PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

U.S.-based Klaudia Koronel devastated she can't come home for mother's wake, funeral

Former sexy star Klaudia Koronel mourns passing of her mother, Teresita Dacula.
by Rommel Gonzales
Published Aug 17, 2020
Teresita Dacula, the 63-year-old mother of former sexy star Klaudia Koronel, passed away Saturday morning, August 15, at her home in Culiat, Quezon City.

Nagluluksa si Klaudia Koronel sa pagpanaw ng kanyang ina na si Teresita Dacula, 63, nitong Sabado ng madaling-araw, August 15.

Si Klaudia, Milfe Dacula sa tunay na buhay, ay dating aktres na kasalukuyang nakabase sa Los Angeles, California, kung saan siya nagtatrabaho bilang certified nursing assistant.

Nakatira naman ang ina niya sa Culiat, Quezon City.

Ngayong Lunes ng umaga, August 17, sa pamamagitan ng Facebook Messenger video call, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Klaudia.

Naluluha niyang kuwento, “Sa bahay siya namatay, 6 a.m. ginigising ng pamangkin ko.

“Pero sabi ng paramedic, malamig na [yung bangkay]. So, hindi daw 6 a.m., baka mga 5 a.m. daw.”

Ayon kay Klaudia, kidney at heart failure ang ikinamatay ng ina.

“Bumigay na ang puso njya, complication, dahil minsan nagkakatubig puso. Mahina ang puso niya, hirap na.

“Tapos nagka-infection na ang tube na ginagamit sa dialysis na nakakabit sa leeg niya, kaya dapat ilipat na sa braso niya para fistula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang fistula, ayon sa MedlinePlus Medical Dictionary, ay “abnormal connection between two body parts, such as an organ or blood vessel and another structure. Fistulas are usually the result of an injury or surgery.”

Patuloy ng dating sexy star, “Hindi na niya hinintay. Kasi sa leeg niya nakakabit. Mas maayos sana siya makakilos.

“Nagka-infection kasi yung sa leeg niya, nahihirapan siya, hirap na hirap siya.”

Kasalukuyang inaayos ang mga papeles ng kanyang ina para maiburol ito. Nakahanda na rin daw ang paglalagakan ng mga labi ng ina, ayon pa rin kay Klaudia.

“Sa Garden of Gethsemane sa Antipolo siya ililibing. Binili ko yun fifteen years ago pa.

“Ipagsama na sila ng papa ko. Kasi ang abo ng papa ko, nasa bahay lang.

“Namatay papa ko kasi sa Iloilo, wala kaming libingan doon, kaya dala ko abo ng papa ko sa Manila. 2014 pa siya namatay.

“Hindi ko kasi kinaya ang bayad sa flight dahil in the middle of divorce ako noon, limit lang ang bakasyon ko, may business ako naiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko maiwan katawan ng papa ko sa Iloilo, ang layo para dalawin namin siya.”

Malungkot man silang magkakapatid ay may saya rin silang nadarama dahil magkakapiling na sa wakas ang kanilang mga magulang.

“Naghiwalay kasi sila. Sa huli, magkasama sila sa magandang lugar.”

KLAUDIA CANNOT COME HOME

Gustuhin man ni Klaudia umuwi sa Pilipinas para sa burol at libing ng kanilang ina, hindi raw niya magawa dahil sa kasalukuyang pandemya sa buong mundo.

“Hindi rin ako aabot. Mahirap mag-book ng flight, maraming proseso bago ako makauwi.

“Tapos pagdating ko diyan, iku-quarantine ako for 14 days. Ayoko namang paghintayin nang matagal ang mama ko.

“Kaya masakit na masakit man sa loob ko, kailangan kong tanggapin, na hindi ko siya makikita bago man lang siya ilibing,” malungkot na pahayag pa ni Klaudia.

Si Klaudia ay nakilala bilang isa sa top sexy stars noong late '90s hanggang early 2000s.

Kabilang sa mga pinagbidahan niyang mga pelikula ay Pisil (1998), Kesong Puti (1998), Anakan Mo Ako (1999), Hubad Sa Ilalim ng Buwan (1999), Gamugamong Dagat (1999), Masarap Habang Mainit (2000), Live Show (2000), Tuhog (2001).

Hinahangaan hanggang ngayon ang Tuhog ni Jeffrey Jeturian, sa ilalim ng Regal Films, kunsaan tumatak ang acting at alindog ni Klaudia. Sa isang eksena nito, inakyat ni Klaudia ang isang puno na hubo't-hubad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teresita Dacula, the 63-year-old mother of former sexy star Klaudia Koronel, passed away Saturday morning, August 15, at her home in Culiat, Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results