Nagbigay ng reaksiyon ang ilang mambabatas tungkol sa paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Supreme Court ngayong Lunes, February 10, upang ipawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation.
Alegasyon ni Calida, may mga nilabag ang ABS-CBN sa ilang probisyon ng kanilang prangkisa na iginawad ng Kongreso noong March 30, 1995.
Mariin naman itong itinanggi ng istasyon, at sinabing wala silang nagawang violations sa kanilang broadcast franchise.
Sa ulat ng PhilStar.com ngayong araw, sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez—isa rin sa nagpanukala ng ABS-CBN franchise renewal bill sa Kongreso—na ang naging aksiyon ng Office of the Solicitor General (OSG) ay malinaw na “assault to constitutional press freedom and separation of powers of the judiciary and the legislature.”
Ayon naman kay Surigao del Sur at Deputy House Speaker Johnny Pimentel, "alarming" at kuwestiyonable ang naging hakbang ng OSG.
Sabi pa niya, “It is only Congress that has the power to grant or cancel franchises.
"In this case, the OSG has already pre-empted the action to be taken by Congress.
“In effect, OSG is usurping the power of Congress.
"Congress has not even decided whether to renew or cancel the franchise of ABS-CBN, and with this development, this can have an adverse effect during the hearing, if ever we hold hearings on the renewal.”
Para naman kay Agusan del Norte Congressman Lawrence Fortun, baka maging "moot and academic" ang reklamo ni Calida sa darating na mga linggo.
Saad nito, “I hope the committee on legislative franchises does not use this as a justification not to proceed with hearing of the network’s application for renewal.
"This is a sad picture I’m seeing: the committee may not hear the franchise renewal bills saying there’s a pending matter in the Supreme Court related to the validity of ABS-CBN’s current franchise.”
Pahayag naman ni Senator Grace Poe, “The Senate’s jurisdiction over franchises remains despite the existence of the petition.”
Ayon kay Senator Bong Revilla, ang chairman ng committee on public information and mass media, magiging patas ang kanyang komite sa pagtalakay sa franchise renewal bill ng istasyon.
PANELO: "ARTISTS SHOULD PLEAD TO CONGRESS"
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi dapat kay Pangulong Rodrigo Duterte makiusap ang mga artista ng ABS-CBN upang mabigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon.
Wala raw kasing "pakialam" si Pangulong Duterte sa renewal ng franchise ng network, dahil ang Kongreso ang magdedesisyon dito.
Ito ay sa kabila ng makailang beses nang pagbabanta ng Pangulo na hindi niya papayagang mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Sabi ni Panelo sa kanyang regular press briefing kanina: “Mali yung kanilang [ABS-CBN artists] pinakikiusapan.
“Dapat makiusap sila sa Congress na irenew yung lisensya, kasi kay Presidente wala naman siyang pakialam doon.
“Pangalawa, ang hukuman naman ang magde-decide doon [quo warranto], hindi rin siya [Duterte], so palaging outside the kulambo siya doon.
“But I can understand the feelings of people in ABS.”
Hindi nga lang maintindihan ang pilit na sinasabi ng presidential spokesman tungkol sa kawalan ng jurisdiction at power ng Presidente sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Alam naman ng lahat na, sa Kongreso, ang karamihan ng mga representante ay sumasailalim sa impluwensiya, kundi man sa mismong partido, ng Presidente.
At alam naman ng taumbayan na, sa Supreme Court, ang kalakaran ay ang justices ay appointees ng isang Presidente.
Kaugnay nito, ilang kilalang Kapamilya artists ang pumirma sa online petition ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) upang mabigyan muli ng Kongreso ang ABS-CBN ng bagong 25-year franchise.
Kabilang sa mga pumirma sa online petition sina Lea Salonga, Anne Curtis, Vice Ganda, Karla Estrada, at Melai Cantiveros.
REP. LITO ATIENZA PRIVILEGE SPEECH
Ngayong hapon, nag-privilege speech sa Kongreso si Buhay Partylist Congressman Lito Atienza tungkol sa pending franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon sa kanya, dapat nang aksiyunan ng Kongreso ang 11 franchise renewal bills na pending sa House Committee on Legislative Franchises.
Saad niya, “Therefore, at this point in time, we, at Buhay Party-List and the voice of the Filipino people, are all united in asking, demanding in fact, that action be taken up now by the committee on franchises.”
Tinawag din niya ang atensiyon ni Palawan Representative Franz “Chikoy” Alvarez, chairman ng Committee on Legislative Franchises.
Dapat ay umaksiyon na raw ito at kundi ay magbitiw na lamang ito bilang pinuno ng komite.
Sabi ni Atienza, "Are we only going to watch while the court decides on the future of this franchise?
"I urge each and every member of Congress today, we should demand for the committee on franchise to meet on this issue."
Inaalala rin daw ni Atienza ang halos 13,000 libong empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon.
Kaagad nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso pagkatapos ng speech ni Atienza.
Bago ito, nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano noong January 2020 na sa unang linggo ng February ay tatalakayin na ng Kongreso ang lahat ng franchise renewal bills na nakahain sa Kamara.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatalakay.
Hanggang March 30, 2020 na lamang ang legislative franchise ng ABS-CBN.
