Handa raw ipaglaban ni Sam Milby, 36, ang sa tingin niyang kanya, lalo na pagdating sa pag-ibig at babaeng minamahal.
Ito ang naging sagot ng aktor nang matanong tungkol sa title ng kanyang bagong teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.
Ngayong Biyernes ng hapon, August 7, humarap sa entertainment press si Sam at iba pang cast members sa isang virtual media conference para sa paglulunsad ng bagong teleseryeng mapapanood sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN.
Tinanong si Sam ni Eugene Asis, entertainment editor ng People's Journal, ng hypothetical” question na may kinalaman sa titulo ng show.
Tanong niya: “Kung may someone or anyone would tell you na ‘Ang iyo ay akin,’ like in the song ‘The Girl is Mine’ ni Michael Jackson, anong reaction mo doon?”
Sagot ni Sam, “I don’t know what to say about that, it’s hypothetical. Well, kung akin talaga, ipaglalaban ko. If it’s really mine, I’ll fight for it, I’ll fight for her.”
CLINT BONDAD'S CRYPTIC POSTS
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang girlfriend ngayon ni Sam Milby ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray, 26.
Hindi man nabanggit sa press conference kanina, na noong Hulyo ay naging usap-usapan ang cryptic posts ng ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad, na tila nagpapahaging kina Catriona at Sam.
July 13, nag-post si Clint sa Instagram Stories ng screenshot ng kanyang direct message kay Sam.
Saad sa mensahe ni Clint, “Want to become my client?”
Naglagay rin ang model-turned-actor sa caption ng: “How about we have a little chat?”
July 15, nag-post si Clint ng cryptic messages sa Instagram.
Kasama na rito ang picture na may caption na “SawSam,” at isang Instagram story na ang nakalagay ay “I create Queens Because I push Yui BeyonD all Your Limits.”
Hula ng mga followers ni Clint, sina Sam at Catriona ang pinapatamaan si Clint uli sa posts.
SAM'S STATEMENT
Noong July 19, nag-post si Sam ng isang mahabang statement sa Instagram para sa mga taong nakikialam at nagpapakalat ng maling balita tungkol sa relasyon nila ni Catriona.
Bahagi ng statement ni Sam: “Cat and I have chosen to keep our relationship mostly private. It was only until recently that we made an exception, to lend our voices to charitable causes.
“But that does not mean that there is truth to any of these false stories and fake news that people are creating to fill in the blanks. In fact, these wrongful accusations and defamatory lies are dangerous.”
Walang binanggit si Sam kung may kinalaman dito si Clint o ang mga cryptic posts nito.
READY TO MARRY CATRIONA?
Kasama rin sa mga tanong kay Sam sa press conference kanina kung si Catriona na ba ang “the one” na pakakasalan niya.
Sagot ni Sam, “I do believe she’s the one, yes.”
Subalit kahit nasa marrying age na si Sam, sa tingin daw niya ay maaga pa para pag-usapan ito, lalo na’t sampung taon ang agwat ng edad nila ni Catriona.
Saad ni Sam, “Siyempre, may difference sa edad namin.
"Ako, I’m 36 and she’s just 26, and kaka-start pa lang ng career niya, so it’s early naman.
“But, yeah, I do believe na she’s the one.”
Noong May 22, isang araw bago ng 36th birthday ni Sam, inamin niya sa isang online show na “very special” sa kanya si Catriona.
Kinabukasan, sa mismong araw ng kaarawan ni Sam na May 23, kinumpirma ng Kapamilya actor ang relasyon nila ng beauty queen.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
