PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu on doing an afternoon series: “Hindi naman sukatan ng pagiging artista mo kung saan ka ilagay.”

Kim Chiu talks about playing a mistress in Love Thy Woman.
by Jet Hitosis
Published Jan 28, 2020
Kim Chiu on her new teleserye, Love Thy Woman, which will be part of Kapamilya Gold afternoon programs: “Siguro sa panahon ngayon, wala na yung panggabi, pang-umaga, pangtanghali, panghapon. Hindi naman sukatan ng pagiging artista mo kung saan ka ilagay, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

Walang issue kay Kim Chiu kung sa hapon mapapanood ang bago niyang teleserye na Love Thy Woman.

Ang Love Thy Woman ang pagbabalik-teleserye ng 29-year old actress, na huling sinubaybayan sa Ikaw Lang Ang Iibigin noong 2017.

Daytime umere ang Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan nakatambal ni Kim ang ex-boyfriend niya na si Gerald Anderson.

Kaya naman sa pinakaaabangang pagbabalik-teleserye ng tinaguriang Primetime Princess ng ABS-CBN, umasa ang fans ni Kim na sa primetime slot siya muling mapapanood.

Lalo na dahil tampok sa Love Thy Woman ang balik-tambalan nila ng reel-and-real love team niyang si Xian Lim.

Kaya nang mapanood ng mga fans ni Kim ang omnibus plug ng Kapamilya network nitong January 13 at nalamang sa hapon ipalalabas ang bagong teleserye, kaagad na pumalag ang mga tagahanga ng aktres.

NOT ON PRIMETIME? NO WORRIES FOR KIM

Pero para kay Kim, walang kaso kung sa daytime, sa hapon, o sa primetime man ipalabas ang Love Thy Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro sa panahon ngayon, wala na yung panggabi, pang-umaga, pangtanghali, panghapon,” sinabi ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa grand media presscon ng Love Thy Woman nitong Biyernes, January 24, sa ABS-CBN.

Patuloy ni Kim, “Kasi meron na ring iWanTV, and then may internet na.”

Paliwanag ng aktres, hindi natutukoy ng timeslot ng isang teleserye ang value ng pagiging artista ng bida nito.

“Hindi naman sukatan ng pagiging artista mo kung saan ka ilagay, e,” sabi ni Kim.

“Same energy, same effort, parehas lang yun kung saan ka ilagay, umaga, tanghali—kahit sa madaling araw ka pa ilagay—parehas na acting pa rin yung ibibigay ko.”

Ang importante para kay Kim, pinahahalagahan niya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapamilya network sa kanyang pagbabalik-teleserye.

“Hindi ka naman ilalagay dun kung hindi ka nila pinagkakatiwalaan,” dagdag pa niya.

POWERHOUSE CAST

Hindi lang ang pagbibida nina Kim at Xian ang binigyang konsiderasyon ng kanilang fans sa obserbasyon ng mga ito na pang-primetime ang Love Thy Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan kasi sa pinakamalalaking artista sa industriya ang gaganap sa teleserye, tulad nina Christopher de Leon, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, at Yam Concepcion.

Sa katunayan, isa nga ito sa mga dahilan kaya “very excited” na si Kim na maipalabas ang Love Thy Woman, na ilang buwan nang nagte-taping.

“Masaya, kasi ilang months na rin namin ginagawa. We’re very excited,” kuwento ni Kim sa mga entertainment reporters.

KIM MISSES DOING A TELESERYE, BEING PAIRED WITH XIAN

Aminado ang aktres na na-miss na niyang magkaroon ng teleserye.

“Na-miss ko nang mapanood ako ng mga tao umarte sa TV,” ani Kim.

Sabay din na inamin nina Kim at Xian na nami-miss nilang magtambal sa teleserye—at nanibago pa nga sila sa umpisa.

“Definitely na-miss namin ang isa’t isa. Nung nagkasama na kami sa eksena the very first time,” sabi ni Xian.

Sinegundahan ito ni Kim, “Nung nag-eksena kami, pinanood namin yung sarili namin sa monitor, parang nakakapanibago pala.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 2016 huling nagkasama sina Kim at Xian para sa teleseryeng The Story of Us.

A MISTRESS ROLE FOR KIM

Tiyak na maninibago rin ang fans ni Kim sa role niya sa Love Thy Woman, dahil sa unang pagkakataon ay gaganap siyang mistress.

Sa Love Thy Woman, si Kim si Jia, na mahuhulog ang loob kay David (Xian), na asawa ng kapatid niyang si Dana (Yam).

Kuwento ni Kim, totoong ibang-iba ang naging atake niya sa karakter ni Jia.

“Medyo mahirap siya,” ani Kim. “Mahirap siyang pasukin.

“Kasi ang madalas kong ginagawa, for 13 years sa teleserye, parang laging ikaw yung ganun [agrabyado]. Ngayon palaban, ngayon iba, kaya inaral ko talaga scene per scene.”

Sa presscon proper, ibinuking si Kim ng isa sa mga direktor ng Love Thy Woman, si Jerry Lopez Sineneng, sa pagkakaroon ng notes sa gagawing acting sa bawat eksena.

Paliwanag ni Kim, ginagawa niya lang ang pagno-notes kapag alam niyang mahirap ang gagawing eksena, upang mai-deliver niya ang tamang acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Love Thy Woman, na co-directed ni Andoy Ranay, ay ipalalabas na simula February 10 sa Kapamilya Gold.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on her new teleserye, Love Thy Woman, which will be part of Kapamilya Gold afternoon programs: “Siguro sa panahon ngayon, wala na yung panggabi, pang-umaga, pangtanghali, panghapon. Hindi naman sukatan ng pagiging artista mo kung saan ka ilagay, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results