Madalas pag-usapan at mag-viral ang sexy photos ni Bianca Umali sa Instagram posts niya, lalo na yung mga posts kunsaan naka-suot siya ng two-piece bikini.
Mas marami pa ba siyang pagpapaseksi na ipapakita sa social media accounts niya sa 2020?
“Hindi ko po masabi.
"Ayun nga po, actually, ang dami-dami pong nagtatanong sa akin about the sexy photos that I’ve been posting, kung iyon na daw po ba yung image, or am I ready for mature and daring roles.
“Being sexy is never an intention for me. Kapag nagpu-post po ako, it’s not to show people na ito yung gusto kong hitsura, ito na yung goal ko.
"Hindi po siya ganun, e.
“The photos I post on my account are photos I see for myself na maganda at gusto kong i-post, not because gusto kong magpa-sexy.
“Dahil gusto ko yung memories sa picture na yun. Gusto ko yung hitsura personally, kaya ko pinu-post sa personal account ko.
"Iyon yun. It’s never an intention to be sexy or daring.
“Hindi rin siya goal for me,” paglinaw niya.
Para rin daw iyon sa kalusugan o healthy lifestyle ni Bianca.
Dagdag niya, “Yes, lifestyle lang po siya sa akin and yun lang po.”
Aprubado rin daw ng kanyang pamilya ang mga sexy IG photos niya.
Aniya, “Yung sa family, wala pong kaso sa amin. Well, at least for my family, na nagpu-post nang ganun.
“Wala po, proud po ako.”
READY FOR SEXY PICTORIALS?
Pero kung may mag-offer sa kanya na mag-pictorial na siya para sa magazine cover or underwear endorsements, papayag ba si Bianca?
Tanong niya, “Kung magazine cover, paano pong magazine? Is it like…”
Parang FHM, men’s magazine?
Tugon niya, “Ahh, ngayon po…
“Sa trabaho ko po kasi, personally, hindi ko po sinasabing ayoko.
"Hindi ko rin po sinasabi na okay na akong mag-ganun.
"Kung ano po yung hihingin sa akin, gagawin ko yung best ko na…
"I will always have limitations, I can never show everything, but kung hangga’t saan ang makakaya ko, kung ano yung kaya kong ibigay sa kung ano yung hinihingi sa akin, gagawin ko.
“Pelikula man yan, serye man yan, magazine covers man yan -- whatever -- kung ano man po yung kaya kong ibigay, kaya kong ipakita.”
Hindi raw nagbabasa si Bianca ng comments sa Instagram photos niya.
Lahad niya, “I don’t read, but I am aware that halo siya, na may mga negative and positive.”
Pero mas marami raw positive comments, lalo na mula sa mga kalalakihang nabubuhay lalo ang “awareness” kay Bianca.
“Hay naku! Hahaha! Nabubuhay ang awareness!” ngiti niya.
Aware ba siya na mas dumami ang male fans niya?
“Hindi po ako aware, but... ano ba puwedeng masabi?
"Flattering…”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca nitong nakaraang Huwebes, December 12, sa 17th floor ng GMA Network para sa presscon ng Walk Of Fame ng GMA kung saan bukod kay Bianca ay ginawaran rin ng star nila sina Aicelle Santos, Roi Vinzon, Yasmien Kurdi, Miguel Tanfelix , Kris Bernal, Ai Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Carmina Villarroel, Dion Ignacio, Iya Villania, John Feir and Megan Young at ang mga GMA News and Public Affairs personalities na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Rovilson Fernandez, Lala Roque, JP Soriano and Atom Araullo.
HALFWORLDS GUESTING
Samantala, para sa 2020 ay pagbibidahan ni Bianca ang third season ng Halfworlds, ang HBO series.
Ayon pa kay Bianca, “Our season is the first HBO series na nagko-collaborate with Filipinos.”
Para ba itong Encantandia?
Paglinaw niya, “Hindi po siya… meron po siyang ganung element, fantasy po siya na action.
“Actually, ang Halfworlds po, meron na po siyang three seasons, each season is done in different countries.
"The first one was in Thailand, the other season was in Indonesia, and the third season is dito po sa Pilpinas.”
Ang kuwento ng Halfworlds ay naka-focus sa folklore ng isang bansa.
“Dito po sa atin, ang ating mga engkanto, meron po tayong kapre, manananggal, aswang, tiyanak.”
Hindi pa raw puwedeng i-reveal ni Bianca kung ano ang eksaktong papel niya.
Maingat niyang pahayag, “Siguro po… ako po yung chosen one.”
Tatlong buwan na raw silang naghahanda para sa Halfworlds sa pamamagitan ng workshops, training, script-reading at characterization sessions.
Ang shoot nila ay mula January hanggang April.
Si Bianca lamang ang nag-iisang Kapuso na napili para mag-audition para sa Halfworlds at ang ibang ipinatawag para sa audition ay puro Kapamilya actresses na.
Malamang ay sa third o last quarter ng 2020 mapanood ang Halfworlds.
