Hindi pa nagsasalita si Angeline Quinto, 30, ukol sa nauugnay na lalaki sa kanya ngayon.
Ang non-showbiz guy ay si Nonrev Pelayo Daquina, 26, na tiga-Sampaloc, Manila.
Sa exclusive report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 11, sinabi ng nagpakilalang girlfriend ni Nonrev na may tatlong anak na umano ang lalaki mula sa dalawang dating karelasyon.
Base sa salaysay ni Elisha Arellano, na-ghost siya ni Nonrev.
Pagkatapos daw kasing mag-inuman sina Angeline at Nonrev noong July 22, hindi na siya muling kinausap ng lalaki.
Ilang oras pagkatapos ilathala ng PEP.ph ang mga rebelasyon ni Elisha tungkol kay Nonrev, sunud-sunod ang cryptic posts ng Kapamilya singer sa kanang Instagram.
Una, ang isang quote card sa Instagram Stories na may nakasulat na: “I WISH I COULD UNDERSTAND YOU DEAR…
“BUT I DON’T BARK.”

Sa kanyang feed naman, nagbahagi uli ang singer-actress ng isang quote.
Nakasulat dito: “My words will either attract a strong mind or offend a weak one.”
Wala siyang caption na inilagay rito.
Sa isang short video na ipinost niya sa Instagram Stories kagabi din, makikitang kasama ni Angeline si Nonrev.

Sa isa pang quote card, makikita rito ang larawan ng American singer na si Beyonce na kuha sa isang concert.
Kasama niya ang isang dancer na tila nais humawak sa kanyang baywang nito, ngunit tila sinupalpal ito ni Beyonce.
Caption dito ni Angeline: “Me. You.”
“NEEDS ATTENTION”
Makahulugan din ang mensahe sa ibinahaging TikTok video ni Angeline sa kanyang IG Stories kagabi.
Sabi sa dubbed audio: “Galit na galit ka sa akin, alam mo kung ako sa 'yo, ipunin mo 'yang galit mo. Baka makabili ka ng pake ko.”

Ngayong Miyerkules ng umaga, August 12, nag-post muli si Angeline sa Instagram ng isang selfie picture.
Caption niya rito, “Some people just need to change their Facebook status updates to 'NEEDS ATTENTION.'”
Base sa recent IG posts ni Angeline, malinaw na may pinatatamaan siya.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya direktang nagsasalita tungkol sa ugnayan nila ni Nonrev at sa rebelasyon ni Elisha.
Ngayong Miyerkules, August 12, nagpadala muli ang PEP.ph ng mensahe kay Angeline sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pero hindi pa siya tumutugon dito.
Nagpadala rin kami ng mensahe kay Nonrev, ngunit mukhang hindi pa nito binubuksan ang message request sa kanyang Facebook messenger.
Wala pa ring komento si Elisha ukol dito.
Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
