PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN strongly denies sending emissary to bribe congressman P200M to favor franchise renewal

ABS-CBN: “We believe in the process and we have participated in the process."
by Arniel C. Serato
Published Jul 9, 2020
ABS-CBN Corporate Communications: "ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application."
PHOTO/S: Courtesy: Kapamilya Online World on Facebook

Isang araw bago ang inaasahang botohan ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN, isang akusasyon ang pinasabog ni ACT-CIS Partylist Congressman Eric Yap.

Sinabi ni Yap na may emisaryo ang ABS-CBN na nag-alok sa kanya ng P200 million upang bumoto pabor sa network.

Tinanggihan daw ito ni Yap.

Si Yap ay miyembro ng House committee on legislative franchises, na boboto sa magiging kapalaran ng ABS-CBN.

Sa Biyernes, July 10, ang petsang inaasahang magbobotohan na ang mga miyembro ng komite at iba pang mga kongresistang may hawak sa buhay o kamatayan ng Kapamilya network.

ABS-CBN VEHEMENTLY DENIES ACCUSATION

Sa ipinadalang pahayag ng ABS-CBN Corporate Communications ngayong araw, July 9, tahasang itinanggi ng network ang akusasyon ni Yap sa diumano’y P200-M bribe offer sa kanya.

Nakasaad sa pahayag ng Kapamilya network:

“ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application.

“We believe in the process and we have participated in the process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We answered all issues raised in the past 12 hearings.”

Ito ang reaksiyon ng ABS-CBN sa inilabas na statement ni Yap ngayong araw rin.

ALLEGED P200M BRIBE

Ayon kay Yap, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang hindi niya kilalang tao mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nagpakilala umano ito bilang emisaryo ng ABS-CBN, "at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS CBN kapalit ng 200 Million pesos."

Sabi ng kongresista: “Simple lang ang sagot ko: hindi for sale ang prinsipyo at boto ko.

“Nilabas ko ba sa media? Hindi.

“Dahil hindi tayo sigurado kung emisaryo nga ng ABS CBN yun at unfair naman na malalagay sa alanganin ang pangalan ng ABS CBN dahil sa kanya at unfair din maging sa proceedings ng Joint Committee na tumatalakay sa issue ng prangkisa nila."

Kuwento pa ng kongresista, “May nadinig tayo na iba pang kaso gaya nito pero hindi natin nilabas dahil hindi din verified ang mga information na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"PRESS FREEDOM IS ALIVE"

Sabi pa ni Congressman Yap, malinaw na buhay ang press freedom sa bansa, taliwas sa akusasyon ng iba.

Pahayag niya, “In the last 24 hours alone, ang dami ko nang nabasa na mga artikulo sa pahayagan at social media tungkol sa iba't ibang balita tungkol sa nalalapit na botohan para sa franchise ng ABS-CBN."

Lumalabas, sa paniwala ng kongresista ay ang pagkakaroon ng social media ay patunay nang may "press freedom" sa bansa at dapat lang ipagpasalamat sa gobyerno.

Sa buong paniwala naman ng netizens—na may mga social media accounts at mahilig magkomento ng pabor o kontra sa mga isyu, tulad ng sa prangkisa ng ABS-CBN—karapatan nila ito sa isang demokrasya.

Dahil, sa isang demokrasya, may tiyak daw na espasyo para mag-diskusyon, mag-speculate, mag-theorize, at kahit pa mag-tsismis.

Itinanggi ni Yap ang initial tally ng botohan sa prangkisa ng ABS-CBN na inilabas naman ng Manila Times kahapon, July 8.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Why use unverified information? Do not mislead the public.”

Tila hindi rin gagap ng kongresista na hindi pang-mislead sa publiko ang maglabas ng impormasyon, kahit hindi pa ito ang official announcement. Ang tawag nga rito sa media ay enterprise journalism.

At sa mga parte ng mundo na may demokrasya, ang enterprise journalism ay pinupuri. Ito kasi ang pangangalap ng impormasyon, paghahanap ng sources, at mapangunahan ang public officials upang maging transparent ang gobyerno.

"Do not mislead the public. They deserve to know the truth,” sabi uli ni Yap.

Malinaw na hindi naiintindihan ng mambabatas na nasa mandate at DNA ng media ang paglalabas ng samu't saring balita tungkol sa mga nasa poder.

Matapos nito, sabi nga, bato bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit.

HOT STORIES

CELEBS AND NETIZENS REACT TO YAP'S ALLEGATION

Hindi napigilang magkomento ng ilang celebrities sa paratang ni Yap tungkol sa ABS-CBN.

Karamihan sa kanila, hinamon si Yap na pangalanan kung sino ang nag-alok sa kanya ng P200 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga nag-react ay ang comedian/radio host/talent manager na si Ogie Diaz.

Sa Facebook ngayong hapon, sinabi ni Ogie na matagal na niyang kaibigan si Yap. Sa kanya nga raw kumukuha noon ng mga artista ang kongresista para sa out-of-town shows.

Pero ang pagtutuunan lang daw niya ng pansin ay ang pahayag ni Yap.

Sabi ng talent manager ni Liza Soberano, “Sana, pangalanan mo, Cong. Yap, para magkaalaman at para malaman ng buong bayan at next time, wala nang magtangka sa inyo na suhulan kayo."

Mabigat daw ang akusasyon ni Yap.

Dagdag ni Ogie, "Kasi, pag me ganyang tsika, ano na lang magiging impression ng taumbayan sa mga kasamahan mong congressmen na ipinaglalaban na mabigyan ng prangkisa ang abs-cbn?

“Binayaran din sila ng 'emisaryo' para ipaglaban ang abs-cbn sa lower house?"

Ayon naman kay former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan, bilang mambabatas ay hindi dapat itago ni Yap ang katauhan ng emisaryong sinasabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Alunan: "You're a congressman. You're expected to be lawful. Do not hide the identity of the alleged wrongdoer. Otherwise, your declaration is worthless and mere black propaganda."

Tanong ng isang netizen, kung totoo man ang alegasyon, bakit sa dinami-dami ng mga kongresista ay si Yap ang pinili ng ABS-CBN?

Sabi pa ng netizen, "Of all people ikaw talaga?""

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban dito, kilala raw na "BFF" ni Yap ang presidential son na si Congressman Paolo Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng iba pang netizens: bakit ngayon lang ito inilabas ni Yap gayong siya na rin ang nagsabing dalawang linggo na ang nakalilipas?

Ni-repost naman ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pahayag ng ABS-CBN tungkol sa paratang ni Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPEAKER ALAN PETER CAYETANO

Nauna nang itinanggi ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang tungkol sa intimidasyon at pananakot diumano ng makapangyarihang grupo sa mga mambabatas upang bumoto laban sa ABS-CBN.

Sabi niya sa kanyang pahayag kahapon, July 8: "As the committee hearing the franchise of ABSCBN approaches the day where its members have to decide on the fate of the network, the House leadership would like reiterate that each vote must and will be based on the appreciation of the facts as they have been presented by both sides during these exhaustive proceedings, as well as the application of the relevant laws and public policy.

"Rumors of threats and intimidation coming from certain groups, even linking it with specific religious organizations, and congressional leaders are completely false and is an unproductive exercise in trying to manipulate the vote to favor a particular decision.

"Ironically, it is these clumsy attempts at mind conditioning that clearly pose a threat to the fairness and impartiality of the committee. By trying to poison the well of public opinion, those spreading this propaganda are trying to blackmail Congress into acceding to their demands."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We advise all sides to continue to advocate, but never to engage in black propaganda and fake news."

Idadaos ngayong araw ang summation ng komite tungkol sa mga natalakay sa loob ng labindalawang araw tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN Corporate Communications: "ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application."
PHOTO/S: Courtesy: Kapamilya Online World on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results