Mariing pinabulaanan ni Sheryl Cruz ang alegasyong may utang siyang PHP100,000 sa campaign handler niya noong 2019 elections.
Kaugnay ito ng pagdulog ng isang babae sa programang Raffy Tulfo In Action para ireklamo ang diumano'y pagkakautang at pagtatago sa kanya ng aktres.
Iginiit ni Sheryl, 46, na walang katotohanan ang bintang sa kanya.
Pahayag niya sa kanyang Instagram post noong Martes, July 21:
"I have not borrowed any amount from 'Alex.'
"Should she be able to prove clearly and unequivocally that she did incur deficit during my campaign, I would gladly pay the same.
"I pay my dues."
Patuloy ni Sheryl, "The money she may have caused to be paid for the dance projects and the salaries of the staff are from the campaign funds and not from her own pocket.
"She was one of my campaign handlers and she held the funds."
THE COMPLAINT
Sa July 14 episode ng Raffy Tulfo In Action, nagpakilala ang complainant sa alias na "Alex," isang overseas Filipino worker sa larangan ng healthcare.
Naging magkaibigan daw sina Sheryl at Alex noong kumandidato ang aktres bilang konsehal sa District 2 sa Tondo, Manila noong 2019 elections.
Ayon kay Alex, kalagitnaan ng campaign period nang tumigil ang pasok ng pera mula sa "anonymous" na taong nagpopondo sa kampanya ni Sheryl.
May nabinbing dalawang "dance projects" na ang budget cost ay nagkakahalaga ng "PHP35,000 each."
Nagmagandang-loob daw si Alex na siya na muna ang magpaluwal ng pera sa pag-aakalang babayaran siya ni Sheryl.
Tiwala raw si Alex na maibabalik ang kanyang pera dahil parang magkaibigan na ang turingan nila ni Sheryl.
"Close" at "sweet" daw ang trato sa kanya noon ang aktres.
Kuwento pa ni Alex: "Since ayaw naman po namin magalit yung mga tao sa kanya, kasi malapit ang election day, pinush through po namin yung projects.
"Ako po yung nagbayad sa projects, and at the same time, meron pong ilang days na ako na yung nagpapasuweldo sa mga tao na nagwo-work under sa kanya."
Ayon sa broadcaster na si Raffy Tulfo, "PHP100,000" ang kabuuang utang diumano ni Sheryl na inireklamo ni Alex.
"Opo, pera ko po," diin ni Alex tungkol sa perang nanggaling daw sa kanyang sariling bulsa.
ALLEGED AGREEMENT FOR MONTHLY PAYMENT
Kumpiyansa si Alex na alam daw ni Sheryl na utang ang perang ipinambayad niya sa dance projects at suweldo ng workers na nangampanya kay Sheryl sa Tondo.
Sabi ni Alex, "Hindi ko alam paano niya nasabi na hindi hiram.
"Kasi, in the first place, wala naman ako agenda or any political value to give her money through her campaign."
Ordinaryong mamamayan at OFW lang daw si Alex.
Giit pa ng complainant, may screenshots siya ng palitan nila ng mensahe ni Sheryl bilang patunay ng kanilang usapan.
"Pero yung way po na sinasabi niya, 'I need your help. Tulungan mo muna ako. Then I will get back when I have my money.'
"I have screenshots na sinabi niya hindi niya nakakalimutan kung magkano yung nilabas ko or hindi niya nakakalimutan na meron siyang kulang sa akin.
"And then bit by bit, babayaran niya po as soon as she starts to get work."
Sinabi raw ni Sheryl na magbabayad ito kay Alex ng "PHP5,000" kada buwan.
Pahayag ni Alex: "After election, she said nade-depress siya kasi she lost. So I gave her time.
"After that, four to five months, I still tried to contact her.
"Before nagsabi siya sa akin, by month, she will pay me at least PHP5,000.
"Pinanghawakan ko po yun, wala naman nangyari."
ALEX ATTEMPTS TO REACH OUT TO SHERYL
Sinubukan daw ni Alex makipag-ugnayan kay Sheryl sa pamamagitan ng Viber at pati na rin social media platforms, pero hindi na raw sumasagot ang aktres.
Umabot sa puntong binisita raw ni Alex si Sheryl sa "taping" ng TV show nito, pero bigo raw siyang makausap ang aktres doon.
"I saw her. Pero parang shocked siya, tapos umalis na siya agad," balik-tanaw ni Alex.
"Yung PHP5,000 a month na prinomise niya is not a big thing naman sa kanila.
"Pero kinonsider ko pa rin na hindi siya kulitin, kasi nung time na yun, wala siyang work.
"And then, nung meron na, nag-start na siya sa kabilang network, meron na siyang soap, so parang trinay ko, 'A, sige, i-message ko nga, baka sakali.'
"Dun nga, pinuntahan ko, pero ayun, iniwasan lang ako."
SHERYL'S RESPONSE DURING THE PROGRAM
Noong araw na sumalang si Alex sa Raffy Tulfo In Action, nahingan ng panig si Sheryl ng isang staff member ng programa.
Kinumpirma ni Sheryl na nakilala niya ang babaeng nagpakilalang "Alex" sa District 2 sa Tondo, Manila.
Pero wala raw katotohanang may hiniram siyang pera mula rito.
Sabi raw ni Sheryl, "Correction, hindi hiram 'yan."
Dagdag ng staffer na nakausap si Sheryl, may "kaibigan" siyang nakakakilala sa "pagkatao" ni Alex.
Kumonsulta na rin daw si Sheryl sa isang abogado, pero "nakabakasyon" daw ang abogado kaya hindi makapaglabas ng detalyadong pahayag ang aktres.
Umalma si Alex sa umano'y patama ni Sheryl na may kilala itong tao na maaari umanong "i-discredit" si Alex.
Ani Alex, "Ayaw ko dumating sa part na magsisiraan. It's not my thing."
Ang intensyon lang daw ni Alex ay ipaalala na hindi siya nagkulang sa pakikipag-ugnayan kay Sheryl para "i-settle" ang kanilang isyu "in a legal way."
Mensahe ni Alex kay Sheryl, "Pero ikaw itong umiiwas at hindi nagre-reply."
SHERYL REFUSES TO DISCUSS ISSUE VIA "PSEUDO COURT"
Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Sheryl nitong July 21, ipinaliwanag niya kung bakit tumanggi siyang direktang makipag-usap kay Alex.
Hindi raw naniniwala si Sheryl na proper forum ang Raffy Tulfo In Action, isang digital show sa YouTube na kilalang sumbungan ng reklamo ng taumbayan.
"Also, it saddens me that a radio program becomes a pseudo court that acts like a lawyer, a judge and jury all at the same time without even knowing the other side.
"An anonymous number called me when the program was already being aired and was expecting me to explain.
"I was taken by surprise.
"I chose to remain silent because I don't want to go on that level.
"I prefer to explain myself before the court if need be because my conscience is clear and truth and fairness will protect me."
Nagbabala si Sheryl sa mga tumutuligsa sa kanya sa social media.
"To those who have been sending me hate messages and cursing me without even knowing my side of the story, all your messages may be used as evidence of cyber bullying and online harassment."

As of 10:56 a.m. nitong Huwebes, July 23, makikita pa sa Instagram feed ni Sheryl ang official statement niyang ito.
Pero tila burado na ito bandang hapon.
"I DO NOT DELIGHT IN SCANDALS"
Pero makikita pa rin ang iba pang matalinhagang mensahe ni Sheryl sa kanyang Instagram.
Noong June 15, o isang araw makalipas ang pagsasapubliko ni Alex ng reklamo laban kay Sheryl, unang nagpahiwatig ang aktres na hindi siya ang tipong makikipagbangayan sa social media.
Post niya sa Instagram: "I do not delight in scandals, nor do I rejoice in others misery. My heart breaks because people are too quick to judge things they don't even know about.
"I don't have to dignify anything as I don't need to explain myself to anyone."
Noong July 18, nagbahagi siya ng quote card na kung sino pa iyong mga di nakakakilala sa isang tao ay siya pang maraming nasasabi rito.
Sa caption, inilagay ni Sheryl ang depinisyon ng "character assassination" sa pamamagitan ng pagkakalat umano ng malisyoso at walang basehang impormasyon.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
