Pilit pa ring hinahanapan ng butas si Gab Valenciano, anak ng tanyag na singer na si Gary V, ng mga pro-Duterte netizens na walang masabi kay Gary mismo, lalo na't ipinagdasal ng singer si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nag-tweet si Gary matapos ang address to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, April 6.
Alam daw ni Mr. Pure Energy na samu’t saring opinyon na naman ang ibabahagi ng netizens sa social media matapos ng talumpati ng Pangulo, katulad nung mga nauna nitong address to the nation.
Kaya mas pipiliin daw niyang ipagdasal na lamang itong gabayan ng Diyos sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Mensahe ni Gary sa Twitter: “To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer.
"God bless you sir...God bless us all [praying hands, Philippine flag, praying hands emojis]”
SADDENED BY NETIZENS' COMMENTS
Sa kabila ng pag-aalay niya ng dasal para sa Pangulo, may mga pro-Duterte pa ring nagkomento na tila puno ng poot.
Isang netizen, na mukhang taga-Davao, ang nagkomento tungkol sa mga taga-Luzon na labis na apektado ng extension ng enhanced community quarantine.
Komento ng netizen: “Ok lang!! din naman!!! wala naman problema babawiin namin presidente namin tapos!!!
"sa inyu na yan luzon!! paki namin dyan!!! bxta yung taga luzon wag na wag aapak sa davao!!! yun lang!!!”
Mahinahon namang tugon ni Gary: “So much hatred in your heart... how sad. I know you are better than this”

Isa namang pro-Duterte ang ayaw paawat at gumawa ng sariling "translation" ng tweet ni Gary para sa Pangulo.
“translation: di ko na lang papansinin ang mga sinabi mo, pagpepray na lang kita. hahahaha! or translation: alam ko namang hopeless case ka na kaya pagpepray na lang kita.”
Sinuklian ito ni Gary ng isa pang panalangin.
Saad niya, “You’re included in my prayers this morning.
"I really hope you stay safe and protected [from] this virus...you and your entire family.
"Ingat k? God bless you”

GAB'S "STEP DOWN" TWEET
Pinagdidiskitahan pa rin ng netizens si Gab Valenciano, ang pangalawa sa tatlong anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.
Ang dalawa pang anak nila ay sina Paolo at Kiana Valenciano.
Sa tweet ni Gary tungkol kay Pangulong Duterte, nagkomento ang isa namang anti-Duterte na sana raw ay pareho sila ng mindset ng co-artists niya sa ABS-CBN at pati ng anak niyang si Gab.
Ang tinutukoy dito ng netizen ay ang mga celebrity na nagpahayag ng opinyon laban sa Pangulo.
Noong March 26 ay ito ang mensahe ni Gab sa Twitter:
“There’s corruption, then there’s pure idiocy.
“It’s one thing to steal our money, another to put your own people at risk.
“Disappointment isn’t the word. Disgust would be more appropriate.
“Step down, sir. Or we will do it for you.”
Inakala ng mga tagasuporta ni Duterte na ang Pangulo ang pinatutungkulan dito ni Gab.
Lumutang kasing muli ang tweet ni Gab pagkatapos ng speech ni Duterte noong April 1.
Ipinaliwanag naman ni Gab sa kanyang mahabang statement, noong April 3, na ang pinatutungkulan ng kanyang tweet ay si Senator Koko Pimentel, hindi ang Pangulo.
May kinalaman ito sa paggagala pa rin ng senador kahit na Person Under Investigation (PUI) na ito para sa COVID-19.
Ganunpaman, kinuyog pa rin ng mga pro-Duterte si Gab.
“HE WAS MISUNDERSTOOD.”
Ang inang si Angeli ang sumagot sa netizen na nagkomento sa tweet ni Gary.
Nilinaw rin niyang ang tinutukoy ni Gab sa kanyang "step down" tweet ay ang "COVID positive senator."
Tugon ni Angeli: “Gab was referring to the COVID positive senator who went to the delivery room area and exposed the frontliners and other patients.”

Isa pang netizen ang nagtanong kay Gary kung nagkaroon ba ng "realizations" si Gab sa bagong talumpati ng Pangulo.
Si Angeli muli ang sumagot sa tanong na ito.
Diin ng ina ni Gab: “He was misunderstood. Read his tweet again.
"Just like millions of Filipinos, he was angry at the COVID positive senator who exposed others to infection by going to a hospital delivery room.
"I didn’t agree with his style but he had the right to be angry at the act."

Isa namang pro-Duterte netizen ang nagbigay ng unsolicited advice kay Gary: I-guide daw nito si Gab.
Dagdag pa ng netizen: "i hate to see how he destroy your image everytime you are spreading words of God through your music. God bless you always idol!”
Sagot muli ni Angeli: “to clarify, Gab was angered just like millions of Filipinos by the first interview of a COVID positive senator who exposed frontliners and patients to infection.”

Susog ng isa pang netizen (published as is): “we all do respect sir. sana pag sabihan mo din anak mo..”
Muling inulit ni Angeli na ang pinatutungkulan ni Gab ay si Senator Pimentel.

Nahaharap ngayon si Senator Pimentel sa reklamong may kaugnayan sa Republic Act 11332, o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events sa Department of Justice.
Maraming maiinit ang ulo sa internet. Minsan, hindi lang maiinit, makikitid pa. Mabuti na rin lang na matiyang magpaliwanag ang mag-asawang Gary V at Angeli.
