Umani ng papuri mula sa ilang netizens at personalidad ang naging aksiyon ng ABS-CBN reporter na si Mike Navallo sa harap ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court kahapon, February 10.
Naghain ng quo warranto petition si Calida upang mapawalang-bisa ang franchise to broadcast ng Kapamilya network.
Mahigpit namang itinanggi ng ABS-CBN Corporation ang mga paratang ni Calida.
Matapos maisampa ang quo warranto petition, kinuyog ng reporters si Calida upang mahingan ng pahayag ukol sa reklamong isinampa ng kanyang opisina, ang Office of the Solicitor General (OSG), laban sa ABS-CBN.
Dito nakaharap ni Mike ang solicitor general.
Sa isang punto ng kanilang palitan ng tanong at sagot, sinabi ni Calida na palagi siyang tinitira ni Mike.
Hinamon pa nito ang ABS-CBN News reporter na mag-practice na lamang ito ng law law dahil gusto niya itong makasagutan sa korte.
Ito ang bahagi ng usapan nila na nakuhaan ng video ng media personalities na nasa Korte Suprema:
Calida: "Lagi mo ako binabanatan, ha. Abogado ka rin pala, e."
Navallo: "Sir, I'm just doing my job, Sir. It's part of the story."
Pinayuhan pa ni Calida si Navallo na itigil na nito ang pagiging news reporter at magpokus na lang sa pagiging abogado.
CELEBRITIES LAUD NAVALLO
Sa Twitter, pinuri nina Jim Paredes at Agot Isidro ang pagiging propesyunal ni Mike sa kabila ng di kumportableng sitwasyon.
Sabi ni Jim sa kanyang tweet: “Keep doing your job, Mike. We appreciate it.”
Nagpasalamat naman si Mike kay Jim.
Sa kanyang parte, nagkomento si Agot sa isang post ni Mike tungkol sa pagsuporta niya sa ABS-CBN.
Mensahe ni Agot: “Respect, Sir.”
Ayon naman sa head ng ABS-CBN News and Current Affairs na si Ging Reyes, “Kudos@mikenavallofor your professionalism. #standwithabscbn”
Pinakamatindi naman ang tweet ng dating Supreme Court spokesperson at abugadong si Atty. Theodore Te: “@mikenavallo, known to us at UP Law then as Jobert Navallo (UP Law '09), is a better lawyer than he is a reporter and he is one of the best reporters I know.”
Nagpasalamat naman si Mike sa kanila, pati na sa maraming netizens na pumuri sa kanya.
