PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz favors martial law in time of COVID-19 crisis

Angelika dela Cruz: “Sa nakita ko kasi bilang kapitana, maraming Pinoy ang kulang sa disiplina."
by Arniel C. Serato
Published Apr 21, 2020
Angelika dela Cruz on her duty as a barangay frontliner during COVID-19 pandemic: "Hindi ko inisip mag-give up, gusto ko magampanan nang maayos ang tungkulin ko kahit mahirap.”
PHOTO/S: Courtesy: Angelika dela Cruz on Facebook

Pabor ang aktres na si Angelika dela Cruz kung sakaling magdeklara ng martial law ngayong nahaharap ang Pilipinas sa COVID-19 crisis.

Kahapon, April 20, isang katanungan ang iniwan ng 30-year-old barangay captain ng Longos, Malabon sa kanyang Instagram followers.

Tanong ni Angelika: “Pabor po ba kayo Sa MARTIAL LAW habang May Covid19 pa sa ating bansa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila ang pinanggagalingan ng tanong na ito ni Angelika ay ang kumalat na balita nitong weekend na posibleng magdeklara ng "martial law" at "total lockdown" si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil patuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Isinisisi ito ng marami sa mga pasaway at walang disiplina umano nating mga kababayan sa kabila ng pinapairal na enforced quarantine.

Nagpahiwatig din si Pangulong Duterte tungkol dito sa kanyang talumpati noong April 16.

Pahayag niya: "I’m just asking for your disiplina.

"Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, mag-takeover ang military pati pulis.

"I am ordering them now to be ready.

"Ang pulis, pati military, ang mag-enforce sa social distancing at yung curfew. Sila na.

"Parang martial law na rin. Mamili kayo.

"Ayaw ko, pero pagka naipit na yung bayan at walang disiplina kayo...”

MOST OF ANGELIKA'S FOLLOWERS FAVOR MARTIAL LAW

Nakakuha ng halos 1,100 comments, as of 8 p.m. ng April 21, ang Instagram post ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos lahat ng sumagot sa tanong ni Angelika ay pabor sa pagdedeklara ng martial law ngayong panahon ng COVID-19.

Halos pare-pareho rin ang kanilang dahilan: Ang martial law lang daw ang solusyon para madisplina ang mga pasaway nating mga kababayan.

Para rin sa maraming followers ni Angelika, ang martial law ang solusyon para masugpo ang COVID-19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WHY SOME NETIZENS ARE AGAINST MARTIAL LAW

Sa pagsusuyod ng PEP.ph sa comments sa post na ito ni Angelika, halos nasa 20 lang ang sumagot ng "No."

Nagpaliwanag ang iba sa kanila kung bakit hindi martial law ang solusyon sa kinahaharap ng health crisis ng bansa.

Ayon kay @leialacar, mahihirapang magdeklara ng martial law si Pangulong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay dahil ayon sa Sec. 18 Art. VII ng 1987 Constitution, maaaring ideklara ang martial law "in case of invasion or rebellion and when public safety requires it."

Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon ay wala namang aktuwal na pagsakop o rebelyon.

Tama raw ang ginawa ng Pangulo ng pagdedeklara ng state of public health emergency, paglalagay sa buong Luzon sa enhanced community quarantine, at pagtawag sa military at PNP upang tiyaking masunod ang mga itinakdang guidelines.

Ngunit sa nangyayari ngayon, ayon kay @leialacar, "MARAMI PA RIN PO ANG LUMALABAG SA ECQ at KARAMIHAN NG TAO AY WALANG DISIPLINA."

Pero hindi pa rin daw ito sapat na dahilan para magdeklara ng martial law.

Suhestiyon ng netizen, sa halip na martial law, "police power" ang ipatupad.

Sa pamamagitan daw ng police power, ayon sa netizen, "PWEDE PO KAYONG MAGHIGPIT O MAGKAROON NG KAMAY NA BAKAL sa pagpapatupad ng mga batas (this includes Executive Orders as they have the force and effect of law)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kapag may paglabag na nagawa ang mga awtoridad, maaari pa ring mag-file ng complaint ang isang indibidwal laban sa nagkamaling opisyal.

Mensahe pa ni @leialacar kay Angelika: "political will is what we need to implement the laws/policies in place to fight COVID-19."

Ayon naman kay @nursessist, mas mabuting tanungin ang opinyon ng mga taong nakaranas ng paghihirap sa ilalim ng martial law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng netizen, "We easy resort in saying “YES' when we can’t contain people because most of them want to go out to find a living and provide for their families and that because government failed to take action.

"Hindi lahat ipinanganak na may kakayanang mag-ipon para makasalba sa Pandemic. You all be careful what you wish for"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay @braderryan, dapat daw maging maingat si Angelika sa linya ng pagtatanong at paggamit sa terminong "martial law."

Sabi pa nito, "You have a sphere of influence who will likely believe/listen/follow you."

Inudyok din ng netizen ang aktres na tulungang i-educate ang tao tungkol sa martial law.

Tanong pa niya sa actress-barangay official: "Kung ang problemang nakikita nyo is dahil ayaw sumunod ng mga tao at labas ng labas, ilang percentage ng nasasakupan nyo ang gumagagawa nito? Is it the majority or super minority?"

Para kay @jl_creativeballoons, mas mainam na "total lockdown" ng ipatupad sa halip na martial law.

Paliwanag niya: "If ang purpose is to control yung mga taong pasaway at labas ng labas.. Ok na yung total lockdown.

"Martial law is iniimplement kung magulo ang sitwasyon ng bansa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna naman ni @iamlovelyweng ang tila pagka-"crowd sourcing" ni Angelika.


ANGELIKA: "MARTIAL LAW IS GOOD THING FOR THE TIME BEING"

Ngayong Martes, April 21, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika sa pamamagitan ng text at Viber messaging.

Hiningi namin ang kanyang kasagutan sa tanong na ipinost niya sa Instagram: Pabor ba siyang magkaroon ng martial law ngayong may COVID-19?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes" ang sagot ng actress-barangay official.

Kagaya ng karamihan ng mga sumagot sa kanyang Instagram post, ang kakulangan ng disiplina ang pangunahing dahilan kung bakit sa palagay ni Angelika ay dapat magdeklara ng martial law.

Paliwanag niya, “Martial Law is good thing for the time being (habang may COVID-19)

“Sa nakita ko kasi bilang kapitana, maraming Pinoy ang kulang sa disiplina.

“I even made a vlog about sa mga ginagawa ko bilang kapitana and nagpu-post ako lagi sa Facebook page ko.

“Sa panahon ngayon, makikita mo na may mga taong hindi sumusunod sa enhanced community quarantine (ECQ).

"Sila pa ang galit kapag sinita at hinuli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay ng mga halimbawa si Angelika sa kawalan ng disiplina ng ilang Pinoy.

"Binigyan mo na ng relief goods, sasabihin wala silang natanggap.

“May mga tao naman na wala daw pambili ng food, galit na galit, tapos mahuhuli ng #teamcurfew na nasa inuman (may pambili ng alak)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Angelika, “Nakakatakot na dumami pa ang bilang ng mga taong positive sa COVID-19.”

Sa kanilang barangay, palagi raw rumuronda ang kanilang mga barangay tanod at militar upang mahuli ang mga pasaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT GIVING UP

Aminado si Angelika na na-pressure siya noong unang inanunsiyo ng gobyerno ang pagkakaroon ng enhanced community quarantine bago ang March 15.

Saad niya, “Na-pressure ako nung unang mag-announce ng ECQ, kasi ang tao, siyempre gusto ura-urada, relief goods.

“E, siyempre kailangan na ma-approve muna budget kung saan kukunin, and how much ang puwede para makabili ng bigas.

“18,000 thousand families sa barangay ko so hindi agad-agad.

“Pero hindi ko inisip mag-give up, gusto ko magampanan nang maayos ang tungkulin ko kahit mahirap.”

Sa ngayon, may tatlong COVID-19 positive patients na raw sa Barangay Longos.

Para sa kaligtasan ng mga ito, hindi maaaring ipagsabi kung saan sila nakalagak na ospital o quarantine area.

Mensahe pa niya sa kanyang mga kabarangay, “Sana po habaan nila ang pang-uunawa at sumunod po tayo sa ECQ rules para sa ikabubuti ng lahat.

“At kung may kailangan sila pwede nila akong lapitan anytime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabor din daw si Angelika sa extension ng lockdown.

MARTIAL LAW IN THE PHILIPPINES

Sa kasaysayan ng Pilipinas, limang beses nang naideklara ang martial law o batas militar.

Una, noong 1898, nang magdeklara ng dictatorial government si President Emilio Aguinaldo.

Tumagal lamang ito ng isang buwan—mula May 24, 1898 hanggang June 23, 1898.

Pangalawa, noong 1944, idineklara ni Pangulong Jose P. Laurel ang martial law sa bisa ng Proclamation No. 29. Ito ay bunsod ng pagsakop ng bansang Japan sa Pilipinas.

Tumagal ito mula September 23, 1944 hanggang August 17, 1945.

Pangatlo, noong 1972, nagdeklara ng martial law si Pangulong Ferdinand Marcos sa bisa ng Proclamation No. 1081.

Tumagal ito ng halos siyam na taon—mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.

Ang martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos ang pinakamatagal at pinakamakasaysayan dahil sa mga hinuli at ipinakulong na pinaniniwalaang kalaban ng gobyerno.

Marami rin ang napaulat at napatunayang kaso ng human rights abuses noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-apat, noong 2009, nang magdeklara si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng martial law sa Maguindanao sa bisa ng Proclamation No. 1959.

Tumagal lamang ito ng dalawang linggo—mula December 5, 2009 hanggang December 13, 2009.

Panglima, noong 2017, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao sa bisa ng Proclamation No. 216.

Umiral ito mula May 23, 2017 hanggang December 31, 2019.

Sa martial law, ang buong bansa o isang lugar ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Armed Forces of the Philippines, kung saan ang Presidente ang commander-in-chief.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz on her duty as a barangay frontliner during COVID-19 pandemic: "Hindi ko inisip mag-give up, gusto ko magampanan nang maayos ang tungkulin ko kahit mahirap.”
PHOTO/S: Courtesy: Angelika dela Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results