Inamin ng matalik na magkaibigang Martin Nievera at Gary Valenciano na minsan na silang sabay nagkagusto sa iisang babae—iyon ay walang iba kundi si Pops Fernandez.
Masaya nilang ikinuwento ang tungkol dito sa "Trulili o Witchikels" segment sa CSTV Straight Talk, na ang host ay si Jaya, sa Cornerstone Entertainment Facebook, noong July 4.
"I'll let Gary answer that for both of us," ani Martin nang tanungin sila ni Jaya kung nagkagusto na sila sa same girl.
"Trulili! I had a crush on Pops Fernandez," natatawang pag-amin ni Gary.
Wala raw kaalam-alam si Gary na lihim na may pagtingin na pala ang kaibigang si Martin kay Pops noong panahong iyon.
"Yun pala, in love na siya kay Pops. Hindi naman niya sinasabi sa akin. Ano ba 'yan!" hirit ni Gary.
Depensa ni Martin, hindi rin daw niya akalaing magkakahulugan sila ng loob ni Pops.
Saka nilaglag ni Martin ang impormasyong nanligaw noon si Gary kay Pops.
"That time, we were just friends. In fact, she would talk to me about all her suitors and you were one of them. You were the best dancer of them all."
Kunwari ay sarkastikong komento ni Gary, "How exciting naman."
Nanindigan naman si Martin na magkaibigan lang sila noong una ni Pops.
"Pops and I were the best of friends. I mean, really, a guy and a girl could be friends. We hit it off so well."
Pero kalaunan nga ay naging magkarelasyon at mag-asawa sila.
Kaya sa huli, sumang-ayon na si Martin na may panahong pareho silang nagkagusto ni Gary kay Pops.
"But, yeah, it's true. If you wanna say there was one common girl..."
Biglang sumilip sa tabi ni Gary ang asawa nitong si Angeli Valenciano, kaya naputol ang sinasabi ni Martin.
"There she is!" pag-acknowledge ni Martin kay Angeli.
Hirit pa ni Martin, "And then come Angeli and we both fell in love with her, too!"
Tawa naman nang tawa si Gary.
Sina Martin at Pops ay nagpakasal noong June 28, 1986.
Pero naghiwalay sila dahil sa isyung third party noong late '90s. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2000.
Sina Gary at Angeli ay happily married mula noong August 6, 1984.
APPRECIATING BEAUTY WHEN THEY SEE IT
Maya-maya pa, inamin ni Gary na may mga pagkakataon talagang sabay sila ni Martin na humahanga sa kung sinumang napapansin nilang babae na tingin nila ay maganda.
Wala naman daw masama sa pag-appreciate ng maganda, saad ng 55-anyos na si Gary.
"Kailangan ko sabihin na there are times, Martin and I, we talk, 'Yeah, but what do you think of ganito?'
"And we'd feel the same way about that person. Parang, 'Grabe, ang ganda talaga ano?' Or whatever...
"We know how to appreciate beauty when we see it."
Tuwang-tuwa naman si Jaya sa kakulitan nina Martin at Gary.
"Hay, salamat sinabi mo. Talagang alam mo, kapag nasa industry kayo, everybody thinks eto lang kayo, wala na kayo ibang pag-uusapan, walang ibang puwedeng gawin, or sabihin.
"I love this portion. You guys are just being so candid!" sabi ng Queen of Soul.
CRUSH ON GARY'S APO
Sa puntong ito, inamin ni Martin na hanggang ngayon ay humahanga sila ni Gary sa iisang babae.
"And now we're still both in love with the same girl!" bulalas ng 58-anyos na si Martin.
Pareho raw silang in love kay Leia na apo ni Gary Valenciano. Si Leia ay anak ng mag-asawang Paolo Valenciano at Sam Godinez.
Napapangiting sang-ayon ni Gary, "Aha! He's right, we both love the same girl."
Ulit ni Martin, "We both love the same girl. Mestiza. Aminin!"
Sagot ni Gary, "O, basta! Trulili!"
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
