Viral ngayon ang pagkasa ni Maine Mendoza sa “Tala” dance craze, kasama ang boyfriend niyang si Arjo Atayde.
Ini-record ng 24-anyos na actress-TV host sa video-sharing platform na Tiktok ang pagsasayaw nila ni Arjo ng patok ngayong kanta ni Sarah Geronimo.
Ipinost ni Maine ang video sa Twitter bandang 9:44 ng gabi ngayong Sabado, January 4.
Sa caption, quoted ng tinaguriang Phenomenal Star ang 29-anyos na nobyong aktor: “’The things I do for you.’ – Arsho (silly face emoji) #popster”
"The things I do for you." - Arsho ???? #popster pic.twitter.com/KsNNFntQIn
— Maine Mendoza (@mainedcm) January 4, 2020
Mabilis na nag-viral ang video nina Maine at Arjo.
Bago mag-12:00 ng hatingggabi, mayroon na itong mahigit 82,000 likes at lagpas 11,000 retweets.
Sina Maine at Arjo ang latest celebrities na kumasa sa usung-uso ngayong “Tala” dance challenge.
Una nang nagsayaw ng “Tala” sina Loisa Andalio, Maris Racal, at Sue Ramirez.
Nag-viral din ang video ng pagsasayaw ng “Tala” ng dating SexBomb dancer na si Izzy Trazona kasama ang binatilyo niyang anak na si Sebastian Dewey.
Taong 2015 nang ini-release ni Sarah ang “Tala,” pero mas pumatok ito sa publiko noong 2019.
