PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza reveals travels with Jak Roberto helped them deal with tantrums

Barbie Forteza says she and Jak Roberto do not mind showing imperfections of their relationship.
by Rachelle Siazon
Published Feb 6, 2020
barbie forteza, jak roberto romantic shots
Baebie Forteza on relationship with boyfriend Jak Roberto: "Malaking bagay siguro na nakailang travel na kami together. So, along the way, alam na namin paano timplahin ang isa't isa. Kung paano itrato pag medyo nagta-tantrum yung isa."
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram

Inamin ni Barbie Forteza, 22, na mas nakikilala nila ng boyfriend na si Jak Roberto, 26, ang pag-uugali ng isa't isa sa tuwing nagbabakasyon sila sa ibang bansa.

Dito raw nila nakikita kung paano sila kumilos kapag nakararanas ng stressful situations.

Iyong tipong nagkakainisan, pero hindi puwedeng mag-iwasan dahil sila lang ang magkasama.

"Malaking bagay siguro na nakailang travel na kami together.

"So, along the way, alam na namin paano timplahin ang isa't isa. Kung paano itrato pag medyo nagta-tantrum yung isa," lahad ni Barbie.

Sabay natatawang pag-amin niya, "Kadalasan, ako yun!"

Hindi rin naman daw nagtatagal ang inisan nila ni Jak.

"Siyempre, offer agad ng ramen. Offer agad ng ice cream.

"Dahil matagal na rin kami ni Jak, kahit andito kami sa Pilipinas or nagta-travel kami, kabisado na namin yung isa't isa kung papaano namin titimplahin."

Sa May 19 ay magtatatlong taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak.

Madali bang suyuin si Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sagot ni Barbie, "Oo naman. So far, natutunan ko na medyo bawasan yung mood swings ko.

"Actually, hindi naman ako binibigyan ng rason ni Jak para mag-tantrums lagi."

Pareho raw silang likas na masayahin kaya madalas ay panay kulitan lang sila kapag magkasama.

"Oo, malaking bagay talaga na swak kayo ng partner mo.

"Pag pareho kayo ng interes, pareho kayo ng pangarap sa buhay, priorities, maiintindihan niyo yung isa't isa.

"Magko-compromise talaga kayo. Walang pag-uusapan. Walang magiging problema."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie pagkatapos ng digital conference para sa pinagbibidahan niyang GMA-7 series na Anak ni Waray vs Anak Ni Biday.

Ginanap iyon sa Kapuso All New Primetime grand launch, Miyerkules ng gabi, February 6, sa Shang Cineplex sa Mandaluyong City.

JAPAN VACATION

Sa panayam ng PEP.ph, sinabi ni Barbie na silang dalawa lang ni Jak ang magkasamang nag-winter vacation sa Japan noong nagdaang Christmas break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, may permiso ng kanyang magulang ang pag-travel nila ni Jak.

"Oo naman. Ever since, unang yaya pa lang sa akin lumabas ni Jak, pumayag na agad yung parents ko.

"Ganun sila katiwala kay Jak na walang gagawing masama sa akin. Ganung level, kasi mabait naman talaga."

Pinaka-memorable daw para kay Barbie ang pamamasyal nila ni Jak sa Mt. Moiwa sa Sapporo, Japan.

Makikita roon ang pamosong Bell of Happiness, na karaniwang pinupuntahan ng couples para pampasuwerte raw ng relasyon.

"Kakalampagin mo siya ng partner mo, parang for good relationship, para positive yung journey niyo as a couple.

"'Tapos sa side, may mga love locks. Wala nga kaming dala, e!

"Feeling ko nga, burahin namin nakasulat dun na names, 'tapos lagyan namin ng JakBie. Ninenok! Hahaha!

"Walang love lock, so nagkalampag na lang kami ng bell."

Masisilip ang kilig experience nina Jak at Barbie sa Japan sa YouTube videos ng Kapuso actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Marami pa siyang upload. Sobrang tiyaga niya mag-edit.

"As much as possible, gusto namin isama yung mga viewers sa experience namin.

"So, talagang mabusisi siya sa vlog.

"Hangga't kaya niya maging mas visual, ipakita yung mga pagkain na kinain namin dun. Ang saya!"

JUST LIKE OTHER ORDINARY COUPLES

Pero paglilinaw ni Barbie, hindi lang puro kilig ang ipinapakita nila ni Jak sa YouTube videos nila.

Bukas daw silang ipakita rin ang mga pagkakataong nagkakapikunan sila.

"Kasi ginawa nga niya yung YouTube niya para mai-share namin kung papaano kami as a couple.

"Kung gagawin pa namin na parang teleserye na kailangan laging perfect, parang montage, parang wala lang kami pinagkaiba...

"Gusto namin i-share na hindi lang kami yung basta couple na nag-e-exchange gift tuwing Pasko.

"Mas may lalim pa kami dun. Hahaha!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baebie Forteza on relationship with boyfriend Jak Roberto: "Malaking bagay siguro na nakailang travel na kami together. So, along the way, alam na namin paano timplahin ang isa't isa. Kung paano itrato pag medyo nagta-tantrum yung isa."
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results