“Graduate” na si Julia Barretto sa pagkakaroon ng love team.
At dahil dito, mas nakakapag-explore na raw siya ngayon bilang isang aktres.
Tatlong taong loveteam partner ni Julia, 22, ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia, 22.
Sumikat ang kanilang tambalan bilang JoshLia, na napanood sa magkakasunod na pelikulang Vince and Kath and James (2016), Love You To The Stars And Back (2017), Unexpectedly Yours (2017), at I Love You, Hater (2018).
Nagbida rin sina Julia at Joshua sa ABS-CBN teleseryeng Ngayon at Kailanman noong 2018.
April 2019 nang inamin ng magka-love team ang noon ay dalawang taon na nilang relasyon.

Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay naghiwalay sila.
Pagsapit ng July, nadawit si Julia sa controversial breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Kapwa itinanggi nina Gerald at Julia na may kinalaman ang huli sa hiwalayan.
Ipinagtanggol naman ni Joshua si Julia sa bashers nito.
Magkarelasyon pa sina Julia at Joshua nang gawin nila ang pelikulang Block Z, na ipinalabas sa mga sinehan nitong January 2020.
Pero sa kasagsagan ng promotion ng Block Z, nag-viral ang video ng umano’y hindi pagpapansinan ng dating magkasintahan sa backstage ng isang event.
Sa kabila nito, kapwa iginiit nina Julia at Joshua na maayos ang kanilang hiwalayan, at nanatili silang magkaibigan.
“I CAN NOW TAKE ROLES FEARLESSLY”
Sa mediacon ng bagong serye ni Julia na I Am U nitong Miyerkules, February 19, ilang beses binanggit ng aktres na ayaw na niyang matali sa isang permanenteng love team.
Si Tony Labrusca, 24, ang katambal ni Julia sa I Am U, na ipalalabas sa streaming application na iWant simula sa February 26.

Paliwanag ni Julia, “At this point, feeling ko I’m just very, very really grateful that I’ve been trusted with projects that are not the usual that I’ve done before.
“I’m glad na nakakapaglaro na ako, na I’m free to do some scenes and some roles that take more risks.
“That I can now take roles fearlessly.
“That now I can be the actress that I’ve always wanted to be.”
JULIA SAYS NO TO PERMANENT LOVETEAM PARTNER
Tinukoy ang dating love team nila ni Joshua, sinabi ni Julia: “Siguro graduate na ako dun. Graduate na ako sa being permanente na love team.
“I’ve been blessed to have experienced that, don’t get me wrong.
"But I have really graduated from that phase in my career."
Nilinaw naman ng Kapamilya young actress na maaari pa rin siyang gumawa ng “kilig” projects, pero mas gusto niyang subukan ito sa mga romance-drama, o iyong may classic love stories.
Patuloy ni Julia, “I still enjoy doing rom-coms, and hopefully I can still do romance-drama, parang more classic love story naman, and edgier roles siguro.”
RESPECT FOR JOSHUA
Tinanong si Julia kung tuluyan na ba niyang na-"outgrown" si Joshua bilang dating ka-love team.
Sinabi ng aktres na nirerespeto niya ang tinatahak na career ngayon ng dating reel-and-real life partner.
Si Janella Salvador ang madalas makapareha ni Joshua sa kasalukuyan.
Binansagan silang JoshNella makaraang pumatok ang tambalan nila sa katatapos lang na Kapamilya teleserye, ang The Killer Bride.
Nagkataon namang malapit na magkaibigan sina Julia at Janella.
Sagot ni Julia: “Yung choice ni Joshua to stay to still be in that path—in a loveteam phase—I respect that.
“Ako kasi, I think I’ve graduated from that phase.
“And I’m very happy to be in a phase in my career na mas mature na yung mga nagagawa ko.
“Marami na po akong nakakatrabaho, so mas free na po ako sa pagpipili ng projects.
“Hindi na ako nasa isang box na lang.
“I can now explore as an actress, try different genres and be able to work with different leading men, different kind of materials, different directors.”
Pinatunayan ito ni Julia sa kakaibang gagampanan niya sa I Am U, kung saan may doppelganger ang karakter niya.
Sa unang pagkakataon, may daring scenes din si Julia sa psycho-thriller series na ito, kasama si Tony.
Sa mediacon, inihayag din nina Julia at Tony na muli silang magtatambal sa isa namang teleserye ng ABS-CBN.
WORKING AGAIN WITH JOSHUA
Kaugnay nito, sinabi ng aktres na handa naman siyang makatrabahong muli si Joshua—pero hindi muna raw sa ngayon.
“That’s still in the far future pa, because I’m still working on Julia as an individual and Julia as the actress,” sabi ni Julia.
