PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-businesswoman Claire dela Fuente gets 7 years jail time for tax evasion

Court of Tax Appeal has sentenced Claire dela Fuente to prison.
by Arniel C. Serato
Published Jul 16, 2020
Singer Claire dela Fuente was sentenced to prison after being found guilty by the Court of Tax Appeals of seven counts of tax evasion.
PHOTO/S: Courtesy: Claire dela Fuente on Facebook

Hinatulan ng pitong-taong pagkakakulong ang singer at negosyanteng si Claire dela Fuente, 61.

Ito ay kaugnay ng tax evasion cases na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanya sampung taon na ang nakararaan.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin kahapon, July 15, pitong tax evasion cases ang isinampa ng ahensiya laban sa singer at Metro Manila bus operator.

Bunsod ito ng kabiguan niyang mag-file ng income tax returns mula taong 1998 hanggang 2004.

Isang taong pagkakakulong sa bawat isang kaso ang hatol sa desisyong pinirmahan ni Associate Justice Ma. Belen M. Ringpis-Liban ng Court of Tax Appeals (CTA).

Si Claire ang may-ari ng Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) bus company.

Inutusan ng korte ang kanyang kumpanya na magbayad ng P150,000 na multa.

Sinabi rin sa desisyon na magbabayad siya ng dagdag na multang P50,000, na may kasamang “subsidiary imprisonment,” kapag hindi niya nabayaran ang nasabing halaga.

Dagdag pa sa ulat ng Manila Bulletin, itinanggi ni Claire ang paratang sa kanya dahil nagsimula raw ang operasyon ng kanyang bus company noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pinawalang-bisa ng korte ang kanyang sinabi dahil sa iprinisentang dokumento ng BIR mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO).

Hindi rin binigyan ng pansin ng korte ang record ng PCLC na 2005 BIR registration dahil, ayon sa mga abugado ng BIR, “spurious” o peke ang mga ito.

KAREN CARPENTER OF THE PHILIPPINES

Unang nakilala si Claire bilang singer.

Tumatak sa publiko magpahanggang ngayon ang kanyang kantang “Sayang.”

Tinagurian din siyang "Karen Carpenter of the Philippines" dahil magkatunog ang timbre ng boses nila ng isa sa bahagi ng singing duo na Carpenters.

Ilan pa sa mga sikat na kanta ni Claire ay ang “Minsan-Minsan” at “Nakaw na Pag-ibig.”

Tinawag din siyang Jukebox Queen, kasama ng kanyang mga kasabayang sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Didith Reyes.

Naging presidente siya ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA).

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Claire upang hingin ang kanyang pahayag ukol sa desisyon ng korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad namin itong ilalathala kapag natanggap namin ang kanyang kasagutan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Claire dela Fuente was sentenced to prison after being found guilty by the Court of Tax Appeals of seven counts of tax evasion.
PHOTO/S: Courtesy: Claire dela Fuente on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results