billion (PHP199 billion) net worth.

Ang yaman ng anim na magkakapatid ay mula sa iba’t ibang negosyong nasa ilalim ng JG Summit Holdings, Inc., na pinamamahalaan ng anak na lalaki ni John Gokongwei Jr. (1926-2019), si Lance.

Nasa fifth spot si Jaime Zobel de Ayala, 86, ng Ayala Group, sa yamang $3.6 billion (PHP175 billion).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-anim si Andrew Tan (Alliance Global) na may $2.3 billion (PHP116B), kasunod sina Lucio Tan (LT Group) na may $2.2 billion (PHP107B); Ramon Ang (San Miguel Corporation) na may $2 billion (PHP97B); Tony Tan Caktiong (Jollibee Foods Corporation) na may $1.9 billion (PHP92B); at Lucio at Susan Co (Puregold Price Club) na may $1.7 billion (PHP82.4B) net worth.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From being the 27th richest Filipino last year, Lopez Holdings Chairman Emeritus Oscar M. Lopez (left) is now in the 32nd spot of Forbes's 50 Richest Filipinos list of 2020 following the ABS-CBN shutdown. Meanwhile, GMA-7 Chairman-CEO Felipe L. Gozon (right) goes up four notches at 42nd place in this year's list, from 46th spot in 2019.
PHOTO/S: abs-cbn.com, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results