Mukhang back to normal na sa kanyang buhay si Alex Diaz, dalawang buwan makalipas ang kontrobersiyang nagbunsod ng kanyang pansamantalang paglisan sa showbiz.
Sa kanyang Instagram noong January 1, ibinahagi ni Alex ang ilang larawang kuha noong pagsalubong nila ng Bagong Taon.
Ilan sa mga larawang ito ay ang sweet moments niya kasama ang girlfriend na si Maria Daniella Hake o Ella, isang British-Filipino model.
Caption ni Alex, “#NYE2020 SNAPS”
Marami namang followers ni Alex ang masaya sa development na ito ng kanyang love life.


Si Ella naman ay nag-post din sa kanyang Instagram ng sweet photos nila ni Alex.
Nakalagay sa caption niya: “The plot twist to end all plot twist. HAPPY 2020!”
Nagkomento naman si Alex dito.
Sabi niya, “happy new years love [heart emoji].”

Nagkomento rin dito ang followers ni Ella na masaya sa relasyon nila ni Alex.


THE INDECENT PROPOSAL ISSUE
Noong Agosto 2019, ipinakilala ni Alex si Ella sa publiko na kanyang nobya.
Oktubre 2019, inakusahan ng fitness coach na si Miguel Chanco si Alex na nag-message umano sa kanya ng “indecent proposal.”
Kalaunan, humingi ng dispensa ang MYX VJ kaugnay ng “indecent proposal” na ipinadala niya umano sa fitness coach.
Noong panahong yun, may mga nagsabing hiwalay na raw si Alex at si Ella, pero walang makapagkumpirma nito.
Dahil sa kontrobersiya, inamin ni Alex na isa siyang bisexual.
Nagpunta ng Canada si Alex upang magpalamig, at nangakong babalik sa showbiz kapag nalampasan niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay at karera.
Ngayon, balik na sa Pilipinas si Alex, pero hindi pa malinaw kung kailan siya magbabalik sa showbiz.
