PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA News anchors wear ABS-CBN colors in 24 Oras: coincidence or show of solidarity?

Did 24 Oras anchors intentionally wear ABS-CBN colors on live broadcast?
by Erwin Santiago
Published Feb 12, 2020
Sinadya o nagkataon lang? Ito ang katanungan ng marami matapos mapanood ang suot ng GMA News anchors na sina Pia Arcangel, Vicky Morales, at Atom Araullo sa 24 Oras kagabi, February 11. Ang mga kulay kasi ng kanilang suot ay siya ring mga kulay ng ABS-CBN logo.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

Hindi nakalampas sa mapanuring mata ng ilang manonood ang suot ng GMA news anchors na sina Vicky Morales, Pia Arcangel, at Atom Araullo sa live broadcast ng 24 Oras, ang primetime news program ng Kapuso channel, nitong Martes, February 11.

Si Vicki ay naka-boatneck shift dress na kulay green.

Si Pia ay naka-A-line dress na kulay red, at nahahaluan ng kulay blue sa bandang itaas.

Habang si Atom ay naka-classic suit na kulay blue.

Isang netizen ang nag-post sa social media ng screenshot ng tatlong GMA News anchors na magkakatabi, at pinansin ang mga kulay ng suot nila.

Ang green, red, at blue ay nagkataon kasing mga kulay ng logo ng rival network ng GMA-7, ang ABS-CBN.

Tanong ng netizen: "Did... did the 24 Oras reporters really wear ABS-CBN’s theme colors??? Is this a coincidence??? Is this media solidarity???"

Dagdag pa nito: "My heart is soft."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga sumagot sa tanong ng netizen ay walang iba kundi ang international singer at Kapamilya star na si Lea Salonga.

Sagot ng The Voice Teens coach: "Looks like solidarity to me!"

Ang tri-ban circles sa logo ng ABS-CBN ay sumisimbolo sa tatlong pagkakahati ng Pilipinas: red para sa Luzon, green para sa Visayas, at blue para sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Laman ng mga balita ngayon, maging sa 24 Oras, ang kinahaharap na isyu ng ABS-CBN kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng prangkisa nito sa March 30, 2020.

Hanggang sa kasalukuyan, o mahigit isang buwan na lamang, ay hindi pa dinidinig sa Kongreso ang bills na naglalayong mag-renew ng franchise ng Kapamilya network sa susunod na 25 taon.

Dagdag pa rito ang quo warranto petition na inihain mismo ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court noong Lunes, February 10, upang kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ilang beses na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte mismo na haharangin niya ang anumang panukalang magpapalawig ng prangkisa ng giant network.

Bunsod ito ng alegasyon ng Pangulo na ginantso siya ng ABS-CBN dahil sa hindi nito pag-eere ng kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections, kahit bayad na ito.

Sa kabila nito, nagpakita ng suporta ang Kapamilya stars at mga empleyado sa kanilang home network, kasabay ng panawagang aprubahan na ng mga kinauukulan ang panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang paghahayag ng suporta ng ilang Kapuso stars—at posibleng ang GMA Network mismo—ay malinaw na indikasyong nagkakaisa ang mga taga-industriya ng telebisyon.

Indikasyon din itong handang umagapay ang isang importanteng network sa kaniyang mahigpit na kalaban sa gitna ng pagbabanta sa malayang pagpapahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinadya o nagkataon lang? Ito ang katanungan ng marami matapos mapanood ang suot ng GMA News anchors na sina Pia Arcangel, Vicky Morales, at Atom Araullo sa 24 Oras kagabi, February 11. Ang mga kulay kasi ng kanilang suot ay siya ring mga kulay ng ABS-CBN logo.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results