PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN "deeply hurt" by Congress rejection of its franchise

Carlo Katigbak: “Kapit lang, muling magliliwanag ang kuwento ng bawat Pilipino.”
by Arniel C. Serato
Published Jul 10, 2020
ABS-CBN President & CEO Carlo Katigbak: “Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin. Kapit lang, muling magliliwanag ang kuwento ng bawat Pilipino.”
PHOTO/S: Jerome Ascano

Lubos na ikinalungkot ng top executives ng ABS-CBN ang pagbasura ng kanilang franchise application sa House Committee on Legislative Franchises ngayong araw, July 10.

Pitumpo (70) ang bumoto ng “Yes—malayung-malayo ang agwat sa labing-isa (11) na bumoto ng “No”upang huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang broadcast giant.

Iang sandali matapos lumabas ang desisyon ng Committee on Legislative Franchises, nagpadala ng official statement ang top executives ng ABS-CBN sa media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ABS-CBN PRESIDENT AND CEO CARLO KATIGBAK

Ayon kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, nasaktan sila nang husto sa naging desisyon ng komite.

Pero nagpapasalamat pa rin daw sila sa pagkakataong madinig ang kanilang panig.

Pahayag ni Katigbak, “Labis kaming nasasaktan sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN.

“Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino.

“Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa Committee para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyung laban sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli niyang pinasalamatan ang mga nagtaguyod sa kanilang aplikasyon sa Mababang Kapulungan.

“Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa aming mga sponsors na nanindigan para mabigyan kami ng prangkisa, at sa mga mambabatas na nagsalita para sa amin sa mga pagdinig. Habangbuhay kaming nagpapasalamat sa inyo.”

Pinasalamatan din ni Katigbak ang "lahat ng nagpahayag ng suporta at nag-alay ng dasal para sa amin."

Dagdag niya, “Hindi namin kakayanin ang lahat ng ito kung wala kayo.”

FINDING WAYS TO FULFILL ITS MISSION

Sa kabila nito, hindi raw bibitaw ang ABS-CBN sa kanyang hangaring makapaglingkod pa rin sa taumbayan sa ibang pamamaraan.

Wala man daw silang prangkisa, hindi ito nangangahulugang titigil na sila sa pagseserbisyo sa bayan.

Saad ni Katigbak, “Mananatili kaming nakatuon sa serbisyo publiko at umaasang makakahanap ng ibang mga paraan para tuparin ang aming misyon.

“Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami sa inyong kalungkutan.

“Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasama muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin."

Pagtatapos niya, “Kapit lang, muling magliliwanag ang kuwento ng bawat Pilipino.”

HOT STORIES

ABS-CBN CHAIRMAN MARK LOPEZ

Katulad ni Katigbak, labis ding kalungkutan ang naramdaman ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez sa pagbasura ng kanilang hiling na prangkisa.

Taliwas daw sa inaasahan nila ang naging resulta ng botohan, pero nagpapasalamat pa rin sila sa pagkakataong linawin ang mga isyung ibinato sa ABS-CBN.

Sabi ni Lopez, "Today is a sad day for the entire ABS-CBN family and for the millions of Filipinos who are hoping for our return on-air.

"This is not the outcome we have hoped for, but we remain grateful that we were able to participate in the process and clear the issues raised against ABS-CBN.

"We are very grateful for the unwavering support of all the sponsors who authored our bills and to all the lawmakers who believed we deserve a franchise.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It was not an easy task, but we drew strength from God and our people, and we remain inspired by them to continue our mission to be in the service of the Filipino."

Sa gitna nito, ipinagmamalaki ni Lopez ang ABS-CBN.

"Now, more than ever, we feel proud of our company.

"We are proud of everyone who have helped us serve the Filipinos through the years.

"And we are proud of the genuine love and support we continue to receive from our kababayans all over the world.

"We remain hopeful that better days are ahead for the network."

Hindi rin daw magiging balakid sa kanilang pagbibigay-serbisyo sa bansa ang dagok na ito sa kanila.

Aniya, "This painful development will only make us stronger and better.

"We will never give up on our mission. We will never give up on our nation.

"Mahal na mahal namin ang Pilipino.

"Mahal na mahal namin ang Kapamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN CAN APPEAL

Ayon kay Congressman Jose Antonio Sy-Alavardo, vice-chairman ng House Committee on Legislative Franchises, maaaring umapela ang ABS-CBN sa naging desisyon ng technical working group ng kanilang komite.

Sinabi niya sa panayam ng DZBB ngayong hapon, maaari itong gawin ng ABS-CBN loob ng 24 oras.

Pero ang kundisyon sa apela ay dapat bumoto pabor dito ang lahat ng miyembro, pati na ang ex-officio members. Ibig sabihin, kailangan nila ng 100% votes.

At si Alvarado na rin ang nagsabi na, sa tingin niya, malabo itong mangyari.

Lalo pa't sa naging botohan kanina, 70 ang nag-Yes para tanggihan ang prangkisa ng ABS-CBN, at 11 lamang ang bumoto ng No.

Ayon pa kay Alvarado, maaring mag-refile ng application ang ABS-CBN sa pagbubukas ng session ng Kongreso sa katapusan ng Hulyo.

Ngunit hangga't presidente si Rodrigo Duterte, hindi inaasahang magbabago ang posisyon ng Kongreso.

Malinaw kasi ang posisyon ng pangulo na hindi niya bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN President & CEO Carlo Katigbak: “Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin. Kapit lang, muling magliliwanag ang kuwento ng bawat Pilipino.”
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results