Nakisimpatiya ang ilan sa pinakamalalaking Kapamilya stars sa libu-libong empleyado na maaapektuhan sa retrenchment na ipatutupad ng ABS-CBN simula sa August 31.
Umaapela ng dasal sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Bianca Gonzalez para sa mga manggagawang binitiwan na ng network.
Napilitan ang pamunuan ng ABS-CBN na tanggalin sa trabaho ang karamihan sa empleyado nito matapos biguin ng Kamara ang franchise renewal application ng kumpanya.
Dahil wala nang prangkisa, tigil-operasyon na ang malaking bahagi ng ABS-CBN at mga subsidiaries nito.
Nangyari ang tanggalan sa panahong milyun-milyong Pilipino ang naghihikahos dahil sa matinding epekto ng apat na buwan nang COVID-19 pandemic.
Napakaraming breadwinners ang nawalan ng regular na kita sa mga unang linggo ng pagsisimula ng school year ng kanilang mga anak.
At libu-libo ang nadagdag sa milyun-milyong jobseekers sa panahon na maraming negosyo ang nagsara, kung hindi man nagbawas din ng manggagawa, dahil sa pagkalugi.
SHARON SAYS “UNJUST PERSECUTION” OF GOVERNMENT LEADS TO RETRENCHMENT
Para kay Sharon, 54, ang mawalan ng trabaho ay isa nang “very painful experience” para sa sinumang empleyado.
Pero kung ang dahilan nito ay “unjust persecution” ng gobyerno at ng mga opisyal na inihalal ng taumbayan sa puwesto, lalo raw na “ang sakit sakit” tanggapin ng nangyari.
Ito ang mababasa sa Instagram post ni Sharon ngayong Huwebes, July 16.
Ibinahagi ng singer-actress sa nabanggit na post ang official statement ng ABS-CBN kaugnay ng ipatutupad nitong malawakang retrenchment.
Post ni Sharon: “Many people in ABS-CBN have dedicated their entire lives to their jobs.
“There are many employees who, even if they receive separation pay, can’t do without regular income.
“Many work in specialized jobs and might not find similar work.
“Many are no longer in the prime of their career and will find it hard to compete with younger job seekers.
“All have families that depend on them.”
Ayon kay Sharon, walang araw na hindi niya iniyakan ang naging pasya ng Kamara na pagkaitan ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN.
“I cry in grief, anger, and frustration,” sabi pa ni Sharon.
LEA SENDS “MAHIGPIT NA YAKAP” TO KAPAMILYA EMPLOYEES
Ang international singer na si Lea Salonga, 49, humihingi ng panalangin para magkaroon ng tibay ng loob ang maraming empleyado ng ABS-CBN at kanilang mga pamilya na malampasan ang “what might possibly be the biggest challenge of their lives.”
Tweet ni Lea nitong Huwebes ng madaling-araw: “Please say a prayer for the many men and women of ABS-CBN as well as their families, that they weather what might possibly be the biggest challenge of their lives.
“Mahigpit na yakap, mga Kapamilya.”
May mensahe rin ang The Voice of the Philippines coach sa mga taong pabor sa pagsasara ng ABS-CBN.
“Whether you were in favor of the shutdown or not is immaterial. Pray for them anyway.”
Ayon kay Lea, hindi tamang hangarin na mawalan ng source of income ang mga tao, lalo na sa panahon ng pandemic.
“To be suddenly out of a job is not something to wish upon another human being, especially in the middle of this seemingly never-ending pandemic.”
GARY: “MAY GOD BLESS YOU”
Sa Instagram post ni Gary Valenciano, 55, nitong Miyerkules, July 15, ipinagdasal niyang biyayaan ng Diyos ang mga maaapektuhan sa retrenchment ng ABS-CBN.
“Not a day goes by that these people aren’t on my mind…
“May God bless you all in ways you have never yet experienced.”
Marami sa mga empleyado ng network ang hindi raw niya personal na kilala, pero nakikisimpatiya pa rin siya sa mga ito.
“I may not have known too many of you personally; or maybe I’ve just seen you walking the hallways of ABSCBN, but it still doesn’t seem real that this has happened to you,” anang isa sa ASAP Natin ‘To pioneers.
“I pray the Lord makes our paths cross again. I hope I can help put a smile on your faces once more. #kapamilyaforever”
Nagbahagi rin ng Bible verse si Gary, halaw sa Jeremiah 29:11: “’For I know the plans I have for you,’ declares the LORD, ‘plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.’”
OGIE TO GOD: “HEAL OUR LAND FROM ALL THESE”
Samantala, ang panalangin ni Ogie Alcasid, 52, para sa lahat ng nawalan ng trabaho—kasama na ang mga natanggal sa ABS-CBN—ang ipinost niya sa Instagram nitong Miyerkules.
Ipinagpasa-Diyos ni Ogie ang lahat ng nahihirapan ngayong “Times are really difficult.”
Ganito ang kabuuan ng dasal ni Ogie: “Abba Father, please take care of those who will lose their jobs and even those not involved with our company that have lost their jobs too.
“Times are really difficult.
“We humbly bow down before you and repent for what we may have done to offend your holy name.
“We ask for forgiveness and ask for your mercy and grace for all of us that are having a difficult time.
“We hold on to your promise that you shall heal our land from all these and take care of each one of us.
“In Jesus’s name we pray. Amen.”
BIANCA: “ISAMA N’YO PO SILA SA INYONG MGA DASAL”
Ang TV host naman na si Bianca Gonzalez, 37, nakiusap sa kanyang 7.4 million Twitter followers na isama sa kanilang dasal ang mga mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN.
Mababasa sa tweet ni Bianca: “Para sa mga nagmamahal sa mga programa ng ABS-CBN, alam naming marami din kayong pinagdadaanang pagsubok at problema ngayon, pero sana ay isama niyo po ang mga nagtatrabaho sa kumpanya sa inyong mga dasal ngayong gabi.
“Maraming salamat sa pagmamahal ninyo.”
Nag-tweet si Bianca nitong Miyerkules ng gabi, isang oras makaraang ihayag ng Kapamilya network na hanggang sa August 31 na lang ang trabaho ng libu-libong empleyado nito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
