PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Solicitor General to ABS-CBN reporter: "Lagi mo ako binabanatan, ha."

Solicitor General questions ABS-CBN reporter amid coverage of ABS-CBN franchise issue.
by Rachelle Siazon
Published Feb 10, 2020
ABS-CBN reporter Mike Navallo (wearing glasses and white top) is all smiles as he persists in getting a response from Solicitor General Jose Calida (in suit and glasses). Calida has refused to answer queries about the complaint he lodged against ABS-CBN earlier today.
PHOTO/S: ABS-CBN News Online

Agaw-eksena ang pagkuwestiyon ni Solicitor General Jose Calida sa isang ABS-CBN News reporter sa gitna ng kontrobersiya sangkot ang franchise renewal ng Kapamilya network.

Si Calida ang personal na naghain ng "very urgent omnibus motion" ng Office of the Solicitor General (OSG) na makansela ang license to broadcast ng ABS-CBN.

Dinala niya ang reklamo sa Supreme Court 49 araw bago mag-March 30, 2020—ang petsa ng expiration ng prangkisa ng ABS-CBN.

Paglabas ni Calida ng tanggapan ng Supreme Court, sinalubong siya ng news reporters, kabilang ang ABS-CBN News reporter na si Mike Navallo.

Humingi si Navallo kay Calida ng kopya ng complaint affidavit ng OSG laban sa ABS-CBN.

"Sir, may we get a copy of the petition? Sir?" tanong ni Navallo kay Calida.

Tinanong ni Calida ang pangalan ng ABS-CBN reporter.

"ABS-CBN, Sir. Mike Navallo, Sir," sagot ni Navallo.

Tila pamilyar naman si Navallo kay Calida.

Ani Calida, "You're a lawyer?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, Sir," sagot ulit ni Navallo.

Tinanong ni Calida kung saan ang probinsiya ni Navallo, at sumagot ang reporter na tiga-Surigao ito.

"A, Surigao. Because I'm also from Mindanao," komento ni Calida, na tubong Davao.

Maagap na tinanong ulit ni Navallo kung maaaring humingi ng kopya ng petition ng OSG na makansela ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sagot ni Calida, "Hindi na, hindi na. I'm late already."

Base ito sa video na inilathala ng ABS-CBN News online ngayong Lunes, February 10.

Hindi rin sinagot ni Calida ang mga tanong ng ibang reporters hinggil sa timing ng paghain ng petition ng OSG.

Umiwas din siyang sagutin kung ano ang mangyayari sakaling mag-expire ang prangkisa ng broadcast giant.

Hinabol pa rin si Calida ng reporters. Kabilang si Navallo sa patuloy na humingi ng comment mula kay Solicitor General Calida.

THE REPORTED CONFRONTATION

Sa puntong ito, huminto sa paglalakad si Solicitor General Calida at saka humarap kay Navallo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Calida, "Lagi mo ako binabanatan, ha. Abogado ka rin pala, e."

Sagot agad ni Navallo, "Sir, I'm just doing my job, Sir. It's part of the story."

Sa huli, tila pinayuhan ni Calida si Navallo na itigil na nito ang pagiging news reporter at magpokus na lang sa pagiging abogado.

"Mag-practice ka na lang. Baka magkita tayo sa court," saad ni Calida.

OSG'S PETITION

Ang Office of The Solicitor General (OSG) ay nagsisilbing abogado ng gobyerno.

Inirereklamo ng OSG ang diumano'y ilang taong "highly abusive practices" ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence, Inc., ang subsidiary at communications arm ng Kapamilya network.

Isa na raw dito ang paglunsad ng ABS-CBN ng pay-per-view channels sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel nang walang permiso ng National Telecommunications Commission.

Nilabag din umano ng ABS-CBN ang "foreign ownership restrictions," alinsunod sa 1987 Constitution, na Filipino citizens lamang ang maaaring magmay-ari ng mass media companies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa OSG, maituturing daw na violation ang pag-isyu ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) ng ABS-CBN sa foreign investors.

ABS-CBN'S STATEMENT

Nanindigan naman ang ABS-CBN na walang katotohanan ang akusasyon ng OSG.

Sa kanilang official statement, sinabi ng pamunuan ng ABS-CBN na dumaan sa tamang proseso ng "government at regulatory approvals" ang KBO Channel at ibang pay-per-view options.

Aprubado rin daw ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Philippine Stock Exchange ang PDRs na iniisyu ng broadcast giant sa foreign investors nito.

Ang SEC ay isang government regulatory agency na nangangasiwa sa securities o tradable financial assets ng mga korporasyon sa bansa.

Ang Philippine Stock Exchange ay isang private at non-profit organization na sinisiguro ang patas na pagpalit o pagbenta ng stocks, warrants, bonds, o anupamang securities ng isang kumpanya.

Sabi pa sa statement ng ABS-CBN hinggil sa PDRs, "These are the same instruments used by other broadcast companies to raise capital for the improvement of services."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT IS A PDR?

Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer noong January 2018, binigyang-linaw nito kung ano ang Philippine Deposit Receipt o PDR.

Nakasaad na ang PDR ay isang dokumento na nagbibigay sa "holder" nito ng karapatang magmay-ari ng "stocks" na binayaran o binili nito sa isang kumpanya.

Lumalabas na isa itong investment na may karampatang halaga.

Pero ang titulo raw ng stocks na iyon ay nananatiling pag-aari ng kumpanya at hindi maituturing na pag-aari ng holder o nakabili rito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN reporter Mike Navallo (wearing glasses and white top) is all smiles as he persists in getting a response from Solicitor General Jose Calida (in suit and glasses). Calida has refused to answer queries about the complaint he lodged against ABS-CBN earlier today.
PHOTO/S: ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results