PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin slams Harry Roque for belittling ABS-CBN COVID-19 donations

Angel Locsin on Harry Roque: "Wala nga akong narinig na naitulong mo."
by Arniel C. Serato
Published Jul 16, 2020
Angel Locsin to Harry Roque after the President's spokesperson said ABS-CBN's contribution in the fight against Covid-19 was small: “Wala nga akong narinig na naitulong mo pero nagawa mo pang magsalita ng ganito.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Office of the Presidential Spokesperson on Facebook

Pinalagan ni Angel Locsin ang pasaring ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa cash donations ng ABS-CBN para pagtugon sa krisis na nilikha ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Roque na maliit daw ang kontribusyon ng ABS-CBN kumpara sa mga kumpanya nina Manny Pangilinan at ng mga Ayala.

Sabi ni Angel sa kanyang Facebook post kahapon, July 15 (published as is): “Pambihira. Imbes na magpasalamat at may sumalo, nagawa mo pang tulugsain.

“Kusang loob po iyan at hindi obligasyon dahil government naman po talaga dapat ang gagawa neto pero humingi po kayo ng tulong di ba kasi hindi kaya?

“Wala nga akong narinig na naitulong mo pero nagawa mo pang magsalita ng ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang post ni Angel, ipinakita niya ang listahan ng cash donations ng Lopez Group sa kampanya ng gobyerno na masugpo ang paglaganap ng COVID-19.

Umabot ito ng halos P268 million.

Sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign naman ng network, nakalikom sila ng lagpas sa P427-M in cash donations and pledges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang inilagay na caption.

ROQUE HITS ABS-CBN

Nangyari ang pasaring ni Roque sa Kapamilya network sa panayam nito sa ANC ng ABS-CBN.

Dito ay tinanong si Roque tungkol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagawa niyang buwagin ang "oligarchy" kahit hindi siya nagdeklara ng martial law.

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na "oligarchy," pero sinabi ito ni Duterte tatlong araw matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panayam ni Roque sa ANC, ito ang naging pahayag niya: “Ang problema kasi is, you know, as far as the oligarchs that he absolutely detested for cheating the people, for not building the waste water facilities, the difference is they delivered at the time of crisis.

"Now, hindi ko naman maintindihan kasi why ABS-CBN did not do that.”

Dagdag pa niya, mas may kakayahan daw ang ABS-CBN na makatulong nang mas malaki kagaya ng MVP at Ayala Groups.

Saad ng tagapagsalita ng Palasyo, “I know you donated P200 million of your own money, but the rest, you raised from your TV programs, through your cause for donation.

"But these two companies did it on their own.

"I do not know why ABS-CBN could not have done more, ‘no, like what the Ayalas' and MVPs' did.”

Noong kasagsagan ng pandemya, nagsagawa ang ABS-CBN ng kampanyang “Pantawig ng Pag-ibig” kung saan umapela sila ng donasyon mula sa taumbayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROQUE EXPLAINS IN NUMBERS

Sa press briefing ni Roque ngayong araw, July 16, sa Malacañang, naitanong sa kanya ang koneksiyon ng donation ng ABS-CBN sa COVID-19 response sa usapin ng prangkisa ng network at ng oligarchs na binanggit ng Pangulo.

Nakukulangan ba ang gobyerno sa tulong ng ABS-CBN at pamilya Lopez kaya ipinasara ang kumpanya?

Tugon ni Roque, “Hindi po. Nilalagay ko lang yung konteksto kung bakit napapatawad ni Presidente yung mga oligarchs ng mga Ayalas, at ang MVP Group of Company.

“Bagamat siya po ay nagbanta na ipapakulong niya ang mga Ayalas at si MVP.

“At hindi lang po 'yan banta. Tinalaga niya po ako para magsampa ng kasong kriminal.

“At hindi lang po 'yan pagtatalaga, ginawa ko na po ang kasong kriminal laban sa mga Ayalas at kay MVP.

“Pero ang konteksto po nun, bakit ba siya nagpalit ng isip?

“At tinanong ko naman po. At siguro ngayon sasabihin ko, magkano ba talaga ang naibigay ng MVP Group at ng Ayala Group?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na binanggit ni Roque ang bilyun-bilyong pisong naging ambag ng MVP Group ni Manny Pangilinan at ng Ayala Group sa gobyerno sa panahon ng pandemya.

Saad niya, “Ang initial po na nakalap ko ay ang MVP Group po ay P6.5 billion na actual tulong, bukod pa po ito sa mga buwis na binayaran nila nang mas maaga.

“At yung mga concession fee na binayaran nila ahead of time.

“Kung isasama po 'yan, mahigit-kumulang, ang suma-total po ay P20 billion.

“At ang Ayala Group naman po, maraming salamat dun sa mga pamilya mismo ng Ayala na nagbigay sa akin ng pigura, hindi po bababa sa P9.5 billion ang kanilang naibigay para sa COVID response.”

Maliban sa mga donasyon ng malalaking kumpanya dito sa Pilipinas, umutang din ang pamahalaang Duterte sa foreign lenders ng kabuuang $4.83 billion, as of June 17, para sa pagsugpo sa COVID response.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, kabilang sa halagang inutang ng gobyerno ay ang $2.6 billion mula Asian Bank, $1.2 billion mula sa World Bank, $750 million mula sa Asian Infrastructure Investment Bank, at $275.7 million mula sa Agence Francaise de Development.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin to Harry Roque after the President's spokesperson said ABS-CBN's contribution in the fight against Covid-19 was small: “Wala nga akong narinig na naitulong mo pero nagawa mo pang magsalita ng ganito.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Office of the Presidential Spokesperson on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results