PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda saddened by closure of comedy bars

Vice Ganda: "Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho.”
by Arniel C. Serato
Published Jul 3, 2020
Vice Ganda salutes fellow stand-up comedians for doing online shows for co-workers: "Mayroon silang mga nakokolekta na mga donations, pero hinahati-hati nila yun para maitulong sa staff ng comedy bar—yung mga waiters, yung nasa valet, yung mga cook. Kasi 'yan, lahat 'yan ay wala na."
PHOTO/S: Screenshot from It's Showtime Online

Labis na ikinalungkot ni Vice Ganda ang sunud-sunod na pagsasara ng mga comedy bars.

Noong June 29, inanunsiyo ni Allan K na isasara na niya ang dalawang pagmamay-aring comedy bars—ang Zirkoh at Klownz.

Sumunod namang nagpasabi na magsasara na rin ang Laffline at Punchline.

Inihayag ni Vice ang kanyang saloobin tungkol dito sa It’s Showtime ngayong Biyernes, July 3.

Saad niya, "Alam mo talaga, nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice yung mga comedy bar kung hindi magsara.

"Yung Zirkoh, yung Klownz nagsara na. Yung Punchline at Laffline, nagsara na.

"Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho.”

Nakakuwentuhan daw kasi ni Vice sa segment na "Super FIESTARS" ang isang stand-up comedian na galing sa Music Box.

Ang Music Box ang kauna-unahang comedy bar sa bansa.

Patuloy ni Vice, “At saka yung legacy ng comedy bar, parang di ko ma-imagine na mawala na totally ang comedy bars sa lipunan.

“Kaya buti na lang may Music Box pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, eventually, pag maayos-ayos, makakapag-operate na uli ang Music Box. 'Yan ang ano, pioneer ng comedy bars.”

Malapit sa puso ni Vice ang comedy bars dahil dito siya nagsimula bago sumikat sa telebisyon at pelikula.

ONLINE COMEDY SHOWS

Ayon kay Vice, sa kabila ng enforced quarantine, gumagawa pa rin ng paraan ang stand-up comedians at sing-along masters na makapagpaligaya sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.

Sa online daw muna nagpapatawa ang mga komedyante, at naging panauhin pa nga siya sa isang session ng mga ito.

“Kahit yung mga bakla sa Zirkoh, meron silang ginawang Zirkohvery Channel.

“Nag-guest nga ako dun, sabi ko, nagpapasalamat nga ako sa kanila kasi maganda yung ginagawa nila.

“Hindi man sila kumikita na katulad nung dati, serbisyo yun, e, yung pinapatawa nila yung viewers online.

“Malaking bagay yun ngayon na makapagbigay ka ng ngiti.”

Ayon pa sa 44-year-old TV host-comedian, saludo siya sa mga kapwa komedyante na gumagawa ng paraan upang makatulong sa labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mayroon silang mga nakokolekta na mga donations, pero hinahati-hati nila yun para maitulong sa staff ng comedy bar—yung mga waiters, yung nasa valet, yung mga cook.

“Kasi 'yan, lahat 'yan ay wala na.

"Wala naman silang mga online show, kaya yung mga bakla, tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda salutes fellow stand-up comedians for doing online shows for co-workers: "Mayroon silang mga nakokolekta na mga donations, pero hinahati-hati nila yun para maitulong sa staff ng comedy bar—yung mga waiters, yung nasa valet, yung mga cook. Kasi 'yan, lahat 'yan ay wala na."
PHOTO/S: Screenshot from It's Showtime Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results