PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo embarrassed by rumor linking her to Mayor Vico Sotto

"May something ba kayo ni Vico Sotto, Bea?" tanong ni Vice Ganda.
Published Aug 16, 2020
"Hiyang-hiya nga ako doon sa mayor," said Bea Alonzo about the caption she used on her photo with Mayor Vico Sotto.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Hindi maitatangging marami ang kinilig sa first meeting nina Bea Alonzo at Pasig City Mayor Vico Sotto noong June 20, 2020.

Noong araw na iyon, personal na iniabot ni Bea at kaibigang Rina Navarro ang mga donasyon nilang bags at disinfectant kina Mayor Vico at Pasig City Representative Roman Romulo.

Kinabukasan, June 21, ibinahagi ni Bea, 32, ang kanyang litrato kasama si Mayor Vico, 31, sa Instagram.

"Hi Mama! Nakita ko na ang paborito mo! [laughing emoji] Joke!" sabi ni Bea sa kanyang caption.

Maraming netizens ang nakapansin sa magandang vibe ng dalawa, at tuluyang silang tinukso sa isa't isa.

Komento ng isang netizen, "@vicosotto anong masasabi niyo po dito? Kinikilig ka rin po ba? Kasi kami OO [heart emoji]"

BEA ON MAYOR VICO

Kahapon, August 15, ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang reaksiyon sa panunukso ng netizens sa kanila ni Mayor Vico.

Ito ay naganap sa virtual talk show ni Vice Ganda na Gabing Gabi na Vice, kung saan nag-guest si Bea kasama si Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa show ni Vice ay mayroong palaro na kung tawagin ay "Eyes Ganda."

Dito, dapat mahulaan ng guest kung sino ang may-ari ng mga matang ipakikita ni Vice sa screen ng kanyang cellphone.

Isa sa mga ipinakita ni Vice ay ang mga mata ni Coney Reyes, ina ni Mayor Vico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang pinag-iisipan nina Bea at Angel kung kaninong mga mata ang nasa screen, tinanong ni Vice kay Bea kung may namamagitan sa kanila ng mayor ng Pasig City.

Ani Vice, "Ay, wait lang, speaking of Coney Reyes, may something ba kayo ni Vico Sotto, Bea?

"Di ba, parang may narinig akong gano'n?"

Natawa si Bea at sinabing, "Hindi, nagdala lang kami doon ng donation.

"Hiyang-hiya nga ako doon sa mayor dahil sa caption ko siguro, tapos nag-trending.

"Kasi ang kinaption ko, 'Ma, nakita ko na yung paborito ninyo.'

"Kasi, di ba, iyon yung [scene] ko with Tita Coney? And then, nag-trending.

"Hiyang-hiya talaga ako, para akong nagpapansin tuloy ang dating."

Nagkasama sina Bea at Coney sa 2013 film na Four Sisters And A Wedding.

Pabiro ring sinisi ni Bea ang kanyang kaibigang si Janus del Prado sa pangyayari.

"Si Janus pa, iyong kaibigang mong nilalaglag ka, siya pa iyong nagpasimuno doon sa comment box!" sabi ni Bea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, hindi itinatago ni Bea na namangha siya sa maayos na pamamalakad ni Mayor Vico sa lungsod ng Pasig.

Tanong ni Vice, "Gwapo siya in person, si Vico?"

Sagot ni Bea, "Oo, saka ang galing nila doon, as in organized, practice ng social distancing, maayos."

Ang donasyong dinala ni Bea at Rina sa munisipyo ng Pasig ay nagmula sa kanilang itinayong grupo na I Am Hope, na ang unang malaking proyekto ay ang COVID-19 relief operation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Pasig, nagbigay rin sila ng tulong sa 27 na ospital at 17 na barangay sa Metro Manila.

Bagamat tinutukso si Bea kay Mayor Vico, malakas naman ang usap-usapan na ang tunay na nagpapatibok sa puso ngayon ng aktres ay ang aktor na si Dominic Roque.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hiyang-hiya nga ako doon sa mayor," said Bea Alonzo about the caption she used on her photo with Mayor Vico Sotto.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results