Ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana, 33, sa Instagram Stories, ang hate message na ipinadala sa kanya ng isang basher.
Damang-dama ang poot ng basher sa Kapuso artists at sa GMA Network dahil puno ng mura at pagbabanta ang mensahe nito.
Base sa post, "Kapamilya" ang nagpadala ng mensahe kay Carla.
Ito ang buong mensahe ng basher na ipinost ni Carla sa kanyang Instagram Stories noong May 24:

May kinalaman ang hate message ng basher sa pagpapasara ng ABS-CBN.
Huling napanood sa ere ang mga programa ng Kapamilya network noong May 5, 2020.
“FEEL SO SAD FOR PEOPLE LIKE HIM”
Sa kanyang caption, sinabi ni Carla na nalungkot siya sa natanggap na mensahe mula sa galit na galit na basher.
Bagamat wala daw intensiyon ang basher na manakit ng kapwa, nalulungkot siya para sa mga taong may ganitong pag-uugali.
Saad ng Kapuso actress, “So much hostility for the morning.
“I know he only wants attention and he doesn’t mean it at all, but I can’t help but feel so sad for people like him.”
Si Carla ay nag-graduate na cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University (DLSU)-Manila.

THREAT FROM BASHERS
Talamak sa social media ang pananakot at pagbabanta sa mga sikat na personalidad.
Noong May 20, in-expose ng Kapamilya star na si Angel Locsin ang pagbanta sa kanyang buhay ng isang Twitter user.
Bukod kay Angel, idinamay din ng basher ang iba pang ABS-CBN artists na sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, at Coco Martin.
Ayon sa nag-post, magbibigay siya ng P200M sa mga supporters ni President Rodrigo Duterte at ng GMA Network na makakapatay sa ABS-CBN stars.
Pati ang ABS-CBN complex ay idinawit at dapat daw pasabugin.
Makalipas ang dalawang araw, may isang sibilyan mula sa Davao ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).
Pinabulaanan nitong siya ang may-ari ng Twitter account na nag-post ng banta sa Kapamilya stars.
Nagamit lamang daw ang kanyang pangalan kaya kusa siyang sumuko sa awtoridad upang malinis ang kanyang pagkatao.
Sa hiwalay na mga mensahe kina Angel at Carla, ang isyu ng pagsasara ng ABS-CBN ang common denominator sa mga banta sa kanila.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
