Ipinagdiwang ni James Aquino Yap Jr.—mas kilala sa palayaw na Bimby—ang kanyang ika-13 kaarawan kahapon, April 19.
Sa private resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera, ang Sunset at Aninuan Beach Resort, nag-celebrate ng kaarawan ang nagbibinatang anak ng estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap.
Sa Puerto Galera na kasi naabutan ng Luzon-wide enhanced community quarantine sina Kris at Bimby, kasama ang isa pang anak ng actress-TV host na si Joshua.
Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinahagi ni Kris ang birthday message niya para kay Bimby:
“My bunso is no longer my baby, he’s now officially a TEENAGER.
“HAPPY 13th birthday, Bimb... THANK YOU to God, Our Father- He makes it possible for the 3 of us to LOVE each other unconditionally, trying to do so with humor & laughter, regardless of the trials & tears i wish i could have shielded my 2 from... we understand, appreciate & support our small family unit... and we remain grateful for blessings big & small.
"i haven’t posted much recently- but i had to share a video of Bimb on his birthday w/ all of you...
"And this was my chance to say i always try my best to be a good mom, BUT apart from my mom, nobody has ever loved & believed in me, in my imperfect totality the way my bunso does...
"My 2 sons are living proof- i continue to be blessed far more than a person deserves to be.”
Ipinaghanda raw ni Kris ang anak ng baked spaghetti, barbecue, gelato, cold cuts platter, carrot cake mula sa resort, at marami pang iba.
Sa comments section ay binati rin si Bimby ng celebrities gaya nina Iza Calzado, Gideon Peña, Mariel Padilla, Miles Ocampo, Vina Morales, Bang Pineda, Fonziru, at JC Buendia.

JAMES YAP: “I LOVE YOU SON!”
Sa pamamagitan rin ng Instagram, binati ni James ang anak nila ni Kris sa kaarawan nito.
Mensahe ng PBA player para sa anak: “Happy Happy 13th Birthday Bimb!
"May God continue to bless you with many more years of health and life..
"I love you son!”
Kalakip nito ang tatlong lumang larawan nila ni Bimby.


Sa comments section, may isang kaibigan si James ang nagbiro na nami-miss na siguro ng basketbolista ang anak.
Pero sabi rin nito, darating ang araw na hahanapin din si James ng anak kahit walang permiso ng ina nitong si Kris.
Komento ng netizen: “mingaw na ka Bai? (Miss mo pare, ano?) Don’t worry someday hahanapin ka nyan even without his mom’s permission. Believe me.”
Tugon dito ni James: “unta Bai puhon (sana Pare balang araw)”

Lagpas tatlong taon na nang huling makapiling ni James ang anak nila ni Kris.
Sa huling panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 2017, inamin ng basketbolista na walong buwan na niya noong hindi nakikita ang anak.
Ayon pa kay James, hindi raw nasusunod ang visitation rights na iginawad ng korte sa kanya upang makasama ang anak.
Noong panahong iyon, ramdam daw ni James na ayaw ni Bimby sa kanya, kaya ayaw niyang ipagpilitan ang sarili.
Ilang araw makalipas ang panayam ng PEP.ph kay James, inalmahan ni Kris ang mga pahayag ng dating asawa.
Ayon kay Kris, ayaw niyang magamit ang kanilang anak sa publicity ng kabubukas lamang noong restaurant ni James kasama ang ilang kaibigan.
Saad niya, “There comes a point when being QUIET just doesn't cut it anymore.
“I tried my best to be PROPER, to maintain dignified silence for the sake of PEACE- but when the other party is again playing the sympathy card, the mother in me just has to say ENOUGH IS ENOUGH...”
May dalawa nang anak si James sa present partner nitong si Michela Cazzola.
Habang si Kris ay nananatiling single, at masaya na sa piling ng dalawang anak.
