PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nash Aguas says he and girlfriend Mika dela Cruz unfazed by showbiz intrigues

Nash Aguas on girlfriend Mika dela Cruz: "Faithful lang kami sa isa't isa."
by Rachelle Siazon
Published Feb 5, 2020 | Updated Feb 5, 2020
Nash Aguas on girlfriend Mika dela Cruz: "Yung relationship namin and yung pananaw namin is, as long as yung people around us nandiyan, kuntento na kami, at faithful lang kami sa isa't isa."
PHOTO/S: Noel Orsal / @zackwey Instagram

Deadma raw si Nash Aguas kung mayroon mang intrigang ibinabato sa kanila ng girlfriend niyang si Mika dela Cruz.

Mas pinahahalagahan daw niya ang pundasyon ng kanilang relasyon, at pati ang mga taong nakakakilala talaga sa kanila.

"Wala. Kumbaga, yung relationship namin and yung pananaw namin is, as long as yung people around us nandiyan, kuntento na kami, at faithful lang kami sa isa't isa."

Si Nash ay isa sa mga bida ng ongoing ABS-CBN prime-time series na A Soldier's Heart.

Habang si Mika, isang Kapuso actress, ay huling napanood sa GMA-7 prime-time series na Kara Mia noong 2019.

Magkaiba man sila ng TV networks, hindi raw iyon sagabal sa magandang takbo ng unawaan nila.

Saad ni Nash, "Masaya nga, e.

"Kumbaga, minsan, katulad nung Kara Mia party, pumunta ako. Mas nakaka-meet ako ng madaming tao.

"And nandun din si Paul na friend ko rin, kababata ko rin, kasama ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinutukoy ni Nash si Paul Salas, na nakatambal ni Mika sa Kara Mia.

Naging love triangle pa silang tatlo sa "Puppy Love" episode ng Maalaala Mo Kaya, noong 2012, o panahong nasa Kapamilya network pa sina Paul at Mika.

Nakapanayam si Nash pagkatapos niyang sumalang sa PEP Live, isang live streaming show na mapapanood sa Facebook ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ginanap ito nitong Martes, February 4, sa PEP headquarters sa Mandaluyong City.

Kasama ni Nash na sumalang sa interview ang co-stars niya sa A Soldier's Heart na sina Gerald Anderson at Elmo Magalona.

COUPLE GOALS

Sina Nash at Mika, parehong 21 taong gulang, ay one year and three months nang magkasintahan.

Ayon kay Nash, abala man sila ni Mika sa kani-kanilang trabaho ay sinisiguro nilang may quality time pa rin sila sa isa't isa.

Tulad nang mag-road trip sila sa Batangas noong January 12.

Makikita sa Instagram ni Nash ang isang beach photo kunsaan solo lang siyang nasa frame, pero makikitang hawak niya ang kamay ni Mika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag tumatanda, na-realize ko na kailangan talaga yung bakasyon," saad ni Nash.

"Minsan, we tend to focus dun sa mga goals natin, puro trabaho. In a way, nakakalimutan natin yung mga tao around us.

"Simula nun, we make sure na every week, at least meron kaming date night or meron kaming outing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Katulad nun, isang araw lang sa Batanags, balikan.

"Pero kumbaga, na-appreciate ko yung tao sa paligid ko. Nabibigyan ko sila ng time."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nash Aguas on girlfriend Mika dela Cruz: "Yung relationship namin and yung pananaw namin is, as long as yung people around us nandiyan, kuntento na kami, at faithful lang kami sa isa't isa."
PHOTO/S: Noel Orsal / @zackwey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results