PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Framer of 1987 Constitution says to congressman blocking ABS-CBN franchise: "Wrong provision, wrong interpretation"

Atty Monsod to Cong. Marcoleta: "Wrong provision, wrong interpretation"
by Rachelle Siazon
Published May 28, 2020
Atty. Christian Monsod says Congressman Rodante Marcoleta cited the "wrong provision" and gave a "wrong interpretation" to the law governing the duration of an ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: Jerome Ascaño

"Wrong provision, wrong interpretation."

Ito ang pahayag ng isa sa mga framers ng 1987 Philippine Constitution tungkol sa alegasyong lampas-lampas na ang ABS-CBN sa franchise limit nito.

Si Atty. Christian Monsod, miyembro ng komisyong bumuo ng kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas, ang nagsabing nagkamali ng basa sa Konstitusyon ang humaharang sa panibagong prankisang hinihingi ng ABS-CBN.

Ang humaharang sa hearing ng Lower House ay si Congressman Rodante Marcoleta.

ALLEGED OVERLIMIT OF ABS-CBN FRANCHISE

Si Marcoleta ay representative ng SAGIP Party List, miyembro ng ruling PDP-Laban party, at kasapi ng Iglesia ni Kristo.

Sa pagdinig sa Kamara noong Lunes, May 25, tinuligsa ni Marcoleta ang samu't saring violation diumano ng ABS-CBN.

Una raw dito ang paglabag sa batas na nagbabawal sa isang prankisang lumampas ng 50 taon.

Pahayag ni Marcoleta: "Violation number one: Franchise is longer than 50 years.

"Hindi na po dapat payagan ang pagre-renew ng prankisa ng ABS-CBN. Dapat nang isara ang pinto para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit po? Because the ABS-CBN has been using the airwaves for more than 50 years. 53 years today to be exact.

"The Constitution says Congress can grant a franchise of up to 50 years only."

Binanggit ni Marcoleta ang history ng ABS-CBN.

Aniya, taong 1957 nang bilhin ni Eugenio "Don Eugenio" Lopez Sr. ang ABS TV station mula sa pamilya Quirino.

Noong panahong iyon ay pag-aari ni Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN).

Taong 1967 nang i-merge ni Don Eugenio ang dalawang kumpanyang ABS at CBN—at nakilala itong ABS-CBN.

Pahayag pa ni Marcoleta: "Kung susumahin natin ang prankisa nito mula noong 1967, limampu't tatlong taon itong gumagamit ng airwaves magpahanggang ngayon.

"Sixty three years po kung susumahin mula po noong pagkakuha ng ABS sa CBN noong 1957."

Hindi raw dapat palusutin ang diumano'y hayagang paglabag ng ABS-CBN sa batas.

HOT STORIES

CONSTITUTION FRAMER SAYS MARCOLETA GOT IT WRONG

Kinontra ni Monsod and posisyon ni Marcoleta.

Si Monsod ay kasama sa Constitutional Commission na nag-frame ng 1987 Constitution, naging chief ng Commission on Elections (COMELEC) mula 1991 - 1995, at isang abogado.

Ani Monsod, hindi akma sa kaso ng ABS-CBN ang probisyon sa batas na nagbibigay ng 50-year franchise limit.

Base ito sa panayam kay Monsod na nailathala sa ABS-CBN News Online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Monsod, ang franchise limit ay para sa mga public utilities, kasama ang mga kumpanyang nagsu-supply ng tubig, kuryente, at iba pang "indispensible necessities" sa taumbayan.

Ang prankisa ng public utilities, sabi ni Monsod, ay saklaw ng Article VII, Section 11 ng sinusunod na 1987 Philippine Constitution.

Nakasaad ditong 50 years lang ang dapat itagal ng isang exclusive franchise.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Monsod, ang ABS-CBN ay isang broadcasting company at hindi maituturing na isang public ulitility.

Ang prankisa para sa broadcasting companies ay saklaw daw ng ibang artikulo—ang Article XVI, Section 11 ng Philippine Constitution.

Dito, ang malinaw na requirement para sa mass media companies ay kailangang "wholly owned and managed" ang mga ito ng Filipino citizens.

Sa batas, wala ring nakasaad na limit ang tagal ng kanilang prankisa.

Paglilinaw ni Monsod, "Maliwanag yung provision: Article XVI, Section 11, walang limit na maximum of 50 years, unlike in Article XII, Section 11."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, renewable ang isang prankisa para sa mass media company tulad ng ABS-CBN at para rin sa isang public utility company.

"As you can see around us, there are public utilities that have existed for a long time," sabi ni Monsod.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Christian Monsod says Congressman Rodante Marcoleta cited the "wrong provision" and gave a "wrong interpretation" to the law governing the duration of an ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results