Nagluluksa ngayon ang aktres na si Angel Locsin sa pagkamatay ng aso niyang si Pwet-Pwet.
Thirteen years old si Pwet-Pwet, isang female Bichon Frise.
Martes ng umaga, May 14, nang ianunsiyo ni Angel, 35, sa Instagram ang pagkamatay ng alaga niyang aso.
Ibinahagi ng actress-humanitarian ang mga litrato niya kasama si Pwet-Pwet.
Caption ni Angel (published as is): “proud of you my perfect little fighter [heart emoji]
“you can rest now.
“Love you ALWAYS”
Sa comments section, dumagsa ang pakikiramay ng malalapit na kaibigan at mga fans ni Angel.
Pang-aalo kay Angel ng fiancé niyang si Neil Arce: “She’s with Jesus now watching Over US always…”

Para sa dog lovers, ang pagkawala ng minamahal na alagang aso ay lubhang nakakalungkot dahil bahagi na ito ng pamilya.
Maging ang mga kasamahan sa industriya ni Angel ay nakisimpatiya.
Nagpaabot ng “yakap” kay Angel sina Maja Salvador, Angelica Panganiban, Vhong Navarro, Karla Estrada, Cholo Barretto, at Amy Perez.





Nakiluksa rin para sa aktres sina Bea Alonzo, Rico Blanco, Bianca Gonzalez, Raymond Gutierrez, at Rita Avila.





Idinaan naman nina Boy2 Quizon, Cherie Pie Picache, Janno Gibbs, Zsa Zsa Padilla, K Brosas, Paolo Paraiso, Bubbles Paraiso, at Chito Miranda sa emojis ang pakikiramay kay Angel.






ANGEL ASKED FOR PRAYERS FOR PWET PWET
May 7 nang umapela ng dasal si Angel para kay Pwet-Pwet.
Base sa caption ng aktres, ipinagamot niya ang aso dahil pumapalya na ang kidneys nito.
Sa ipinost na litrato sa Instagram, makikitang yakap ni Angel ang kanyang pet dog habang nasa loob sila ng veterinary clinic.
Caption niya: “Please pray for her. Her kidneys are failing [broken heart emoji]”
Nitong Mother’s Day, May 10, muling nagbahagi si Angel ng picture nila ni Pwet-Pwet.
Ibinalita ng aktres na sinisikap ng aso na labanan ang sakit nito.
Ginamit ni Angel ang post upang bumati ng “Happy Mother’s Day” sa kanyang 7.4 million Instagram followers.
Kasama sa mga binati ni Angel ang mga tulad niyang “fur mommies.”
Mababasa sa caption ng aktres: “Fighting [praying hands, dog face emojis]
“Happy Mother’s Day po sa lahat ng mommies - pati mga fur mommies out there [green heart emoji].”
PWET-PWET IN THE NEWS
Consistent na laman ng Instagram feed ni Angel ang aso niyang si Pwet-Pwet.
Kasa-kasama niya ito kahit saan siya pumunta.
Ilang beses na ring nabanggit si Pwet-Pwet sa mga artikulo tungkol kay Angel.
Sa surprise birthday celebration ni Neil para kay Angel nitong April 23, may picture ang aktres habang karga ang kanyang pet dog.
Published ang litratong ito sa cosmo.ph.

March 2017 nang iulat sa news sites ang pagkikita ni Angel at ng Kapuso actress na si Marian Rivera sa isang salon sa Taguig City.
Nagkataon namang kasama noon ni Angel ang kanyang pet dog.
Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram Stories ang picture nila ni Angel kasama si Pwet-Pwet.

Nag-trending ang litratong iyon dahil napatunayan na hindi totoong may alitan sa pagitan ng dalawang Darna actresses.
Iniintriga noon sina Angel at Marian matapos magbida ang huli sa Darna teleserye ng GMA-7, taong 2009.
Sa original na Darna series ng GMA sumikat si Angel noong 2005.
Makalipas ang dalawang taon, taong 2007, lumipat si Angel sa ABS-CBN.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
