PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz to foul-mouthed critics: "Eto yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa."

Angelika dela Cruz stands up to Longos residents belittling her relief efforts.
by Rachelle Siazon
Published May 5, 2020
Angelika dela Cruz refuses to be put down by Longos residents belittling her relief efforts as barangay chairman of Longos, Malabon City.
PHOTO/S: Angelika dela Cruz Facebook

Hindi pinalampas ni Angelika dela Cruz ang tingin niya'y paninira na ng isang mag-asawang residente ng Barangay Longos, Malabon.

Si Angelika ang barangay chairman doon mula pa noong 2013.

Binira ng mag-asawa si Angelika matapos nitong mamigay ng panibagong ayuda sa Barangay Longos.

Nakarating sa Kapuso actress ang mga batikos sa kanya ng mga residente ng Barangay Longos dahil naka-tag siya sa Facebook comments ng mga ito.

RESIDENTS' COMPLAINTS

Isang residente ang kumuwestiyon kung bakit magkakaiba ang canned goods na ipinamimigay sa kanilang lugar.

"Corned beef" daw ang natanggap niya, habang ang isang kakilala ay "meatloaf" ang nakuha.

Hindi malinaw kung may iba pang reklamo ang naturang residente.

Pero may nag-comment ding mag-asawa na pakitang-tao lang umano ang pagtulong ni Angelika sa nasasakupan nitong lugar.

Minura pa ng babeng residente ang actress-barangay official: "Eh bkit kc put*ng *n* ni angelika..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-tag pa si Angelika sa mga sumunod na Facebook comments ng babaeng nagmura.

"Angelika dela Cruz yan lang nmn tlga ang ginagawa mo rh."

Sumunod na comment nito, "Angelika dela Cruz nag popost c mam dhil walang nakikitang action sa inyo... ang dami n nyang PM.. na dapat ay dun kau nagusap... puro ka palabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumegunda ang asawa ng babae.

Sabi njito: "P*ta.. Bakit naging ka apelyido ko pa yang kapitana nyo? Bka pagkamalang kamag anak ko pa yan, nakakahiya sheeetttt.."

ANGELIKA RESPONDS

Ipinakita ni Angelika ang screenshots ng mga batikos sa kanya.

Kasama rito ang litrato ng relief pack na ipinamigay niya sa Longos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May laman itong supot ng bigas, dalawang canned goods, at isang sachet ng three-in-one coffee.

Depensa ni Angelika, "kahit pa konti konti madalas naman akong magbigay ng relief goods."

Ang hindi raw niya matanggap ay bakit kailangang murahin at siraan pa siya.

"Eto yung taong binigyan mo na mumurahin ka pa," ani Angelika.

Patuloy niya, "Tapos tag team sila ng ugali ng asawa nya na ang sabi 'P*ta naging ka apelido pa daw nya ako nakakahiya daw na mapagkamalan na kamaganak ko sya.'"

Hindi napigilan ni Angelika ang magpatutsada sa umalmang ayaw siya maging kaapelyido.

"Huwow kuya feeling pogi mo naman .. ang taas ng tingin ninyong mag asawa sa sarili ninyo ..

"yan yung mga wala ng naitulong sa kapwa nila kung makapag salita pa sa kapwa nila wagas!

"Kapal nyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz refuses to be put down by Longos residents belittling her relief efforts as barangay chairman of Longos, Malabon City.
PHOTO/S: Angelika dela Cruz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results