Dinepensahan ng beteranang broadcaster ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Kim Chiu laban sa mga trolls at bashers.
Sina Coco at Kim—kasama na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban—ay ilan lamang sa mga artista ng ABS-CBN na nagsasalita laban sa National Telecommunications Commission (NTC).
Ang NTC ang naghain ng cease and desist order laban sa network kaya nagsara ito noong May 5, isang araw matapos mapaso ang prangkisa nito.
Sabi ng Rated K host, maaring hindi man daw perfect sina Coco at Kim pagdating sa kanilang pananalita pero nasa tamang lugar ang kanilang puso.
Lahad ng 55-year old journalist, “Coco Martin and Kim Chiu are under attack from bashers.
“Majority of the bashers are paid trolls which supporters of this administration have heavily invested in.
“There’s a way to handle them. Engage or ignore.
“To engage is to simply speak back for everyone else to see what trash they are.
“Otherwise, deadma. Coco and Kim may not be perfect in language or expression but, clearly, their hearts are in the RIGHT place.
“Right meaning, opposite of wrong.”
Pinasaringan din ni Korina ang aniya’y hindi makatarungang pagkawala sa ere ng ABS-CBN Corporation.
Iyon daw ang dapat mas pag-ukulan ng pansin.
Dagdag niya, “And you know whats wrong? The ABSCBN sudden — unceremonious, possibly illegal, immoral, sinister, unethical, despicable, abhorrent, inconceivable, wicked — closure.
“So, sa harap ng Batas ng tao o Batas ng Panginoon, panalo si Coco at si Kim. Yun lang.”
ABS-CBN PROVISIONAL FRANCHISE
Inaprubahan kahapon sa second reading ng House Committee of the Whole ang House Bill 6732.
Kilala rin ito bilang "An Act Granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation A Franchise to Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines, and For Other Purposes."
Naglalayon itong mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang sa October 31, 2020.
Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang may akda ng panukalang batas, kasama ang ilan pang majority leaders ng Kongreso.
Nakalagay din sa panukala na maaring makabalik sa ere ang ABS-CBN kapag maging ganap itong batas, habang dinidinig sa Kapulungan ang kanilang franchise renewal application.
Pero hindi kuntento rito ang brodkaster.
Post ni Korina sa kanyang Instagram, “House approves temporary renewal of ABSCBN franchise until end of October 2020.
“Okay. I guess dapat mag Thank You...na pinakinggan nila ang konsiyensiya nila.
"Kasi hindi naman talaga dapat yan pinasarado."
Hindi maiwasan ni Korina na mag-alinlangan dahil naipasara ang network sa kabila ng pangako noon na mabibigyan ito ng permit to operate.
"So, no thanks for putting the whole country through this unnecessary stress and turmoil and for branding the Philippines in the world as a mockable state.
"Pero, sana, matuloy ang pangako? Kase nangako na dati sa Senate Hearing na hindi pasasarado.
"Pero pinasarado. Paano ito naiba? Pakita nga."
Hamon pa niya sa Kongreso, "And okay naman magbanta si Senator Cayetano na hindi ito permanente.
"Okay lang. Sana lang siguraduhin ng mga legislators naten na ang magiging desisyon nila by end of October ay MAY BASEHAN ha?
"Because, again: this isn't just a moment in time. This is each legislators’ legacy to their surname FOREVER that their descendants will carry. Sino ba naman ako? Just sayin’."
KORINA CALLS HER BASHER “IDIOT”
Sa comments section ng kanyang post tungkol sa ABS-CBN, may ilang nakiayon sa kanya at meron ding sumalungat.
Isa rito ay nagsabing biased ang broadcaster.
Saad ng netizen (published as is), "Maam Im a fan of Yours and ABS-CBN since then pero isa lang po talaga ang di ko maintindihan bakit ang Bias nyo when it comes to Polotics?"
Tugon ni Korina, "Example? May example ka? Now na! Antagal. Sorry time's up idiot."

May iba ring nagsabing dapat magpasalamat na lang si Korina na inaayos na ngayon sa Kongreso ang provisional franchise ng network.
Sabi ng netizen (published as is): "wow kunswnsiya pa ha?mam dapat mag thank you nalang para mapasara man kayo wala. kaung masabi na din patas..
"2014 pa kayo nag apply then yiur management decided to withdraw it.so sino ang maysala?
"saka u ara claiming 11thou employees eh sa BIR 4k lang pala at lalong hindi 11 million na tulad ng sabi ng pekeng lesbianang matanda na nasa rappler..hehhe.ayan patas na ha..Goodluck."
Dedma si Korina sa litanya ng basher.
Pang-aasar na sagot niya, "Alam mo, talo ka na. Malamang magbubukas ang ABSCBN ulet. Be gracious in Defeat my dear. In short: BELAT!"

Isa pang follower ni Korina ay nagbigay ng payo para kay Kim na sa susunod ay paghandaan daw ng aktres ang anumang pahayag nito.
"Sana po mag aral na si kim chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya," saad ng netizen.
Thumbs down ang sagot ni Korina.
Tirada pa niya, "wag kang BRUHA."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
