PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Remember when Carmina was replaced by Sunshine Cruz in horror film?

Carmina Villarroel: “May mga in-offer na sa akin in the past na mga movies, pero lagi ko siyang tine-turn down.”
by Jet Hitosis
Published Dec 10, 2019
After eight years, Carmina Villarroel will again star in a horror movie via the Metro Manila Film Festival 2019 entry Sunod.
PHOTO/S: Jet Hitosis

Balik-horror movie si Carmina Villarroel makalipas ang walong taon.

Si Carmina ang bida sa nag-iisang horror film sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, ang Sunod.

“With this one I’m just very thankful that it was offered to me,” sinabi ni Carmina sa entertainment reporters na dumalo sa press conference ng Sunod nitong December 2 sa Quezon City.

“Matagal na akong hindi gumagawa ng horror, matagal na rin akong hindi gumagawa ng pelikula," dagdag niya.

"Yung mga pelikula ko in the past laging guest-guest lang. Ito na yung full length ko ulit.”

Ang The Road noong 2011 ang huling horror movie ni Carmina, habang sa Shake, Rattle & Roll XII (2012) siya huling napanood sa isang MMFF entry.

May guest appearances naman ang 44-anyos na aktres sa mga pelikulang One More Try (2012), Everyday I Love You (2015), at Love You To The Stars and Back (2017).

CARMINA ADMITS BEING PICKY WITH MOVIE ROLES

Aminado si Carmina na naging mapili siya sa paggawa ng pelikula, kaya sa mga teleserye lang siya napapanood sa nakalipas na mga taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga in-offer na sa akin in the past na mga movies, pero lagi ko siyang tine-turn down,” pag-amin ni Carmina.

Paliwanag niya: “Maybe because hindi lang siya nag-spark sa akin. Kaya palagi akong nasa TV.”

Inamin din ng GMA-7 actress na matagal na niyang gustong magbalik-pelikula, pero hindi raw dumarating ang tamang project para sa kanya.

“Pero naiinggit ako sa mga artistang gumagawa ng pelikula, kasi gusto ko talagang bumalik sa pelikula.

"But sad to say, lahat ng mga na-offer sa akin in the past, hindi lang siya swak sa akin. Yun nga, parang walang spark,” ani Carmina.

SUNOD HAS THAT “SPARK”

Pero ayon sa aktres, nang nabasa niya ang script ng Sunod ay kaagad niyang sinunggaban ang project.

Iyon ay kahit pa may ginagawa siyang teleserye noon sa GMA-7, ang Kara Mia.

Kuwento ni Carmina, “But nung when I read the script, I said, ‘I want to do it.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And that time I was also doing Kara Mia. I was still taping for a show in GMA. So usually pag ganyan ayoko na sana ng nagse-segue-segue.

“But I said, ‘hayaan mo na, deadma nang mag-segue-segue.’ Kasi talagang gusto ko itong project na ito,” aniya.

DESTINED TO DO A HORROR FILM

Nabanggit din sa mediacon ang pagkakaudlot ng pagganap ni Carmina sa isa pang horror film, ang The Heiress, na ipinalabas nitong November 27.

Napaaga ang pagpapalabas sa The Heiress, na unang na-pitch bilang MMFF 2019 entry, pero nabigong makasali sa film fest.

Bida sa The Heiress sina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Gayunman, tumanggi si Carmina na pag-usapan kung paanong napunta kay Sunshine Cruz ang role na orihinal na sa kanya.

Bagamat inaming nakaramdam siya ng panghihinayang sa proyekto, nilinaw ni Carmina na wala siyang “hard feelings” sa nangyari.

“Ang sa akin lang sayang naman kasi parang I was looking forward to it. Sobrang excited ako na makatrabaho si Ate Marya [Maricel], first time ko with Janella... but no hard feelings,” ani Carmina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito, ang Sunod ay kapalit ng orihinal na horror movie entry sa taunang film fest, ang (K)Ampon, na pagbibidahan sana ni Kris Aquino.

Dahil sa isyu ng technicalities, bigong mapasama ang (K)Ampon sa MMFF 2019, hanggang sa palitan na nga ito ng Sunod.

Ayon kay Carmina, bilang isang ina ay naka-relate siya sa karakter niya sa Sunod na si Olivia, isang single mother na kinailangang magtrabaho sa isang call center para maipagamot ang anak na may sakit.

Gayunman, binubulabog si Olivia ng mga kababalaghang naranasan niya sa pagtatrabaho bilang call center agent.

Ang Sunod ay directorial debut ni Carlo Ledesma at produced ng Ten17 Productions at Globe Studios.

Tampok din sa pelikula sina Mylene Dizon, Susan Africa, Kate Alejandrino, Krystal Brimner, Rhed Bustamante, at JC Santos.

Kabilang ang Sunod sa walong MMFF 2019 entries, na mapapanood sa mga sinehan simula sa Pasko, December 25, hanggang sa January 7, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After eight years, Carmina Villarroel will again star in a horror movie via the Metro Manila Film Festival 2019 entry Sunod.
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results