PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel explains why she wore red underwear while shooting this film

Carmina Villarroel: “Every time na nagsu-shoot ako, naka-red underwear ako, plus the luya.”
by Jet Hitosis
Published Dec 18, 2019
Carmina Villarroel reveals that she wore red underwear and put pieces of ginger in her pocket while filming Sunod, a 2019 Metro Manila Film Festival entry, showing on December 25.
PHOTO/S: Jet Hitosis

Aminado si Carmina Villarroel na sinunod niya ang mga “rituwal” na pinaniniwalaang nagtataboy ng masasamang ispiritu habang ginagawa ang pelikulang Sunod.

Ang Sunod ang nag-iisang horror movie na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF). Mapapanood ito sa mga sinehan sa December 25 hanggang January 7, 2020.

Ginanap noong Linggo, December 15, ang premiere night ng Sunod.

Sa media conference ng pelikula sa Quezon City, naikuwento ni Carmina na nakaranas sila ng totoong katatakutan habang ginagawa ang pelikula.

TRUE HORROR STORIES

Maraming lokasyon ang shooting ng pelikula, pero ayon sa 44-anyos na aktres, sa dating ospital na Quezon Institute sila nagkaroon ng kakila-kilabot na karanasan.

Kuwento niya, bandang 12:00 ng hatinggabi nang sunud-sunod na magputukan ang mga ilaw sa shooting.

May isang pagkakataon naman, ayon kay Carmina, na naglaglagan ang tiles na kisame sa lumang building habang tinatapos nila ang ilang eksena, pasado 3:00 ng umaga.

Gayunman, sinabi ni Carmina na nagsiguro na ang production crew bago ang shooting, at binigyan daw sila ng mga luya na ilalagay sa bulsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Every time we shoot, we always put ginger,” kuwento ni Carmina. “Binibigyan kami ng luya, inilalagay sa pocket.

“To drive away evil spirits… o siguro para hindi sumama sa amin.”

THIRD EYE

Kasunod nito, inamin ng aktres na naranasan niya noon na “sinusundan” siya ng mga kaluluwa.

“May past experiences talaga ako na sinusundan talaga ako,” sabi ni Carmina.

Ito ay matapos ikuwento ng aktres na dati siyang may “third eye” noong dalaga pa siya, at “nakakaramdam” siya ng mga ligaw na kaluluwa.

Kuwento ni Carmina: “Before po, nung wala pa akong mga anak. Hindi ako nakakakita, pero nakakaramdam ako.

“Palagi akong sinusundan. Palaging sumasama sa akin yung kaluluwa, hindi ko alam kung bakit.”

Ayon kay Carmina, iyon ang mga panahong “vulnerable” siya at maraming problema.

“Dati sensitive ako sa mga ganyan, like I was vulnerable. I was problematic, kaya meron ako nun.

“Pero nung okay na ako, settled na ako, nawala na lang sila bigla. Now, wala na po,” ani Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RED UNDIES AND “PAGPAPAGPAG”

Bukod sa paglalagay ng luya sa bulsa, sinabi ni Carmina na ginawa rin niya ang iba pang pamahiin na sinasabing magbibigay ng proteksiyon laban sa masasamang ispiritu—gaya ng pagsusuot ng pulang underwear, at “pagpapagpag” ng asin bago umuwi.

“Every time na nagsu-shoot ako, naka-red underwear ako, plus the luya,” pag-amin ni Carmina.

“Bago umuwi ng bahay, magpagpag ka raw ng salt.

“Yun yung mga rituals na ginawa ko, na ginawa rin namin sa pelikula, just to be safe, kasi wala namang masama.”

Sa Sunod, gumaganap si Carmina bilang si Olivia, isang single parent na nagtrabaho sa isang call center upang maipagamot ang may sakit na anak.

Tampok sa Sunod ang mga tunay na horror stories na base sa mga personal na karanasan ng mga call center agents na nasa graveyard shift.

Ang scriptwriter ng pelikula, si Anton Santamaria, ay dating call center agent, at tinipon niya ang kuwento ng mga nakatrabaho para makumpleto ang istorya ng Sunod.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Sunod ay directorial debut ni Carlo Ledesma. Bida rin dito sina Mylene Dizon, Susan Africa, Kate Alejandrino, Krystal Brimner, Rhed Bustamante, at JC Santos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel reveals that she wore red underwear and put pieces of ginger in her pocket while filming Sunod, a 2019 Metro Manila Film Festival entry, showing on December 25.
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results