This Week In Showbiz: Nung dine-deny pa ni Ion Perez si Vice Ganda

by Rommel R. Llanes
Published Aug 18, 2020

Ito yung mga panahon na itinatanggi pa ni Ion Perez na may relasyon sila ni Vice Ganda. Ito yung linggo ng August 17 to 23, 2019.

"MAHAL KO PO SIYA, AS A FRIEND"

Akala nating lahat, friendzoned na si Vice kay Ion.

Yun kasi ang sinabi ng lalaking nakilala bilang "Kuya Escort" sa It's Showtime tungkol sa pagli-link sa kanya sa Kapamilya gay comedian.

"Biru-biruan lang kami..." "Mahal ko po siya, as a friend" ang ilan sa mga sinasabi ni Ion kapag natatanong tungkol sa kanila ni Vice.

Pero October 2019, umamin na rin si Vice na isang taon na silang magkasintahan ni Ion.

Lumalabas na nung panahong ito (August 2019) na dine-deny pa ni Ion na may relasyon sila ni Vice ay mag-on na pala sila.


RELATED STORIES

PAOLO OFFICIALLY ADMITS HE'S GAY

Kahit matagal nang tanggap ng publiko kung ano ang ipinapakitang pagkatao ni Paolo Ballesteros, tanging ang opisyal na pag-amin na lang niya ang kulang.

Nung Agosto 20, sa wakas ay opisyal nang ipinahayag ni Paolo na isa nga siyang gay o bakla.

Sa pag-amin na ito, sinabi ni Paolo na mas magaan na ang pakiramdam niya.


RELATED STORIES

JULIA says she STILL LOVEs JOSHUA

Sa interview ni Julia Barretto kay ABS-CBN correspondent in Hollywood Yong Chavez, sinabi ng aktres na mamahalin pa rin nito ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia kahit break na sila.

"I will love that guy until my last breath," pahayag ni Julia kay Yong tungkol kay Joshua.

Opisyal na inamin ni Julia na break na sila ni Joshua nung Agosto 6, matapos na madawit ang pangalan ng dalaga sa hiwalayang Bea Alonzo-Gerald Anderson nung Hulyo.

Ilang buwan ang nakalipas mula ng opisyal na pahayag ni Julia, ginawa at tinapos pa rin nila Joshua ang natanguang commitments bilang love team.

Hanggang ngayon, patuloy pa ring ikinakabit ang pangalan ni Julia kay Gerald.

RELATED STORIES

AMAY AMON VS. MORISSETTE AMON AND DAVE LAMAR

Inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa akusasyon ng ama ni Morissette Amon na si Amay Amon laban sa singer.

Pag-akusa ni Amay, iniwan daw sila ni Morissette para makipag-live-in sa boyfriend na si Dave Lamar.

Mula pa Pebrero 2019, may pinaparinggan nang "disrespectful guy" si Amay sa kanyang Twitter posts.

Palagay ng netizens na nakabasa ng posts ni Amay, si Dave ito.

Ilang araw matapos lumabas ang article tungkol sa akusasyon ni Amay, isang ayaw-magpakilalang source ang nagpaabot ng mensahe sa PEP.

Kinumpirma ng source na umalis na nga si Morissette sa poder ni Amay ngunit pinabulaanan ang akusasyon na nakikipag-live-in na ito kay Dave.

Ayon sa source, nakikitira si Morissette sa bahay ng Stages manager na si Audie Gemora mula pa noong Marso, matapos ng mainit na pakikipagtalo ng singer sa ama.

Ang Stages ang management team na namamahala sa singing career ni Morissette.

Sabi pa ng source, napagbuhatan ng kamay ni Amay si Morissette kaya't tuluyang naglayas ito.

Sa Instagram post naman ni Amay ilang araw matapos ang paglalahad ng source, itinanggi nito na nasaktan niya si Morissette.

Hindi raw niya magagawang pagbuhatan ng kamay ang anak.

Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik sa Morissette sa poder ni Amay at umiiwas itong mapag-usapan ang estado ng kanilang relasyon.

Ayon naman sa Stages president na si Carlo Orosa, si Morissette ay "living independently" na at maraming pinagkakaabalahan.

Sa ngayon, ang gumawa ng content para sa kanyang YouTube channel ang pinagkakaabalahan ni Morissette.

Kasama niya sa paggawa ng content ang kanyang boyfriend na si Dave Lamar na kung tawagin niya ay "best friend, partner-in-everything" at "my love."

RELATED STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results