“Praybeyt Benjamin. We never learned.”
Ito ang pasaring ng beteranong direktor na si Erik Matti pagkatapos ianunsiyo ang first four official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020.
Kabilang sa mga nakapasok na pelikula ay ang Praybeyt Benjamin 3, Magikland, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, at The Exorcism of My Siszums.
Sa kanyang Facebook post noong Lunes, July 20, binatikos ni Matti ang pagkakasali ng Praybeyt Benjamin 3 sa MMFF 2020.
Si Vice Ganda ang bida sa third installment ng comedy movie na ito mula sa Star Cinema at Viva Films.
Ramdam ang pagkadismaya ni Matti sa kanyang mensaheng ito:
“Bagsak na nga ang pelikula, sumara na ABS, Praybeyt Benjamin pa rin palabas sa Pasko?”
“Walang nagbago a! Kinangkina!”
Sa isa pa niyang post, sinabi ni Matti na hindi na raw tayo natuto sa kabila ng mga nangyari.
Mensahe ng award-winning director, “5 months lockdown. Thousands of content binged.
“Biggest network closes. Praybeyt Benjamin. We never learned.”
Malinaw na hindi pabor ang direktor sa desisyon ng MMFF Selection Committee na isali na naman ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice sa taunang film festival.
Ang Praybeyt Benjamin movie franchise ay nagsimula noong 2011 na may pamagat na The Unkabogable Praybeyt Benjamin.
Official entry ito sa 2011 MMFF, kung saan kumita ito sa takilya ng halos P400-M.
Topgrosser din ang sequel nitong The Amazing Praybeyt Benjamin.sa MMFF 2014. Umabot sa halos P500-M ang kinita nito sa takilya.
At sa MMFF 2020, pasok muli sa official entries ang third installlment ng Praybeyt Benjamin.
Wala pang sagot si Vice sa patutsada na ito ni Direk Erik.
DIREK ERIK ON SELECTION OF MMFF ENTRIES
Noon pa man ay very vocal si Matti sa pagtuligsa sa paraan ng pagpili sa magiging official entries sa MMFF.
Sa isang interview noong 2017, sinabi ng direktor na wala siyang problema sa pagbibigay halaga ng MMFF sa aspetong komersiyal ng isang pelikula. Pero dapat daw baguhin ng organizers ang criteria nito sa pagpili ng mga pelikula.
Pahayag ni Matti, "I have no problem with having a film festival that’s for commercial purposes. But change your criteria then," he said.
"Okay, we want only movies that are commercial–that we feel that’s commercial. Wala na tayong pag-uusapan.
"But to hide in a vision which is artistic excellence, to push for cultural chuchu, global appeal, I think it’s just... hindi maliit yung hypocrisy but medyo garapal."
Noong taong iyon ay isinumite ni Matti ang pelikula niyang BuyBust, tampok si Anne Curtis, pero alam daw niyang hindi ito makakapasok.
Aniya, "After what I saw... that the composition changed, it was different, I thought my movie would have no chance.
"It’s obvious. If you look at the entries that were brought in, it’s 30% artista, 30% producer, 30% theme song, 10% brightness."
Ipinalabas ang BuyBust sa mga sinehan nang sumunod na taon, 2018.
Ang hiling lang daw niya sa MMFF committee ay maging honest sa kung ano ang gusto nila sa festival.
"Panindigan lang nila yung gusto nilang gawin, di ba? Dati naman, alam namin, ako sumasali ako dati pa. Ang dami kong pelikula pumasok diyan....
"Pero alam na namin dati pa na iyon lang talaga yung point—sino yung artista, sino ang producer, anong istorya."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
