PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin's daughter mulls filing complaint against bashers of Jukebox Queen over "Iisang Dagat" song

Maffi Papin to bashers of mom Imelda Papin: "We rebuke your evil intentions!”
by Arniel C. Serato
Published Apr 28, 2020
Maffi Papin Carrion (left) defends mom Imelda Papin against bashers: "My Mom Imelda Papin has the purest of heart and intentions! We have helped, served and saved countless numbers of lives of our kababayans. The Philippines belongs to the Filipino people!"
PHOTO/S: Courtesy: Garry Cruz on Facebook

Balak ng kampo ni Camarines Sur Vice-Governor Imelda Papin maghain ng reklamo kaugnay ng below-the-belt bashing na natanggap nito kaugnay ng “Iisang Dagat” music video.

Ang "Iisang Dagat" ay inilabas ng Chinese Embassy sa Facebook page at YouTube channel nito noong Biyernes, April 24.

Kabilang si Imelda sa umawit nito.

Kasama rin niyang kumanta sa music video sina Chinese diplomat Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, at ang Chinese actor na si Yubin mula sa TV series na The Untamed.

Ang sumulat ng kanta ay si Chinese Ambasador to the Philippines Huang Xilian.

Layunin umano ng kanta na pagbuklurin ang mga mamamayang Pilipino at mga Tsino laban sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Makikita rin sa visuals ng music video ang ilang government officials katulad nina Pangulong Rodrigo Duterte, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at Health Secretary Francisco Duque.

Bahagi rin dito ang video ng mga Chinese medical experts na dumating sa bansa upang makipagtulungan sa Filipino medical health workers at Chinese diplomats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“YOU SHOULD BE PROSECUTED!”

Gaya ng inaasahan, samu’t saring batikos ang natanggap ni Imelda Papin, na minsa'y tinaguriang Jukebox Queen, dahil sa partisipasyon niya sa kontrobersiyal na awitin.

Ayon sa mga bumatikos, ang "Iisang Dagat" ay isang propaganda ng bansang China kaugnay ng inaangkin nitong mga isla sa West Philippine Sea (WPS).

Inilabas ang music video ngayong may nakahaing diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa pagtatayo nila ng dalawang bagong distrito sa WPS.

Ito ay ang Spratly at Paracel Islands na parehong pag-aari ng Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post noong gabi ng April 26, nagbabala ang anak ni Imelda na si Maffi Papin Carrion.

Nagpahiwatig si Maffi na magsasampa sila ng pormal na reklamo laban sa mga bumabatikos sa kanyang ina.

Nangggalaiting pahayag ni Maffi: “If you guys think na pinaglalaban nyo ang country natin.

“Then you start threatening us.

“You should be prosecuted!

“Because we love our Country!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Maffi, naipon na nila ang mga mapanirang salita at bulgar na puna sa kanyang ina. Ang iba ay may kasama pa raw pagbabanta.

“We have evidence of your lewd comments and threats.

“And we take this seriously.

“So we will be seeing you where you won’t see the sunshine anymore if you don’t stop.”

Diin niya: “And that is a warning!

“You are disgusting and ill hearted!

“Wala na kayong takot sa diyos!

“We rebuke your evil intentions!”

Sinamahan niya ito ng screenshots ng mga masasakit na komento mula sa netizens.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MAFFI DELETES POST

Pero makalipas ang ilang oras, binura ni Maffi ang kanyang post.

Pinalitan niya ito ng mensahe kung saan sinabi niyang mahal na mahal nila ng kanyang ina ang Pilipinas.

Dagdag pa ng anak ni Imelda, marami na silang natulungan at naserbisyuhang mga kababayan natin.

Saad niya sa kanyang post, "We Love the Philippines and the Filipino people!

"My Mom Imelda Papin has the purest of heart and intentions!

"We have helped, served and saved countless numbers of lives of our kababayans.

"The Philippines belongs to the Filipino people!

"May God Bless us all, Heal this entire world and shower us with all the Love in this world!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IMELDA: “HINDI KO ALAM NA IYON AY PROPAGANDA NILA”

Sa panayam naman ng DZBB ng GMA-7 noong April 27, mariing kinontra ni Imelda ang paratang na "traydor" siya sa bansa.

Marami ang bumatikos kay Imelda dahil sa pagpayag nitong maging bahagi ng music video gayong patuloy pa rin ang pagri-reclaim ng mga Tsino sa mga islang pag-aari ng Pilipinas.

Pahayag ni Imelda: “Hindi puwede maging traydor ang isang Imelda Papin.

“Hindi naman tama na sabihin iyon.

"Hindi naman nila ako binayaran.

“Ako po ang pinakiusapan, at ang intensiyon ng kanta ay para magtulungan tayong lahat.”

Hindi rin daw niya alam na para sa iba ay propaganda ng Chinese government ang nasabing kanta at music video.

Ang hindi lang maipaliwanag ay kung paaano naging ganito ka-clueless ang isang vice governor ng bayan. Bilang government official, inaasahang may naiintidihan siya maski paano tungkol sa raging issue ng West Philippine Sea.

Ngunit diin pa nito, “Hindi ko alam na iyon ay propaganda nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Puwede natin ilayo roon sa issue [ng West Philippine Sea].

"Kung alanganin tayo, bakit natin tatanggapin?”

Ayon pa sa bise-gobernadora, nilapitan siya ng Chinese Embassy dito sa Manila.

Sinabi raw sa kanyang ang "Iisang Dagat" ay pagpapakita ng solidarity ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Magsisilbi rin daw itong tribute sa mga Chinese health experts na bumisita sa bansa upang makatulong sa atin sa pagsugpo at paglaban sa mapaminsalang virus.

“Ito ay paghawak-hawak ng kamay para sa magandang kinabukasan dahil sa kinahaharap nating problema.

"Tungkol po ito sa pagmamahal sa isa’t isa.

“Regalo po ito sa mga nagpunta rito na Chinese health care workers.

"Walang malisya at all.”

ANALYST: “IT’S PROPAGANDA.”

Ngunit iba ang pananaw tungkol dito ng isang analyst.

Ayon kay Jay Batongbacal, director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, malinaw na "propaganda" ito ng China.

Sa panayam ng ABS-CBN news kahapon, April 27, tanong ni Batongbacal: Kung ang layunin nito ay upang i-highlight ang pagtutulungan ng China at Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, bakit nakasentro ang awitin sa karagatan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa niya, "It’s seen very clearly by most of our people as propaganda, especially since it supposedly highlights cooperation over COVID-19.

"And yet, it starts off featuring this so-called 'Iisang Dagat,' which as everyone knows is contested, many parts of which is contested.

"And everybody knows that China, in the eyes of the Filipino people, is taking away the West Philippine Sea.

"People know it’s propaganda, that it was intended to elicit favorable feelings, shall we say, and they were very much aware that was the intention."

Dagdag pa nito, sinasamantala raw ng China ang pagiging abala sa COVID-19 pandemic ng iba pang bansang may inaangkin ding isla sa WPS upang mas mapalawig nito ang pananakop sa pinag-aagawang teritoryo.

"It’s also obvious that the pandemic and the cooperation about the pandemic is not in any way stopping China from continuing its plans of expanding its control in the West Philippine Sea and South China Sea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"One could argue that it is using this cooperation as a way to leverage against any criticisms of China for its activities in the West Philippine Sea."

TOP DIPLOMAT sends two diplomatic protests to chinese embassy

April 22 nang maghain ng dalawang diplomatic protests ang Pilipinas laban sa China.

Inalmahan ng Pilipinas ang paglabag diumano ng China sa international law at sa hurisdiksiyon ng Pilipinas sa WPS.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro "Teddy" Locsin Jr., ang mga nasabing reklamo ay ipinadala nila sa Chinese Embassy dito sa bansa.

Ito ay matapos nabalitang nakaranas ng harassment ang barko ng Philippine Navy at nabalita pang nagbubuo na ng dalawang distrito ang China sa teritoryo ng Pilipinas.

Nakasaad sa tweet ni Secretary Locsin: “At 5:17 pm today the Chinese embassy received 2 diplomatic protests:

"1. on the pointing of a radar gun at a Philippine Navy ship in PH waters &

"2. declaring parts of Philippine territory as part of Hainan province—both violations of international law & Philippine sovereignty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng GMA News online noong April 22, ang dalawang bagong distrito ay matatagpuan sa Paracels at sa Spratlys, kung saan may claim ang Pilipinas.

Sa aksyon ng Tsina ay magiging bahagi ang Paracels at Spratlys ng lokal na gobyerno ng Sansha, isang siyudad sa katimugang bahagi ng isla ng Hainan.

same TOP DIPLOMAT says "LEAVE CHINESE EMBASSY ALONE"

Ganunpaman, binara ni Secretary Locsin ang analysis ni Batongbacal.

Tweet ni Locsin, “Leave the Chinese embassy in Manila alone.

"It never made a connection between medical help and legal claim.

"China’s anti-COVID assistance has been impeccable and cannot be accused of being covert.

"Covid/covert. Get the play on words?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, dinepensahan ng Malacañang ang pagpapalabas ng Chinese Embassy of the Philippines ng music video na “Iisang Dagat.”

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop ng kalayaan sa pamamahayag ang pagpapalabas nito.

Pahayag ni Roque sa DZBB noong Linggo, April 26, "Sa ating Saligang Batas naman, lahat tayo mayroong karapatan ng malayang pananalita.

"Ang isang video na kasama yung mga awitin, kabahagi 'yan ng karapatan ng malayang pananalita.

"Ang sabi ng ating Korte Suprema, lahat ng karapatan sa ating Bill of Rghts ay binibigay din natin sa mga dayuhan na naninirahan sa ating bayan.”

UNIVERSAL RECORDS DENIES ANY PARTICIPATION

Naglabas naman ang Universal Records Philippines ng statement upang linawing wala itong kinalaman sa kantang "Iisang Dagat."

Taliwas sa nakasaad sa YouTube caption, hindi raw sila nag-participate sa production o sa promotion ng nasabing kanta.

Ang pagkaka-post raw ng pangalan ng kompanya ay "without our consent," at naging dahilan pa upang ma-mislead ang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang buong statement ng Universal Records:

“Universal Records Philippines would like to clear that we are not in any way involved in the track “Iisang Dagat.” Contrary to what is included in the YouTube caption, the company did not participate in the production and promotion of the said song.

"Prior to its release, an invitation was sent out by Chinatown TV for the label to help in the song’s promotion, which was respectfully declined by the label.

"The inclusion of the company name on the aforementioned caption was posted without our consent, and has therefore mislead audiences with our non-participation in the project.

"We advise everyone to be vigilant in such matters, and to continue to watch out for their health and safety at this time.

"Thank you for your continued patronage for Universal Records."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maffi Papin Carrion (left) defends mom Imelda Papin against bashers: "My Mom Imelda Papin has the purest of heart and intentions! We have helped, served and saved countless numbers of lives of our kababayans. The Philippines belongs to the Filipino people!"
PHOTO/S: Courtesy: Garry Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results