PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli get "love conquers all" messages from actor's relatives

Sarah Geronimo gets all-out support from Matteo Guidicelli's family: "welcome to the family, sars!!!"
by Rachelle Siazon
Published Feb 27, 2020
Sarah Geronimo, mainit na tinanggap ng pamilya at mga kaanak ni Matteo Guidicelli. Throwback pictures noong December 2018 o ilang buwan mula nang lihim na nag-propose si Matteo kay Sarah, kumalat sa social media.
PHOTO/S: Arden Fernan via @isgfan Instagram

"Love conquers all."

Ito ang masayang pagbati ng mga kaanak ni Matteo Guidicelli sa pagpapakasal ng aktor at ng longtime girlfriend nitong si Sarah Geronimo.

Ginanap ang lihim na Christian wedding ceremony nina Sarah at Matteo noong February 20, 2020 sa Victory Church sa BGC, Taguig City.

Saksi ang pamilya ni Matteo sa hirap na pinagdaanan ng aktor at ni Sarah sa loob ng anim na taong relasyon ng mga ito.

Noon ay disimulado pa ang usap-usapan sa showbiz circles na tutol sa magkasintahan ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o kilala sa showbiz bilang Mommy Divine.

Pero ngayon ay naisiwalat ito dala ng napabalitang pag-eeskandalo ni Mommy Divine sa wedding reception nina Sarah at Matteo noong gabi ng February 20.

Lumabas na ayaw talaga ni Mommy Divine na makasal sina Sarah at Matteo.

Mismong relationship counselor ng couple na si Letty Fuentes ang nagkumpirma nito, sa panayam ng TV Patrol, noong February 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saksi si Fuentes sa komosyong naganap nang malaman umano ni Mommy Divine na kasal na si Sarah kay Matteo.

Umabot daw sa puntong natulak, natumba, at gumulong si Sarah nang pigilan niya ang ina na nais umanong sampalin si Matteo.

Hindi nabanggit kung bakit tutol si Mommy Divine kay Matteo.

SARAH WARMLY WELCOMED BY MATTEO'S FAMILY

Taliwas ito sa suporta na ipinararamdam ng mga kapamilya ni Matteo kay Sarah.

Kumalat sa social media ang throwback photos nang magbakasyon si Sarah sa Cebu kasama ng pamilya roon ng aktor, noong December 2018.

Kuha iyon ilang buwan matapos ang lihim na engagement nina Sarah at Matteo.

Pero base sa mga litrato ay ipinaalam noon ng couple sa mga kaanak ni Matteo ang tungkol sa kanilang engagement.

May kuha pa si Sarah na masayang ipinakita ang suot na engagement ring sa kaliwang kamay nito.

Kasama sa picture ang lola, ina, at dalawang kapatid ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naroon din ang pinsan ni Matteo na si Arden Fernan, na nagbahagi ng mga litratong kuha sa kanilang salu-salo noong December 2018.

Caption ni Arden: "love conquers all...matts,...FINALLY!!! [crying emojis] love you guys...welcome to the family, sars!!!"

May ilan pang litrato noon sina Sarah at Matteo na naglalambingan sa harap ng Christmas tree.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mayroon ding kuha nang aktong hahalikan ni Matteo si Sarah sa pisngi.

"With love, the impossible becomes possible."

Noong Sabado, February 22, ang isa pang pinsan ni Matteo na si Mia ay naghayag din ng masayang mensahe para sa newlywed couple.

"MR & MRS GUIDICELLI," saad ni Mia.

Kalakip nito ang pictures nina Sarah at Matteo nang mag-abay ang mga ito sa kasal ng kapatid ng aktor noong December 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang picture, makikitang magkatabi sa sofa sina Sarah at Matteo at sa gawing kanan ay nakaupo naman si Mia at asawa nito.

Sabi pa ni Mia, "With love, the impossible becomes possible. Love truly endures all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala raw si Mia na magiging masaya ang pagsasama nina Sarah at Matteo.

"Finally, the day has come, God has blessed you with Sarah, together you will be stronger to create a life you both deserve, and that is a life filled with endless LOVE."



HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo, mainit na tinanggap ng pamilya at mga kaanak ni Matteo Guidicelli. Throwback pictures noong December 2018 o ilang buwan mula nang lihim na nag-propose si Matteo kay Sarah, kumalat sa social media.
PHOTO/S: Arden Fernan via @isgfan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results