PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta on junked ABS-CBN franchise: "Tinadyakan pa kahit bagsak na..."

"Parang sinunog ang bahay namin."
by Rachelle Siazon
Published Jul 14, 2020
"Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito," says Sharon Cuneta on the decision of Congress to turn down ABS-CBN's application for franchise renewal.
PHOTO/S: Noel Orsal / @loveangelinequinto Instagram

Inihambing ni Sharon Cuneta ang sinapit ng ABS-CBN sa boksing—kung saan bugbog-sarado hanggang sa na-knockout ito—dahil sa matitinding isyung ibinato ng Kongreso sa network.

Naalala raw niya ang trademark na suntok sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr., aka "Da King," na sinabayan pa raw ng suntok na tulad ng kay boxing champ-senator Manny Pacquiao.

Ganoon daw ang dating ng panggigisa sa ABS-CBN big bosses, na kung kausapin ng mga kongresista ay "pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos."

Base ito sa mahabang mensahe ni Sharon sa kanyang Instagram, Martes ng gabi, July 14.

Lahad niya: "Ngayon lang ako nagpost tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko, iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko.

"Parang sinunog ang bahay namin.

"Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, umeere ang ABS-CBN sa cable channels kunsaan affiliated ito at sa TFC Channel.

Sa digital platform, mayroong ABS-CBN shows sa iWant at TFC Online.

Pero hindi maitatangging malaking kawalan sa network ang mapatayan ng lisensiya para umere sa free TV at radyo.

HOT STORIES

ON LABOR ISSUES

Hindi raw bulag si Sharon pagdating sa labor issues na tingin niya ay dapat ayusin ng ABS-CBN.

Tinalakay sa pagdinig sa Kongreso ang mga kaso ng mga empleyadong hindi nareregular sa kabila ng mahabang panahong serbisyo.

Sa resolusyong inilabas ng House committee on legislative franchises, nakasaad na hindi raw sapat na dahilan na industry practice ang hindi pagregularize sa mga empleyado dahil project basis ang trabaho.

Alinsunod daw sa Labor Code, dapat gawing regular status ang isang empleyado kapag ang serbisyo nito ay umabot na ng isang taon.

Napag-alaman daw ng House committee na "25% or 2,661"—sa kabuuang 11,701 workers ng ABS-CBN—lamang ang regular.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isyung ito, sinabi ni Sharon na handa sana sila ni Angel Locsin na tumulong na maging tagapamagitan sa ABS-CBN management at workers.

"Ayoko din ang napanood kong dinaanan ng ilang workers na di nabigyan ng kontrata at hanggang sa tinanggal ay temporary pa rin at biglaan pa.

"Sumama ang loob ko doon para sa kanila.

"Pero kung nabigyan ako at nila Angel ng pagkakataon, sana nakausap namin ang mga Boss at kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga Kuya naming alam namin kung gaano kahirap ang mga naging trabaho.

"Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali."

Paano pa raw maaayos iyon kung tigil-operasyon ang ABS-CBN at marami sa mga empleyado ang posibleng mawalan ng trabaho.

Nagpahaging din si Sharon kay Senator Ronald "Bato" dela Rosa na nagsabing hindi kawalan ang ABS-CBN.

Sinabi ng senador, sa isang panayam noong July 9, na maaari pa namang maghanap ng ibang trabaho ang sinumang empleyadong maaapektuhan ng pagkawala ng prangkisa ng broadcast giant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patutsada ni Sharon, hindi ganoon kadaling gawing iyon dahil sa pandemya.

"May isang Senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19.

"Saan at paano hahanap ng trabaho?"

"I stayed loyal 'til the end"

Bilang isang Kapamilya star, aminado si Sharon na kung minsan ay may tampo rin siya sa ABS-CBN kapag matagal siyang walang proyekto.

Pero naiintindihan daw niya iyon.

"Ako po ilang taon nang walang show sa ABS-CBN, nagkatampuhan din kami noon.

"Pero kundi sa COVID-19, nagsimula na sana ang bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids.

"Ganoon naman kami—may kanya-kanyang show sa kanya-kanyang panahon kasi iilang araw lang naman meron sa isang taon at ilang oras lang sa isang araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako raw si Sharon kay ABS-CBN President and CEO Carlo Lopez Katigbak na mananatili siyang Kapamilya kahit na anong mangyari.

"Si Sir Carlo Katigbak hindi pa gaanong katagal naming Chairman, pero napamahal sa amin dahil napakabuti at mapagkumbaba talagang tao.

"At magaling. He ran a very tight ship while he ran our station. And I am so proud to have been able to serve under him. Respeto lang ang ipinakita niya sa akin.

"Sana nagkaroon pa siya ng maraming taon na pagandahin pa ang pagpapatakbo ng ABS-CBN.

"I told him in the beginning of the hearings that I WAS NOT GOING TO LEAVE MY CAPTAIN DURING THESE MOST TROUBLED TIMES.

"And I stayed loyal ‘til the end."

Sa huli, iginiit ni Sharon na "bilog ang mundo" at pasasaan ba ay makakabangon ang ABS-CBN.

Dire-diretsong mensahe pa ni Sharon: "Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking SAKIT na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Chaka po sobrang nakakapit ako talaga sa Diyos. Kaya okay ako, kahit na sabi nga ni Lupe, 'gutay-gutay na' ang puso ko. Pagod na po ako."

Lupe ang pangalan ng karakter ni Sharon sa 1987 movie niyang Pasan Ko Ang Daigdig.

Patuloy niya, "Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. Di na ako nagpapaapekto sa negatibo.

"Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN.

"Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito," says Sharon Cuneta on the decision of Congress to turn down ABS-CBN's application for franchise renewal.
PHOTO/S: Noel Orsal / @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results