PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos thanks Kapamilya, Kapuso, Kapatid colleagues for supporting ABS-CBN in franchise issue

Judy Ann Santos thanks her showbiz colleagues for showing support for ABS-CBN.
by James Patrick Anarcon
Published Feb 15, 2020
Judy Ann Santos thanks her showbiz colleagues from all local TV networks who stand united in supporting ABS-CBN in franchise-renewal issue.
PHOTO/S: Noel Orsal / @officialjuday on Instagram

Pinasalamatan ni Judy Ann Santos ang pagpapakita ng suporta ng kanyang mga kasamahan sa industriya sa kabila ng isyung kinakaharap ng kanyang home network, ang ABS-CBN.

Kasalukuyang nasa alanganin ngayon ang renewal ng prangkisa ng Kapamilya network.

Noong Lunes, February 10, naghain ng quo warranto petition si Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa Korte Suprema.

Laman ng petition na isinampa mismo ni SolGen Calida ang mga paglabag diumano ng network sa probisyon ng kanilang prangkisa kaya dapat daw itong i-revoke ng Korte Suprema.

Itinanggi naman ng ABS-CBN ang mga paratang ng mga abugado ng gobyerno.

Maliban dito, hindi pa rin dinidinig sa Kongreso ang mga panukalang batas na magpapalawig ng prangkisa ng giant network sa susunod sanang 25 taon.

Vocal din ang pinakamataas na opisyal ng bansa, si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagsasabing haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN, na mag-e-expire na sa March 30, 2020.

Kahapon, February 14, ay nag-post si Judy Ann ng isang litrato ng puso na naglalaman ng kulay ng ABS-CBN logo: red, green, at blue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa kanyang Instagram post ang litrato ng mga taong nakiisa sa rally na ginanap sa ABS-CBN compound para ipaglaban ang franchise renewal ng network.

Sa caption naman ay pinasalamatan ni Judy Ann ang lahat ng nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN, kasama na ang mga Kapuso ng GMA-7 at Kapatid ng TV5.

Saad ni Judy Ann (published as is): "Love unites... maraming salamat mga kapamilya, kapatid, kapuso at kasamahan sa industriya.. sa suportaat pakikipag kaisa sa minamahal naming bahay..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Judy Ann ay talent ng ABS-CBN simula 1992, nang magbida siya sa panghapong teleseryeng Mara Clara, na tumagal hanggang 1997.

Pagkatapos nito ay nagbida siya sa prime-time series na Esperanza na tumagal mula 1997 hanggang 1999. Ang kasikatan ng Esperanza ang nagluklok kay Judy Ann bilang isa sa mga prinsesa ng Kapamilya network pagdating sa paggawa ng teleserye.

Bukod sa maraming teleseryeng kanyang pinagbidahan, marami ring ginawang pelikula si Judy Ann sa bakuran ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Noong 2010 ay opisyal na tinawag ng ABS-CBN si Judy Ann bilang Queen of Pinoy Soap Opera.

Ang huling programang ginawa ni Judy Ann ay ang prime-time series na Starla, na umere mula Oktubre 2019 hanggang January 2020.

Samantala, isa si Judy Ann sa mga Kapamilya stars na nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN sa kabila ng isyung kinakaharap nito ngayon.

Ilan pa sa mga Kapamilya stars na nag-post tungkol sa ABS-CBN ay sina Piolo Pascual, Angel Locsin, Anne Curtis, Vice Ganda, Coco Martin, Lea Salonga, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Bea Alonzo, Kim Chiu, Angelica Panganiban, Liza Soberano, at Enchong Dee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang artista rin mula sa rival network na GMA-7 ang napahayag ng suporta sa ABS-CBN, kabilang na sina Dingdong Dantes, Aiko Melendez, Eugene Domingo, at Atom Araullo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos thanks her showbiz colleagues from all local TV networks who stand united in supporting ABS-CBN in franchise-renewal issue.
PHOTO/S: Noel Orsal / @officialjuday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results