PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Boy Abunda express support for ABS-CBN

Kapamilya stars rally behind ABS-CBN amid quo warranto petition.
by Arniel C. Serato
Published Feb 11, 2020
Kapamilya stars (L-R) Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, and Boy Abunda speak up on ABS-CBN franchise renewal issue.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @annecurtissmith on Instagram / Noel Orsal

Buhos pa rin ang mensahe ng suporta ng ilang Kapamilya stars sa ABS-CBN sa gitna ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) kahapon, February 10.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts, ibinahagi nina Vice Ganda, Kim Chiu, at Anne Curtis ang saloobin nila tungkol sa naging hakbang ng mga abugado ng gobyerno laban sa broadcast giant.

VICE GANDA

Pahayag ni Vice sa kanyang official Facebook account: “Ikalulungkot ng higit na nakararaming Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo kung isasara ang ABS-CBN. #NoToABSCBNShutDown.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM CHIU

Sinegundahan naman ito ni Kim sa kanyang Instagram.

Saad ng Love Thy Woman actress: "Ilan taon nang nagbibigay Saya, Ligaya, Inspiration, Tulong, Malasakit, Pagmamahal, kaalaman at maraming pang iba saan ka man sa mundo #InTheServiceOfTheFilipino (three hearts emoji)"

ANNE CURTIS

Si Anne, na kasalukuyang nasa Australia at malapit nang manganak, ay ibinahagi sa kanyang Instagram Stories ang official statement ng ABS-CBN ukol sa reklamong kinahaharap ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang ibinahagi ni Anne sa kanyang IG Stories ang slogan ng ABS-CBN na "In the service of the Filipino."

Nilagyan din ito ni Anne ng three hearts emojis at caption na "Always."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BOY ABUNDA: "ILALABAN PO NATIN ITO NG MAAYOS."

Emosyunal naman ang King of Talk na si Boy Abunda sa mga kaganapang ito.

Sa live episode ng Tonight With Boy Abunda (TWBA) kinagabihan, maluha-luhang nagkuwento si Boy tungkol sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

Pumanaw ang ina ni Boy na si Licerna "Lesing" Romerica Abunda, sa edad na 90, noong December 1, 2019.

Lahad niya, "Noon, pag tinatanong ako ng nanay ko, tuwing napapabalita po ang problema sa prangkisa ng ABS-CBN... I’ve worked here for over 20 years.

“Sinasabi ng Nanay, 'Sana, huwag ipasara ang ABS-CBN kasi kapag wala ka sa bahay, ito ang kasama ko at alam ko na nariyan ka.'

"I know this is not legal, this is not official, this is very personal,

"Para sa aking ina, pag nakikita niya ang ABS-CBN, alam niyang safe ako, nandiyan ako, nagtatrabaho ako at uuwi ako sa kanya.

"Dati, pag tinatanong ako ng nanay, ‘Boy, pag nawala ang ABS-CBN, anong gagawin mo?’ She was so worried.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I know Nanay, you're an angel up there, I just wanted to tell you, wala hong ginagawang masama ang ABS-CBN.

"Ilalaban po natin ito maayos and we will continue to do what is right.

"You know that in your heart, Nanay."

Sa March 30, 2020 na magtatapos ang franchise to broadcast ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin sa kalendaryo ng House Committee on Legislative Franchises ang lampas sampung panukalang batas na naglalayong magbigay ng panibagong prangkisa sa Kapamilya network.

Maliban dito, nagsampa si SolGen Calida ng quo warranto petition sa SC dahil daw sa mga nalabag na probisyon ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa.

Mahigpit naman itong pinabulaanan ng ABS-CBN Corporation.

May mga mambabatas ding umalma sa naging hakbang ng Office of the Solicitor General.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars (L-R) Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, and Boy Abunda speak up on ABS-CBN franchise renewal issue.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @annecurtissmith on Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results