Isa si Coney Reyes sa nagpaabot ng birthday wishes para kay Angela Luz ngayong Martes, April 14.
Alam ng publiko na parehong may anak sina Coney at Angela sa comedian-TV host na si Vic Sotto.
Nagkarelasyon sina Coney at Vic nang maging co-hosts sila sa noontime show na Eat Bulaga.
Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak, si Vico Sotto, na ngayon ay 30 na at mayor ng Pasig City.
Si Angela, na dating model-actress, ay naging nobya rin noon ni Vic.
Anak nila ni Vic si Paulina Sotto, 28.
Sa kabila ng history nina Coney at Angela kay Vic, nalampasan nila ang nakaraan at tila matagal nang maayos ang kanilang relasyon sa isa't isa.
Si Coney ang nagpaabot ng birthday message kay Angela sa pamamagitan ng Instagram post ni Paulina.
Mensahe ni Coney: "Please extend my birthday greetings to your Mom...
"Happy Birthday, Angela!
"God bless you with the desires of your heart."
Naglagay rin si Coney ng flower emojis sa kanyang birthday greeting kay Angela.

SIBLINGS LOVE
Pati mga anak nina Coney at Angela na sina Vico at Paulina ay lumaking close sa isa't isa.
Noong June 2019, naging "guest" pa si Vico sa vlog ni Paulina at ng asawa nitong si Jed Llanes.
Ikinuwento roon ni Vico na tandang-tanda niya kung paano unang ipinakilala sa kanya ang kapatid na si Paulina.
Nasa bahay raw sila noon ni Vic.
"Papa talked to me outside of the room. You were in the den of his house.
"And then he told me, 'I'm going to introduce you to your little sister.' I said, 'Okay.'"
Seryosong nagkukuwento si Vico, habang matamang nakikinig sina Paulina at Jed.
Ani Vico, nagulat daw siya pagbalik ng sala ng bahay ng ama.
Patuloy ni Vico, na seryoso pa rin ang tono, "I went in the room and there's this little siopao on the couch.
"Sabi ko, 'Papa, I thought you're going to introduce me to my little sister? Why is there a siopao? There should be a human.'
"I was very confused."
Tawang-tawang hirit ni Paulina, "You were so mean!"
Dati nang sinabi ni Paulina na likas na mapagbiro ang kapatid na si Vico.
Ayon naman kay Vico, ang totoo ay positibo ang first impression niya sa kapatid na si Paulina.
Nakaupo nga raw si Paulina sa big sofa sa sala.
"Hindi... Seryoso, you were sitting there. Papa said, 'Paulina, it's your kuya.'
"And then we were just looking each at each other. I was standing, you were sitting.
"You were so cute. I still remember."
Singit ni Paulina, "Bakit 'were'?"
Paglilinaw naman ni Vico, "Well, you still look like a baby now, so you're still cute."
Dagdag ng binata, "You were just sitting down there, like, blinking.
"And then I think I sat beside you. That's how we met."
Sa pagkakatanda naman daw ni Paulina ay three years old siya noon, at five years old naman si Vico.

UNCONVENTIAL BUT HAPPY FAMILY
Tila patunay na maayos ang pakikitungo nina Coney at Angela sa isa't isa ay ang pagsuporta nila sa pagiging malapit nina Vico at Paulina.
Ayon kina Vico at Paulina, madalas silang mag-bonding kapag weekend.
Naaalala raw ni Paulina na madalas silang manood ng pelikula sa sala ng bahay nina Vico.
Mahilig din daw silang maglaro ng PlayStation One, isang gaming console na may video games.
Naglaro rin daw ang magkapatid ng Dance Revolution nang mauso ito, kahit na ayaw iyon ni Vico.
Ani Vico, "I really hated it. But you wanted to play it.
"Do I look like I know how to dance? Haha."
Malapit sina Vico at Paulina sa ama nilang si Vic, pati na sa half siblings nilang sina Danica at Oyo Sotto.
Sina Danica at Oyo ay anak ni Vic sa unang asawa nitong si Dina Bonnevie.
Ngayong birthday ni Angela, bumati rin sa kanya si Danica.
Comment ni Danica sa Instagram, kalakip ng isang heart emoji, "Happy Bday Tita @angeleyes7889."
Patuloy ang magandang samahan ng lahat ng mga anak ni Vic, kahit nang magpakasal muli ang comedian-TV host kay Pauleen Luna.
Sina Pauleen at Vic ay may isang anak—ang two-year-old pa lang na si Tali.
Sa interbyu ng YES! Magazine kay Vic ilang taon na ang nakakaraan, sinabi nitong mahalaga sa kanya ang nagkakakilala at nagkakasundo ang kanyang mga anak.
Importante rin daw na kinokunsulta niya sila sa malalaking desisyon sa kanyang buhay.
Kaya nga raw, nang handa na siyang magpakasal kay Pauleen, pinulong niya lahat sila. Sa family powwow, hiningi raw niya ang blessing ng mga anak sa gagawin niyang malaking hakbang.
Ibinigay naman ito ng mga anak.

