Remember when Ruru Madrid only had this to say about Bianca Umali?
by Rommel R. Llanes Inimbita ang showbiz press noon para ma-interview ang stars ng G! LU na sina Ruru Madrid, Teejay Marquez, David Licauco, Martin del Rosario, Enzo Pineda, at Kiko Estrada.
Pero nang makausap na ng reporters si Ruru, hindi maiwasang hindi ito matanong tungkol kay Bianca Umali.
Natsitsismis noon na magkasintahan na sina Ruru at Bianca.
Kahit na sa kabila nito'y nali-link si Ruru sa Eat Bulaga host at Asia's Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz.
Habang may ka-loveteam naman si Bianca na inili-link din dito, si Miguel Tanfelix.
Nung pagkakataong iyon, kaharap ang mga reporter, hindi na makaiwas pa si Ruru sa mga tanong tungkol sa kanila ni Bianca.
Pinilit naman ng Kapuso hunk na ibahin ang topic ng interview, pero mapilit talaga ang reporters.
Nagawa pa niyang i-promote ang G! LU at sakyan ang pagli-link sa kanya kay Maureen Wroblewitz, na nali-link na rin noon sa singer na si JK Labajo.
Gayunpaman, binanggit na lang ni Ruru na ang ganda ng show ni Bianca na Sahaya.
Pero wala pa rin itong kinumpirma o itinanggi tungkol sa tsismis sa kanila ni Bianca.





