“She’s my everything..”
Ito ang maikli ngunit nakakakilig na comment ng boyfriend ni Ciara Sotto na si Ian Austin sa isang Instagram post ng kanyang girlfriend ngayong araw, August 8.
Walang kinalaman kay Ian ang post ni Ciara.
Nag-post lamang ang 40-year-old actress-dancer ng solo picture para sa isang giveaway contest kung saan kailangang mag-comment ng kanyang followers.
Si Ian naman ang unang nag-comment sa post na ito.
Sabi ni Ian sa comment, “She’s my everything.. [three heart emojis].”
Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-reply si Ciara sa comment ng boyfriend.
Tugon niya, “I love you! [purple heart emoji]”

CIARA AND IAN'S RELATIONSHIP
November 2018 nang unang ibunyag ni Ciara sa social media ang identity ni Ian bilang kanyang boyfriend.
Bago pa man sila naging magkarelasyon, matagal nang magkakilala sina Ian at Ciara.
Base ito sa post ni Ciara noong February 14, 2019, na isang throwback photo nila ni Ian noong 2008.
Noong mga panahong ito ay magka-long distance relationship (LDR) ang dalawa, dahil nakatira si Ian sa Las Vegas.
Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ciara, ikinuwento niyang dito na sa Pilipinas naninirahan si Ian.
Subalit para raw silang naka-LDR noong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila mula March 15 hanggang May 30, 2020.
Noong July 2, sinorpresa ni Ian si Ciara para sa kanyang 40th birthday, sa tulong na rin ng mga pinsan ni Ciara.
Kuwento ni Ciara, maganda ang relasyon ni Ian kay Crixus, ang anak ni Ciara sa kanyang ex-husband na si Joe Oconer.
Sabi ni Ciara, "Grabe sila! Talagang playmates sila! Crixus loves his company kasi talagang matiyaga siya kay Crixus.
"And he's very, very sweet. Ganun din siya, ma-'I love you' siya kay Crixus at sa akin."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
