PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla on relationship with Kathryn Bernardo: "Dumire-diretso na tayo hanggang sa katapusan."

Daniel Padilla: "My partner in life, thank you. Never ako nagkamali sa mga desisyon na ginawa ko for you."
by Rachelle Siazon
Published Apr 24, 2020
"Give and take ang isang relasyon. Hindi puwedeng umiikot lang sa isang tao," says Daniel Padilla. The Kapamilya actor says he never forgets what he and Kathryn Bernardo have been through in the past eight years.
PHOTO/S: CTTO Instagram

Siniguro ni Daniel Padilla na panghabambuhay na sila ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

"Ang wish ko para sa ating dalawa, e, dumire-diretso na tayo hanggang sa katapusan," kilig na sambit ni Daniel.

Natatawang inamin din ng binata na kasama sa future plans niya ang maikasal sila ni Kathryn.

"Nanliligaw pa lang ako, natanong ko na kay Kathryn ang dream wedding namin pareho—beach wedding.

"I think it's important na alam mo yung ganoon sa partner mo.

"Mas lumalapit sa realidad yung mga bagay-bagay. You have to plan now."

Napapangiting dagdag ni Daniel, "Mahilig kami tumingin ng bahay. Yun ang mga bagay na ginagawa namin."

Ikinuwento ito ni Daniel sa panayam sa kanya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Biyernes, April 24.

OVERCOMING PROBLEMS TOGETHER

Aminado si Daniel na marami rin silang problemang pinagdaanan ni Kathryn sa halos walong taon nilang relasyon.

Paano nila nalampasan ang mga iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matamang sagot ng 25-year-old actor: "Siguro dahil lagi namin pinipiling to stay.

"Every time, kapag nagkakaproblema kami, lagi ko lang binabalikan all the things na ginawa ni Kathryn para sa akin.

"Hindi lang yung nangyari na problema ngayon. I always look back kung paano binago ni Kathryn ang buhay ko.

"Ano ba mga bagay na natulong ko sa kanya? At sino ba siya bilang my partner in life?"

Alam daw ni Daniel pahalagahan ang pinagsamahan nila ng nobya.

Pero higit sa lahat, mahalaga raw ang respeto nila sa isa't isa.

"Nagko-complement kasi nirerespeto ko mga desisyon niya, nirerespeto niya yung mga desisyon ko.

"Give and take ang isang relasyon. Hindi puwedeng umiikot lang sa isang tao."

couple holding hands at the beach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

on kathryn's admirable traits

Ipinagmalaki rin ni Daniel ang mga katangian ni Kathryn na hinahangaan niya.

"Nakita ko kay Kathryn, she's very organized.

"Planado niya lahat ng gagawin niya for the week, for the day. Sinusulat pa niya talaga yun."

Iba raw iyon sa personalidad ni Daniel.

"May mga bagay na natutunan ako kay Kathryn.

"Ako, bilang ako, I just go by the day.

"Kung ano lang yung ano, iisa-isahin yun sa akin.

"Si Kathryn, kapag nilatag yun sa kanya, siya pa nagsulat ng mga dapat gawin."

Ayaw rin daw ni Kathryn ng nali-late.

Tukoy niya sa 24-year-old girlfriend: "Ayaw ni Kathryn na nali-late ako. Ayaw niya ng nauuna.

"Yun ang mga bagay na kailangan baguhin. Pinu-push niya sa akin.

"Very thankful ako na may ganung tao sa buhay ko rin, dahil natututo ako, e.

"Talagang she makes me a better person. Hayerp!"

Good influence naman daw sila sa isa't isa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang magbakasyon sila sa Iceland, si Daniel ang nagpalakas ng loob ni Kathryn kahit na mahirap ang ginawa nilang hiking experience doon.

Napagtagumpayan ng dalaga at sobrang na-enjoy rin niya ang adventure nila.

Ani Daniel, "Naggu-grow kami sa ganun.

"Nagpi-feed lang kami sa knowledge na meron kami.

"Nagtutulungan lang kaming dalawa."

couple hiking in Iceland

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUCH LOVE FOR HIS GIRLFRIEND

Sa Linggo, April 26, ay ipagdiriwang ni Daniel ang kanyang 25th birthday.

Pero mayroon siyang sweet message para kay Kathryn.

"Gusto ko siyang pasalamatan sa lahat ng paggabay sa akin.

"Sa pagmamahal na binibigay niya sa akin. Sa suportang binibigay niya sa akin.

"My partner in life, thank you.

"Never ako nagkamali sa mga desisyon na ginawa ko for you."

Terms of endearment nila sa isa't isa ang "Bal" o kung minsan ay "Tangi."

Sabi pa ni Daniel, "I'm always here for you, Bal, para suportahan ka rin sa lahat ng pangarap mong gawin.

"Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdadaanan ka."

Sa May 25 ang eight anniversary nila bilang magkasintahan.

couple goofing around at a party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Give and take ang isang relasyon. Hindi puwedeng umiikot lang sa isang tao," says Daniel Padilla. The Kapamilya actor says he never forgets what he and Kathryn Bernardo have been through in the past eight years.
PHOTO/S: CTTO Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results